FINAL CHAPTER – Moving on…
Erie
After one year...
NAIIRITA na ako dahil kanina pa ako nakatengga sa EDSA, naipit ako sa gitna ng traffic, may nagbaanggaan daw kasing truck at isang private vehicle, mabuti na lang at walang nadisgrasya ng husto. Pero dahil sa katangahan ng dalawang iyon ay nagkaroon ng traffic sa kalsada dahil nakabalandra pa din daw ang sasakyan ng mga ito.
Siguradong naiinip na si Kaleb sa paghihintay sa akin sa resto ngayon, may usapan kasi kaming dalawa na magkikita at kung hindi lang ako na-stuck sa gitna ng kalsada malamang ay kanina pa ako naroon. Si Kaleb pa rin kasi ang tumatayo kong Marketing consultant hanggang ngayon, wala namang problema dahil malakas naman ako sa kanya.
Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang phone ko, Kaleb is calling. "Hi, Kaleb!" masiglang bati ko sa kanya, baka sakaling hindi niya mapansin na late na ako.
"Hi yourself! I thought our meeting is supposed to be after lunch, it's already two in the afternoon. You are wasting my precious time."
"Sorry, late na kasi ako nakapag lunch." I can almost hear him rollong his eyes, napakagat ako sa ibabang labi. "I'm stucked here, alam mo naman siguro kung gaano ka-traffic dito sa edsa."
"That's not my problem."
"Come'on! Isa pa, linggo naman ngayon wala kang pasok sa office."
"Hanggang five lang ako free, susunduin ko pa si Margarette."
Kusang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Margarette, yung kapatid ng bestfriend mo?" Napangisi ako, "Wow, what's going on?"
Narinig ko ang pag-unggol niya sa kabilang linya. "Nothing's going on. Please, don't talk nonesense!"
"Wala naman akong sinasabi, huh. Bakit masyado kang defensive?"
"Coz I know what's going on inside your pretty little mind. God, she's just a kid! Ako ang inutusan ng kuya niya na mag-sundo sa kanya dahil nasa out of town siya ngayon."
"Bakit mo naman siya kailangang sunduin, aber? Matanda na siya, she's not a 'kid' anymore. Don't you think you are being over protective?"
"Her brother is being over protective, not me okay? I'm just doing a favor for a friend, don't give meaning to that."
"Okay, fine whatever." Nagsisimula na ulit umandar ang trapiko. "I have to hang-up now."
"Wala na ako rito ng alas-cinco kaya bilisan mo." Iyon ang huli kong narinig na sinabi niya bago ko patayin ang cellphone at basta nalang inihagis sa loob ng compartment.
Mabuti na lang at tuloy-tuloy na ang pagdaloy ng mga sasakyan, mukang naayos na ang problema sa wakas. Para hindi masyadong mainis ay naisipan kong buksan ang radyo. Nagsalubong ang kilay ko ng marinig ang pamilyar na tinig na iyon. JB is singing. Hindi ko maiwasang malungkot habang naririnig ko ang boses niya. Sino kaya ang naglagay ng kantang ito dito, bakit hindi ko namalayan? Wala naman ito dati sa playlist ko.
‘Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections…Hindi ko maintindihan kung bakit pero kusang lumundag ang dibdib ko ng marinig ang boses niya, lalo na ang kanta niya. Wala sa sariling pinatay ko ang radyo, hindi ko kayang marinig ang boses niya. Hindi ko maiwasang hindi malungkot. At dahil likas na akong madrama ay baka maiyak pa ako ngayon dito, magkakalat ang mascara ko kaya hindi puwede. Sino ba naman kasi ang naglagay dito ng kantang ‘yan. Mapapaslang ko talaga.
BINABASA MO ANG
Whether I Like it or Not
RomanceCOMPLETED: What will you do if your ex want you back? And the worst part is, even though he does hurt you...you're still madly in love with him! Will you forgive and forget just to have him back and take all the risks? Or will you ignore all the fee...