Kenneth POV
'Kuya..'
'huyy..'May tumatawag ba sakin?
Maya maya may naramdaman akong tumatapik sa balikat ko. Alam kong si Avia yun..kaya nagkukunwari kunwarian akong natutulog...
Tapik pa din sya ng tapik sakin... Nagtataka nako...pero nagkukunwari kunwarian pa din akong tulog.
"HOYY KUYA!!" sigaw na nya sakin.
Dahan dahan kong inangat yung ulo ko at nagpunas punas muna ng mata bago ko sya tinignan...
Tinignan ko muna kung medyo okay na ba sya..
"Ayos ka na ba?"tanong ko sakanya..
Pero nakatitig lang sya sakin..di sya sumasagot..
"Tinatanong kita kung ayos ka na ba?"medyo malakas na pero kalmado pa ding sabi ko.
"A-ahh....oo a-ayos naman ako"nauutal na sabi nya...
Mas lalo akong nagtaka...
"S-sino ka po ba?nauutal pa ding sabi nya..
"Niloloko mo nanaman ba ko Avia?"tanong ko sakanya kase minsan nangpraprank lang sya eh...pero may kakaiba talaga sakanya...pero di ko masabi. Ano kaya yun?..
"H-huh?"nagtatakang tanong nya.
"Sigurado ka bang di mo ko matandaan?"seryoso pero may pagakahalong paniniguradong sabi ko.
"Bakit magkakilala ba tayo?"naguguluhan na sabi nya.
Parang di sya nagbibiro...Alam ko tono at mukha ni Avia pag nagbibiro sya..
Kakaiba sya ngayon...
"Magkakilala na tayo simula pa nung bata pa tayo"explain ko sakanya.
"T-teka di ko alam mga pinagsasabi mo.. Di kita kilala at hindi ako si Avia. Ako si Alexandra Montereal."
Mas lalo akong nagtaka, seryosong seryoso kasi mukha nya. Alexandra Montereal..sino yun?
"Ano bang pangalan mo?"tanong nya sakin.
"Kenneth Mendoza."simpleng sabi ko habang nag iisip pa din.
Nakita kong parang naguguluhan din sya sa nangyayari..
"Wait, fan ba kita? Di mo ko maloloko alam na alam ko yung mga kuwentong ginagawa ko"medyo pabirong sabi nya.
Niloloko nya ba ko? Ako? magiging fan nya? Kwentong ginagawa nya..? Di naman mahilig magsulat ng mga storya si Avia eh..
"Alam mo Aviatrix matulog ka na lang ulit. Di pa yata maganda ang lagay mo"
Sabi ko sakanya at pinahiga ko na sya ulit sa kama, pero nagpumiglas sya."SINO KA BA TALAGA? BAKIT DITO KA NATUTULOG? ANO BANG NANGYA-"sigaw nya saka sya saglit tumigil na tipong may naalala sya..
"Kenneth Mendoza nga. Binantayan kita buong magdamag kaya sa sobrang pagod ko nakatulog ako dito."explain ko ulit sakanya. Hinuli pa nga ako ng mga guard kagabi...kung alam mo lang.
Nagka amnesia ba sya? Tanong ko kaya mamaya sa doktor nya..
"AHH IKAW BA YUNG TUMULONG SAKIN? SALAMAT. Pakitawagan na lang yung fiancèe ko." nakangiting sabi nya sakin.
"MAY FIANCÉE KA NA?! WTF AVIA?! YOU ARE ONLY 18 YEARS OLD! AND DI KA MAN LANG NAGSASABI SAKIN HA?! TOTOO BA?! HA?!"galit na sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
The Story Of My Story (The Other Me)#wattys2019
Fantasy"Nakapasok ako sa storyang ginagawa ko na kung saan nasa loob ako ng katawan ng bidang babae sa story ko.." "Hindi na ako si Alexandra Montereal. Ako na si Avia Liechstein At nasaloob ako ng storya ko.." _______ I am Alexandra Montereal. A famous w...