3 ~ What Just Happened?!

50 16 0
                                    

Alexandra POV

Puting kisame
Puting pader
Puting kama

Bakit nasa ospital ako?

Sumakit bigla yung ulo ko nung naalala kong naaksidente nga pala ako. Agad ko ding naalala kung bakit pala ako naaksidente. Sa di ko malamang dahilan..unti unti nanamang tumutulo ang mga luha ko. Unti unti din nanamang sumisikip yung dibdib ko.

May naramdaman ako sa gilid ko. Kaya napatingin ako doon. At laking gulat ko na may natutulog na lalaki sa tabi ko..nakaupo sya at nakahiga ang ulo nya sa mga kamay nya at nakaharap ang mukha nya sakin...kaya napatingin ako sa mukha nya..

Gwapo
Matangos ilong
Mapula ang labi
Maputi
Messy hair
Mukhang mabait
At....medyo familiar sya sakin pero...

WAIT SINO BA TO?! DI KO NAMAN TO KILALA?!

Napabalikwas agad ako. Tinitigan este tinignan ko muna sya SAGLIT saka ko sya tinapik sa balikat

"Kuya.."
"huyy.."

Dahan dahan ko syang tinatapik. Ilang beses ko na syang tinatapik medyo yinugyog ko na din balikat nya, ang kulet di pa din nagigising...

"HOYY KUYA!!" sigaw ko na sakanya, ang kulet eh ayaw pa din magising.

Dahan dahan nyang inangat ang ulo nya. Nagpupunas punas pa sya ng mata nya. Nung napatingin sya sakin...

*lub dub*lub dub*lub dub*

Wait bakit ang lakas ng tibok nung puso ko... Di pwede to si Caliber lang pwedeng gumawa sakin neto..

Nakatingin pa din sya sakin. Pano ba naman kase nung nagising sya mas lalo sya pumog-...HINDI PWEDE HINDI PWEDE SI CALIBER LANG ANG GWAPO SA BUHAY KO..

"Ayos ka na ba?"tanong nya sakin.

Shemmss...ang lalim ng boses nya...pero maganda pakinggan..WAIT ANO BA TONG MGA NAIISIP KO...DI PWEDENG GANTO ALEXANDRA!

"Tinatanong kita kung ayos ka na ba?"medyo malakas na pero kalmado pa ding sabi nya.

"A-ahh....oo a-ayos naman ako"nauutal na sabi ko.

Shemay na malutong ang lakas pa din ng tibok ng puso ko.. Di ko dapat nararamdmaan to..

"S-sino ka po ba?nauutal pa ding sabi ko.

"Niloloko mo nanaman ba ko Avia?"

"H-huh?"

"Sigurado ka bang di mo ko matandaan?"seryoso pero may pagakahalong paniniguradong sabi nya.

"Bakit magkakilala ba tayo?"naguguluhan na sabi ko.

"Magkakilala na tayo simula pa nung bata pa tayo"

Naguguluhan ako. Tinawag nya kong Avia.. At magkakilala daw kami...

"T-teka di ko alam mga pinagsasabi mo.. Di kita kilala at hindi ako si Avia. Ako si Alexandra Montereal."

Di sya sumagot pero parang naguguluhan na din sya.

"Ano bang pangalan mo?"tanong ko sakanya.

"Kenneth Mendoza."simpleng sabi nya.

WAIT! WHAT?! AKO DAW SI AVIA AT SYA DAW SI KENNETH MENDOZA..MAGKAKILALA NA DAW KAMI SIMULA NUNG BATA PA KAMI...

"Wait, fan ba kita? Di mo ko maloloko alam na alam ko yung mga kuwentong ginagawa ko"medyo pabirong sabi ko.

Pero seryoso lang ang mukha nya.
Seryoso ba talaga sya?

HAHAHA DI PWEDE...ORIGINAL YUNG STORY KO. ANG LAKING COINCIDENCE NAMAN NA SAKTONG SAKTO YUNG MGA SINABI NYA SA DETAILS NG STORY KO.

"Alam mo Aviatrix matulog ka na lang ulit. Di pa yata maganda ang lagay mo"
Sabi nya saka nya ko pilit na pinapahiga.

Pero nagpumiglas ako.

"SINO KA BA TALAGA? BAKIT DITO KA NATUTULOG? ANO BANG NANGYA-"

Ayy oo nga pala naaksidente ako..baka sya ang tumulong sakin..tapos saktong fan sya ng story ko kaya alam nya yung mga details.. Oo tama tama ganun na nga siguro..

"Kenneth Mendoza nga. Binantayan kita buong magdamag kaya sa sobrang pagod ko nakatulog ako dito."

"AHH IKAW BA YUNG TUMULONG SAKIN? SALAMAT. Pakitawagan na lang yung fiancèe ko." nakangiting sabi ko sakanya^_^

"MAY FIANCÉE KA NA?! WTF AVIA?! YOU ARE ONLY 18 YEARS OLD! AND DI KA MAN LANG NAGSASABI SAKIN HA?! TOTOO BA?! HA?!"galit na sabi nya.

Nagulat ako kase nakakatakot pala sya magalit.

"Di nga po ako si Avia. My name is Alexandra Montereal and FYI 24 years old na po ako. At saka bat nagagalit ka sakin. Di naman kita kaano ano!"medyo malakas na ding sabi ko sakanya.

"Maybe di ka pa nga talaga magaling. Just rest, Avia. Ayoko na makipagtalo sayo."kalmado nya nang sabi saka sya lumabas.

Ano ba mga pinagsasabi nya. Mukha talaga syang seryoso. Ang dami ko ng problema dadagdag pa sya.

____
*tok tok*
*kreekk*

Narinig kong may kumatok ang biglang binuksan yung pinto. Nandito pa din ako sa ospital. Maya maya may pumasok na tatlong babae na di ko nanaman kilala pero parang pamilyar sila.

"Moshiee...kamusta ka na? Balita namin naaksidente ka daw?"sabi nung girl 1..di ko naman sila kilala eh..

And wait moshie? Feeling close ka naman yata ate para magkaroon na agad tayo ng call sign?

"Pano yung reporting natin?" sabi nung girl 2

"Baliw nakita mo na ngang naaksidente si Avia yan pa iniisip mo?"sabi nung girl 3 dun sa girl 2.

"Wait sino po ba kayo?"seryosong tanong ko sakanila.

Nagtinginan silang tatlo at Sabay

"MAY AMNESIA KA?! "sabay sabay nilang sabi.

Naguguluhan na talaga ako.Parang kilalang kilala nila ko. Tinawag din nila akong Avia. Is this a joke?! Well di na sya nakakatuwa ahh... Dumadagdag pa to sa iniisip ko. Di na kaya ng utak ko...-_-

"Wait sino sino ba kayo?"

"Ako si Mikaella Garcia . Your BESTFRIEND YU KNOW?"sabi nung girl 1 kanina.

"Ako naman Si Allysa Villafuerte. Di mo na ko matandaan moshiee?" medyo naiiyak na sabi nung girl 2 kanina.

"Ako naman si Rochelle Garcia. Magkapatid kami ni Mikaella. Sigurado ka bang di mo kami matandaan, Avia?"
Sabi nung girl 3 kanina.

...Mikaella Garcia...Allysa Villafuerte...Rochelle Garcia..

WAIT SILA YUNG TATLONG KAIBIGAN NI AVIATRIX LIECHSTEIN SA STORY NA GINAGAWA KO AHH...ANO BA TALAGA NANGYAYARI...MEDYO MAY HINALA NA KO PERO...IMPOSIBLE EH...NAPAKAIMPOSIBLE...

"SAGLIT LANG MAY SALAMIN BA KAYO DYAN?!"madaling sabi ko sakanila.

Agad naman silang nagahanap sa mga dala nilang bag..

"Oh eto oh..bakit ba?"sabi nila mikaella ba yun saka nya binigay sakin yung salamin nya..

Di ko na sya pinansin at agad agad ko ng tinignan ang salamin and......

WTF?! SINO TO?! OR SINO AKO?!
WHAT JUST HAPPENED?!

To Be Continued....
______

Plagiarism is a form of cheating. Copying the ideas or writings of others and presenting them as our own ideas and writings amounts to stealing some of the credit for another person's work and dishonestly obtaining credit for ourselves.

THANKS FOR READING.
VOTE, COMMENT, AND SHARE^_^

















The Story Of My Story (The Other Me)#wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon