CHAPTER X - You know you can’t avoid me forever.
BUONG linggo akong nagpaka busy sa trabaho para magkaroon ako ng dahilan para makaiwas kay JB. Tinanggap ko na rin ang business proposal niya pero palaging ang sekretarya ko lang ang pinapakausap ko sa kanya. Pero alam ko naman na may hangganan ang ginagawa kong pag iwas sa kanya, balang araw ay mag kakaharap pa rin kaming dalawa sa ayaw ko man o sa gusto.
Since I work all day for the whole week, I take Sunday to rest. Hindi ako pupunta sa resto, kayang kaya na iyon ng mga ever reliable kong mga tauhan. Isa pa nandoon naman si Yshe ngayon kaya hindi na ako kailangan doon, mag papahinga na lang ako buong mag hapon.
Alas diez na ako nakatayo sa higaan, bumaba na ako para kumain. “Mommy,” tawag ko habang bumababa ng hagdanan.
“Yes, baby girl nasa kitchen ako.”
“What do we have for breakfast?” pagdating ko sa kusina ay may nag aayos ng lababo namin, nakatalikod kaya hindi ko makita ang mukha. “Nasira nanaman ba yung tubo?”
“Hindi naman, medyo may leak lang pero madali lang itong maayos” sabi ng lalaking nag aayos ng lababo namin.
Nag tindigan lahat ng balahibo ko ng marinig ang boses na iyon, that familiar suave voice. I confirm my thought when the guy stood up to face me.
“JB?”
“Hello, good morning.” he smile widely at mabilis na pinasadahan ang itsura ko.
Hindi ko tuloy mapigilang mahiya, naka over size T-shirt lang ako at pajama I didn’t even try to brush my teeth or comb my hair. Who would have thought that JB will be here? “What are you doing here?”
“Huwag ka ngang ganyan makipag usap sa kanya. Nandito siya para tumulong sa pag aayos ng lababo natin.” sabi ni Mommy na mukang tuwang-tuwa kay JB.
“Bakit siya?”
“Erie!” Pinanlakihan niya ako ng mga mata. “Nakita ko kasi siyang napadaan sa harap ng bahay natin habang nag jo-jogging, I ask him if he know someone who can fix this and he offer himself to help.”
“Alam mo naman bang ayusin ‘yan?” naka-taas ang kilay na tanong ko na lang. Ewan ko ba, ang aga-aga hindi ko maiwasang hindi maging sarcastic. Ngumiti sya sa akin ng maluwag.
Urgh, sino naman nag sabi sa’yong ngumiti ka.
“Ilang taon akong nanirahan mag isa sa States, so sure I know what I’m doing.”
“Ang galing mo naman,” sabi ni Mommy. “Pero bakit naman mag-isa kang nanirahan sa States, hindi mo ba kasama ang pamilya mo?”
“Humiwalay na agad ako sa kanila pag dating namin sa States, my father and I are not in good terms that time so I decided to move out.”
“Bakit? I mean, If you don’t mind me asking.”
“Ang tsismosa mo talaga, Mommy.”
“Okay lang. Hindi kami magka sundo ni Dad dahil gusto kong manatili dito sa Pilipinas pero hindi niya ako pinayagan we have a huge fight na kailan lang na resolve. Finally, after a years of requesting and begging he approve me to live wherever I want. Matanda na rin kasi ako.” natatawang kuwento nito sa kanila niya, kung para sa Mommy ko o sa akin ay hindi ko alam. Pero napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
“Wow, that must be hard for you.”
“Yeah Tita, but I survive because I have a goal.” sinulyapan ako ni JB.
BINABASA MO ANG
Whether I Like it or Not
RomanceCOMPLETED: What will you do if your ex want you back? And the worst part is, even though he does hurt you...you're still madly in love with him! Will you forgive and forget just to have him back and take all the risks? Or will you ignore all the fee...