CHAPTER VII - Promise is made to be broken.
"GISING na Erie, nasa airport na tayo." bulong ni Kaleb sa kaliwang tenga ko. Hindi ko siya pinansin, pumikit lang ako ng mariin.
Nakasandal ako sa bintana ng sasakyan habang yakap-yakap ang isang malaking unan. inaantok pa kasi ako, maaga kaming umalis ng bahay para pumunta sa airport. Ngayon kasi ang outing ng buong tropa. Ang usapan namin ay sa airport na kami magkikita-kita. Sinundo ako ni Kaleb sa bahay ng sobrang aga, parang siya nga yata ang gumising sakin, eh.
"Hoy, Erie gumising ka na diyan." Niyugyog ni Kaleb ang balikat ko pero hindi ko pa rin siya pinansin. Sa totoo lang kasi, kung ako ang papipiliin mas gugustuhin ko na lang matulog mag hapon sa bahay namin kaysa sumama sa outing na ito. "Kapag hindi ka bumaba diyan, bubuhatin kita."
Asar na bumalikwas ako ng bangon. "Ano bang problema mo? Hindi mo ba nakikita na natutulog pa yung tao?"
"Nasa airport na po tayo. Mamaya mo na lang ituloy yang tulog mo."
Inirapan ko siya pero sumunod na rin ako sa paglabas nya. Pag pasok namin sa departure area ay agad naming nakita ang mga kaibigan namin, kompleto na ang mga ito maging si JB ay naroon na rin.
"Hindi na kami magtatanong kung bakit kayo nahuli nanaman," bungad sa amin ni Sean.
"Thank God pare, I can't think of another excuses."
Sinimangutan ko silang dalawa. "Kung mag salita kayo para namang naiwan na tayo ng eroplano, huh." Yumakap ako kay Yshe upang makahanap ng kakampi. "Pinagtutulungan ako ng dalawang ito, oh."
"Guys, don't do that to the poor Erie." sabi ni Grace.
"Hindi naman niya kasalanan kung mabagal siyang kumilos, di ba." dagdag pa ni Marlene at nakipag high five kay Grace.
"Grabe talaga kayong dalawa, sa halip na kampihan niyo ako tumutulong pa kayo sa mga boys na yan. Ipaglaban niyo ang kalahi niyo."
"We love boys kaya okay lang 'yon."
"Mahiya ka naman, nandiyan si Chad sa tabi mo."
"Sorry he's not the jealous type."
At sa loob ng ilang minuto ay walang ginawa ang mga ito kundi pag-trip-an ako, natigil lang sila ng in-announce ang flight namin. Nang mapalingon ako kay JB ay nakita kong nakikitawa lang siya sa kanila. Naalala ko tuloy bigla noong isang araw na nakita ko siyang nakatayo sa harap ng bahay namin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang ginagawa niya roon noong mga oras na iyon. Hindi na ulit ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya.
Hindi maipinta ang itsura ko habang naka-upo sa loob ng eroplano at naghihintay sa paglipad niyon. Paano ay hindi ko gusto ang naging arrangement ng upuan namin, puwede bang makipag palit? Napapa-gitnaan ako nila JB at Kaleb. Si JB ang nakaupo sa tabi ng bintana.
"Okay ka lang?" tanong ni Kaleb ng mapansin na hindi ako mapakali.
"Yeah, nothing's wrong." sabi ko.
Kinuha ko na lang ang headset at isinuot. Matutulog na lang ako hanggang sa makarating sa Palawan. Kaysa naman mapanis ang laway ko sa kinauupuan. Hindi rin ako kumportableng makipagdaldalan dahil katabi ko si JB. Hanggang ngayon hindi ko pa rin naiiisip kung bakit naiilang pa rin ako sa kanya. Ah, oo nga pala, dahil pinapahiwatig niya na gusto niya pa ring makipagbalikan sa akin.
Sayang lang at hindi namin natapos ang pag-uusap namin noong nakaraang araw, parang may gusto pa naman siyang sabihin. Mukang umaasa pa rin siya na may babalikan pa siya sa akin. Nagkakamali siya, ngayon pa lang ay simulan na niya mag move on. Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang tuluyan na akong hilahin ng antok ko.
BINABASA MO ANG
Whether I Like it or Not
Roman d'amourCOMPLETED: What will you do if your ex want you back? And the worst part is, even though he does hurt you...you're still madly in love with him! Will you forgive and forget just to have him back and take all the risks? Or will you ignore all the fee...