17 ~ KIDNAPPED?!?!

15 6 1
                                    

Avia POV

Nagising ako dahil sa kakaibang amoy na naaamoy ko.

Parang amoy ng mga bakal na kinakalawang.

Agad akong tumingin sa paligid. Naramdaman kong may bakal na nakapulupot sa kamay at paa ko na nakadikit sa pader.

Agad akong sumigaw.

"HHHMMM"may tape pala yung bibig ko ngayon ko lang napansin.

Naaalala ko na. May lalaking sumusunod sakin nun sa tabi ng dagat.

May pinaamoy syang panyo sakin na naging dahilan kung bakit nawalan ako ng malay.

Tinignan ko ulit yung paligid. Para akong nasa bodega ng mga bakal bakal. Kaya pala may naaamoy akong mga bakal na nangangalawang.

Sinubukan ko ulit sumigaw. Di ako tumigil.
_____
Maya maya may pumasok na lalaking naka mask at nilapitan ako.

SIYA YUN!!
SIYA YUNG LALAKING HUMAHABOL SAKIN...

Kahit nakamask sya tanda ko yung tindig at amoy nya.

Hinawakan nya yung pisngi ko. Pero agad akong umiwas.

Familiar talaga sya...

"hhhmmmm"sigaw ko habang nagpupumiglas.

"Walang makakarinig sayo. Malayo tayo sa resort. Dito ka lang kasama mo ko."kahit nakamask sya halata yung pagngisi nya na mas lalong nakapapainis sakin.

Yung boses nya....
Sabi ko na nga ba!
PERO BAKIT?!
BAKIT MO GINAGAWA SAKIN TO?!

Dharyl Villafuerte.
_______

Wala naman akong maalala na may ginawa akong masama sakanya ah? Wala din akong ginawa na ginawa ni Avia na masama sakanya.

Okay naman kami ah?! Okay naman sila ni Avia ah?!BAKIT DHARYL?!
Ang ginawa kong Dharyl ay yung mabait. May gusto sya kay Avia simula nung bata pa sila. Pero di yun alam ni Avia.

Nakita kong tinanggal nya na yung mask nya.

Naramdaman kong tumutulo na yung luha ko. Nakita ko namang nakatingin sya sakin.

Yung mukha nya...parang nag aalala at naaawa.
Diba ikaw ang may gawa nito?! Bat ganyan yung pinapakita mong mukha?!

Lumapit sya sakin.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin."sabi nya saka nya tinanggal yung tape sa bibig ko..

"Bakit dharyl?..."sabi ko sakanya habang umiiyak.

"Okay naman tayo ah? Magkaibigan na tayo simula nung bata pa tayo. Wala naman akong ginawang masama sayo....kaya bakit...BAKIT?! BAKIT?! SABIHIN MO SAKIN DHARYL!!"sigaw ko sakanya.

Di sya nagsasalita. Tumayo lang sya at kinuha yung phone nya saka sya may tinawagan.

"Pumunta ka dito. Gising na sya."
"HUH?! PINADUKOT MO DIN SI KENNETH?!"
"Sige sige ipadala mo na din sya dito"Sabi ni Dharyl sa kabilang linya.

"PATI SI KENNETH NA BEST FRIEND MO?! ANO BANG PROBLEMA MO? NABABALIW KA NA BA?!"sigaw ko sakany habnag umiiyak pa din.

Nakatingin lang sya sakin habang nakaupo sa upuan.
______
Biglang bumukas yung pintuan. Kaya agad akong napalingon dun.

May pumasok na isang babae...
Si Aira Moneda?!

Sya yung kaklase ko na tumulong sakin dun sa cr nung bago mag film showing.

Si Aira? Isa lang naman syang simpleng character. Kaklase lang ang role nya sa story ni Avia.

Ano bang nangyayari? Bakit ganito? Bakit nagiiba yung story ko?

Pagkapasok ni Aira may mga sumunod sakanyang mga naglalakihang lalaki.

Hawak nung nga lalaki si...Kenneth.
Ano ba talagang gusto nyo?

Napatingin sakin si Kenneth...Agad nanlaki mata nya...

"AVIA!!"sigaw nya. Akmang pupuntahan nya ko. Pero nakatali yung kamay nya dun sa mga lalaki.

Sinuntok sya ng isang lalaki sa tyan.
"WAGG!!"malakas na sigaw ko.

Nakita kong napaubo ng dugo si Kenneth.
Tinulak nila si Kenneth Medyo malapit sa kinatatalian ko.
Agad namang napaupo si Kenneth.
Tinali din nila si Kenneth katulad ng sakin.

Medyo malayo sya ng konti sakin..pero kitang kita ko yung dugong umaagos mula sa ulo nya.
May mga pasa din sya at sugat.

ANONG GINAWA NINYO?!

"WALANG HIYA KAYO ANO BANG KAILANGAN NYO SAMIN?!"malakas na sigaw ko.

Di pa din nagsasalita si Dharyl. Nakita ko namang nakangisi lang si Aira.

Nag usap lang saglit sila Dharyl at Aira saka sila lumabas. Pero nakabantay pa din yung 5 lalaki sa tapat nung pinto.

Medyo lumapit ako ka Kenneth kaso ang layo pa din nya..

Mas lalo akong napaiyak nung nakita ko yung buong katawan nya.

"A-ayos ka lang ba?"nagaalalang sabi nya.
"Sayo mo dapat tinatanong yan! Tignan mo nga sarili mo. Di ba malakas ka? Pano ka nila nakuha?"umiiyak pa ding sabi ko sakanya.

Kwinento nya sakin yung nangyari.

To Be Continued....
______

Plagiarism is a form of cheating. Copying the ideas or writings of others and presenting them as our own ideas and writings amounts to stealing some of the credit for another person's work and dishonestly obtaining credit for ourselves.

THANKS FOR READING.
VOTE, COMMENT, AND SHARE^_^



The Story Of My Story (The Other Me)#wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon