14 ~ Enchanted Kingdom

22 9 3
                                    

Avia POV

DI KO ALAM KUNG BAKIT NAIINIS AKO.

'Ang yabang nya pa kanina, sabi nya isasama ako sakanya'

Bakit nga ba ako naiinis? Dapat nga matuwa pa ko dahil di ko kasama yung hambog na yun diba? OO NGA BAT KO DIN BA SYA INIISIP

Hindi pa dapat mangyari to.....kasi ang dapat mangyari ay magkaaway at di magkasundo sina Avia at Kenneth. Di dapat nila magugustuhan ang isa't isa sa college life nila. Kaya kailangan...bawal pa yung mga kilig moments nila. Masisira ang plot ko kung magkakagustuhan na agad sila. At saka ayoko din magkaroon ng kahit na anong kilig moments sa ibang lalaki...kahit dito sa mundo nila... Pag nagkagustuhan na siguro sila...wala na ko dito, nakabalik na siguro ako sa totoong mundo ko.

"Baba na Acts, dito na tayo. Magdala ng extra t shirt, tubig, pera at cellphone. Mamayang 7:00 dapat nandito na lahat sa bus "sabi ni maam lucas.

"San tayo una sasakay ate Avia?"tanong ni Rochelle.
"OO NGA!! EXCITED NA KOOO!!"malakas na sigaw ni Allysa.

"Ang ingay ng bunganga mo."sabi ni Jabez sakanya.

"Pake mo ba?"mataray na sabi ni Allysa.

Di na sya pinansin ni Jabez at bumaba na. Kaya bumaba na lang din kami.

"ANG HAMBOG NG JABEZ NA YUN!! KALA MO KUNG SINONG GWAPO!! MUKHA NAMANG KUTONG LUPA!!"malakas na sigaw ni Allysa.

"HAHAHA....baka crush mo na yan Allysa ah?"mapang asar na sabi ni Mikaella na kadadating lang.

"IKAW KARARATING MO LANG LAKAS MO MAKAPANG ASAR...DI AKO MAGKAKAGUSTO DUN! NEVER~~~"sabi ni Allysa.

"Tologo bo ate Allysa? Baka mamaya--"mapang asar na sabi din ni Rochelle.

Sinamaan naman ng tingin ni Allysa si Rochelle kaya tumigil na din si Rochelle.

"Kamusta naman dun sa bus nyo Mikaella?"tanong ko sakanya.

"Gusto ko nga lumipat sainyo kasi ang boring dun. Walang nag iingay...baka daw kase magalit si Kenneth."naiiritang sabi nya.

Oo nga pala. Kaklase ni Mikaella sina Kenneth at Dharyl.

Natatakot sila dun eh isa ding hambog yun!

"So san na muna tayo?"sabi ko sakanila.

Tumingin sila sakin na parang nagtataka.

"Bakit ganyan tingin nyo?"nagtataka ding tanong ko sakanila.

"Naninibago lang kami. Kadalasan kasi pag may mga gantong lakad ikaw lagi nasusunod kung san pupunta. Di mo ugaling tanungin kami kung san gusto namin."sabi sakin ni Mikaella.

"Oo nga, pansin ko din ate Avia parang ang laki ng pinagbago mo simula ng maaksidente ka."sabi ni Rochelle sakin.

"Sorry kung maooffend kita ah. Pero lately parang ang bait mo na. Di ka na nakikipag away. Saka di ka na mapili sa mga kakainin at susuotin mo. Di ka na din masyadong bossy. Di ka na rin masyadong competetive sa school. Di ka na din masyadong nagrerecite at saka di na tulad ng dati na perfect at almost perfect yung mga scores mo sa mga quizzes at activities. Ano bang nangyayari sayo?"tanong ni Allysa sakin eh.

PAKTAY! PANO TO! MUKHANG ANG AGA KO YATA MABUBUKING AH.
Palusot. Kailangan ko ng palusot.
Isip Avia! Isip!

"Ahh lahat naman siguro ng tao pwedeng mag bago...hehehe"sabi ko sakanila habang nakangiti.

"Sige, lika na. Dun muna tayo!"sabi ko sakanila. Nakita kong nag nod na lang sila kahit di mukhang satisfied yung mukha nila sa sagot ko.

Sumakay kami sa rio grande ng tatlong beses tapos saka kami nag jungle log jump. Pagkatapos ng mga basa basa...nagpalit muna kami saka kami pumunta at nanood sa Rialto. Pagkatapos naming manood sumakay na kami sa iba pang mga rides.

The Story Of My Story (The Other Me)#wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon