CHAPTER V - Business Proposal o Bwiset Proposal?

492 20 7
                                    

CHAPTER V -

JB

NAKATUNGHAY lang ako sa papalayong si Erie. Sa totoo lang nagulat ako sa reaksiyon niya sa akin, hindi ko inaasahan na galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari noon. Time heals daw sabi nila, kaya ang inaasahan ko pag balik ko dito at kapag nagpakita na akong muli sa kanya ay hindi na siya galit sa akin. Pero ganoon nalang ang gulat ko ng magpanggap siyang hindi niya ako kilala noong unang beses ko siyang makita. Halatang-halata naman sa itsura niya na nakilala niya ako, at alam ko ring hindi niya ako makakalimutan gustuhin man niya o hindi.

I give another sigh. This is not what I’m expecting. I park my car in front of my house, too lazy to even park it inside. Pagbukas ko palang ng pintuan ay tumunog na ang cellphone ko, mas napakunot naman ang noo ko ng makita kung sino ang tumatawag.

“Hmm? How’s the wedding?” bungad ko kaagad nung sagutin ko ang cellphone.

Hindi ko pa tuluyang naisasara ang pintuan ng bahay ng biglang magliwanag ang paligid. Nakita ko si Aling Esther sa may bungad ng pinto papuntang kusina. Tumango lang ako at tumuloy paakyat sa sarili kong kuwarto.

“Sir JB, ipaghahanda ko ba kayo ng makakain?”

“Salamat Nay, kumain na po ako.” Muli kong binalingan ang kausap sa kabilang linya habang umaakyat ng hagdanan. “So, you ditch our wedding, huh? Damage control? Re-schedule?” I laugh bitterly. “Just let them do whatever they want but I’m not coming back, you can come here if you want.”

I immediately throw myself in my bed when I enter my room. “Okay, then surprise me. I have to hang up, you have no idea what time is it. Goodnight sweetheart.” Inilapag ko ang cellphone ko sa night stand at ipinikit ang mga mata.

I can’t help a small smile escape my lips. “I’m free. Finally.”

Erie

“OH, Erie anong oras na, huh. Hindi ka ba pupunta ngayon sa resto?”

“Mamayang after lunch na lang ako papasok, Mom.” naghihikab na sagot ko kay Mommy. Umupo ako sa tapat ng kitchen counter at nagsalin ng hot chocolate sa mug.

“Mukang napuyat ka yata kagabi, huh. Napadaan ako sa kuwarto mo kaninang madaling araw at nakita kong bukas pa rin ang ilaw. Hindi ka ba makatulog kagabi?” usisa nito habang naghahain ng almusal.

Napabuntong hininga ako bago umiling. “Hindi.”

“May problema ba?”

“Wala po, medyo marami lang iniisip tungkol sa trabaho lalo na ngayon na malapit na mag bukas ang pinaka bagong branch ng resto.”

“Huwag kang masyadong mag papakapagod, huh. Huwag kang masyadong mag pupuyat baka magkasakit ka na niyan. Alagaan mo ang sarili mo, mahirap na ang mag kasakit.”

“Opo. Hindi ko naman nakakalimutan iyon, eh.”

“Oo nga pala, alam mo naba na dumating na yung anak ni Mareng Lydia, yung nakatira sa kanto? Pero siya lang yata ang nakatira ngayon sa malaking bahay nila, mukang hindi pa rin bumabalik ang buong pamilya nila.”

I just continue eating without saying a word. 

“Hindi ba classmate mo ‘yon noong high school ka, kaibigan mo yun ‘di ba? Ano nga ulit ang pangalan niyon? Hindi ko na maalala, eh. Ecoh ba yun o Sean?”

“Bryan,” sabi ko. “Ecoh and Sean are also my classmate in high school.”

“Oo nga pala, Bryan. Sa tingin mo ba dito na siya titira o nagbakasyon lang siya--”

Whether I Like it or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon