CHAPTER XIV - Shattered Heart

383 16 4
                                    

CHAPTER XIV - Shattered Heart

NAKAKATAWANG isipin na pagkatapos ng munting eksena namin sa hood ng sasakyan niya kanina ay heto kami ngayon at walang kibuan sa loob ng sasakyan, papauwi na kami sa mga oras na ito. Well, ako lang naman talaga ang naiilang pa rin, mukang balewala lang iyon sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.

        “So, uhmm...this is goodbye then.”

        “Y-Yeah.” sabi ko.

        “I will see you tomorrow.”

        “S-Sure.” I cleared my throat. “I have to go.” Ngunit bago pa ako makagalaw ay hinapit na niya ako palapit sa kanya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Nasa tapat kami ng bahay namin at anumang sandali ay maaaring lumabas ang mga magulang ko. Not that they will be mad at me, but it’s still a big deal.

        “Relax, I just want to claim my goodbye kiss.” Nakangising sabi niya.

        “And who told you that you have--” hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil kinuha na ni JB ang ‘goodbye kiss’ niya na medyo nagtagal ng ilang minuto. Hinampas ko siya sa balikat pagkatapos.

        “Goodbye for now my Princess,” sabi niya habang naglalakad ng paatras patungo sa sasakyan. “And it’s not bad if you dream of me tonight.”

        Natawa na lang ako sa kayabangan niya. “Tell that to yourself.”

        Pumasok na siya sa sasakyan niya at ilang sandali lang ay wala na siya sa harapan ko. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko hanggang makapasok ako sa loob ng bahay namin. Sinalubong ako ni Mommy. “Hi, Mom.” humalik ako sa pisngi niya.

        “Oh, Erie. Nagkita na kayo ni Kaleb?”

        Nagsalubong ang kilay ko. “Hindi po, bakit?”

        “Galing siya rito kanina at hinahanap ka, may usapan daw kayo. Birthday daw ng Daddy niya ngayon.”

        Mahinang napamura ako ng maalala ang usapan namin ni Kaleb, nawala talaga iyon sa isip ko kanina. Kinuha ko agad ang phone ko sa loob ng bag ko. Ngayon ko lang napansin na may text at missed calls doon si Kaleb. “Mom, can I borrow Dad’s car, pupuntahan ko lang si Kaleb.” Naiwan ko kasi ang sasakyan ko sa restaurant dahil ang sasakyan ni JB ang ginamit namin kanina.

        “Sige, kunin mo ang susi sa study room niya, natutulog na iyon ngayon.”

        Mabilis na nag maneho ako papunta sa bahay nila Kaleb, sa malawak na bakuran ng mga ito ang venue ng party. Kung susuwertihin ay baka makaabot pa ako.

        Pero may dahilan kung bakit hindi talaga ako tumataya sa lotto, mailap sa akin ang suwerte. Pag dating ko doon ay halos wala ng tao, ang iba naman ay nag hahanda na rin sa pag-alis. Naabutan ko si Kaleb na nakaupong mag isa sa isang lamesa. Nakayuko siya at tila malalim ang iniisip.

        “Kaleb...”

        Nag angat siya ng ulo sa akin, at gusto kong mainis sa sarili ko sa mga sandaling ito. Puno ng disappointment ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

        “What happen, Erie?” tanong niya sa tono na tila napapagod.

        “I-I..” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Kaleb. Naipangako ko sa kanya na darating ako sa birthday ng Daddy niya pero nakalimutan ko iyon. Hindi ko kayang gumawa ng alibi. “I’m sorry.”

Whether I Like it or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon