CHAPTER IV - My Guardian Angel is back!

639 22 3
                                    

CHAPTER IV - My Guardian Angel is back!



"MA'AM? Ma'am? Okay lang po ka'yo?"

Bumalik sa kasalukuyan ang diwa ko sa ginagawang pag-alog sakin ni Rowena. Napakurap-kurap ako. Pati yata utak ko naalog sa ginagawa ng babaeng ito sakin. "Yes? Bakit ba?"

"He he, ito po yung inventory galing sa acountant natin." nilapag niya ang isang makapal na folder sa table ko. "Okay ka lang ba talga? Bakit nakatulala ka?"

Hinilot ko ang sentido. "Nag balik tanaw lang ako."

"Oh, ano naman binalikan mo?"

"Binalikan ko lang sa ala-ala ko kung ano nga ba ang dahilan kung bakit kita tinanggap dito." nag-pout lang si Rowena, "Just kidding, pero iwan mo na ako rito bago pa ako mapa-isip ng tuluyan."

"Sige, iiwan na kita Ma'am para maituloy mo na ang pag d-day dream mo." pahabol pa niya bago tuluyang lumabas sa office ko.

"Adik din 'tong babaeng 'to, sesantehin ko kaya 'to?" 

Napa buntong-hininga ako sa mga naalala ko. Hindi nag pakita si JB sa akin nang gabing iyon, mag damag akong naghintay, pero kahit anino niya ay hindi ko nakita. Nasaktan ako noon ng husto dahil muli lang akong umasa.

Kaya naman ginawa ko ang lahat para makalimutan lang siya. Itinuon ko lahat ng atensyon ko sa pag aaral at pag-ttrabaho. Nag tapos ako ng Cumlaude, ngayon may sarili na akong restaurant. So in some point, naka-tulong rin naman ang maagang pagka-brokenhearted ko dahil umasenso ako ngayon. Pero, kahit anong gawin ko minsan pakiramdam ko ay may kulang pa rin, na parang hindi kompleto ang buhay ko.

Haissshh. Nakaka-asar, bakit ko ba binabalikan ang mga bagay na ito?

At ang isa pa sa hindi ko maintindihan, ano ba talaga ang problema ko sa muling pagbabalik ni JB, kung talagang nakapag move-on na ako hindi na dapat ako apektado, hindi ko sya dapat iniwasan and worse nag-panggap pa ako na hindi ko siya kilala. That's so lame, everyone can tell I'm lying...even him.

Isa pa sa pino-problema ko ay ang night-out na 'yan, dapat ba akong pumunta? Paano naman ako mag re-react sa harapan niya kapag nagkita na ulit kami? Ipag papatuloy ko ba ang pag- papanggap na hindi ko siya kilala? Pero kapag ginawa ko 'yon baka magmuka lang akong tanga.

Siguradong hindi papasa ang acting skills ko! Kanina pa nga lang eh, lalagpasan ko lang dapat siya hindi ko pa magawa, paano pa kaya mamaya baka higit pa don ang gawin kong kapalpakan!

Gosh, Erie ang laki ng problema mo, hindi pa magugunaw ang mundo!

Chill lang, si JB lang naman 'yon hindi 'yon na-ngangain ng tao. Just...act normal. Saway ko sa sarili ko.

.

.

NAKAILANG-ikot na ako sa harapan ng salamin ay hindi ko pa rin magawang umalis. Noong nakaraang araw ay nag-text si Yshe at sinabing ngayon na ang night-out ng barkada namin, sort of reunion na rin dahil matagal na rin kaming hindi naku-kompleto dahil nga matagal nawala si JB. Ang iba ay busy sa trabaho, pamilya at mayroon din naman nawala sa bansa sa loob ng napaka-habang panahon. Marami na ring nadagdag sa original member ng tropa namin, tulad ni Kaleb, mga boyfriend at asawa ng ilan. Dahil kilala na si Kaleb ng mga kaibigan ko ay komportable na akong isama siya sa mga lakad namin tulad ngayon. At isa pa kailangan ko siya para makaiwas kay JB.

            "Uhmm.. may plano ka pa bang pumunta sa night out o tititigan mo na lang ang sarili mo?" 

            Napalingon ako kay Kaleb, naka-pasok na pala siya sa kuwarto ko. "Nandito ka na pala, pababa na rin ako."

Whether I Like it or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon