19 ~ DONT LEAVE ME!!!

18 5 0
                                    

Avia POV

"Papapiliin kita ngayon. Ako na kaibigan mo simula nung bata pa na laging nandito para sayo? O si Avia?....Pag si Avia ang pinili mo. Kalimutan mo ng magkaibigan tayo. Ngayon mamili ka. Ako o si Avia?"seryosong tanong ni dharyl.

Matagal na katahimikan....
Tumingin sya ng diretso kay dharyl. Sabay tingin sakin.

Alam ko na isasagot nya...

"Sorry dharyl kaibigan kita. Pero mas mahalaga si Avia."seryosong sabi ni Kenneth sakanya.

Tumayo agad si Dharyl....at bigla nyang sinapak si Kenneth.

*boogsh*

"KENNETH!! AYOS KA LANG BA?"biglang sigaw ko.

"ANO BA DHARYL!? NAHIHIBANG KA NA BA TALAGA?!"sabi ko habang tumutulo na naman luha ko.

Di niya ako pinansin at tumingin ulit kay Kenneth. Galit na galit na talaga yung mukha nya.

"Wala kang kwentang kaibigan."sabi nya kay Kenneth.

Tumalikod na sya...

"BUGBUGIN NYO NA YANG GAGONG YAN!!"sigaw ni dharyl sa mga tauhan nya.

Agad namang sumunod yung mga tauhan nya. Kanya kanya silang kuha ng bakal at kahoy sa gilid.

Dahan dahan silang lumapit papunta sa direksyon ni Kenneth.

"A-anong g-gagawin nyo?"kinakabahang sabi ko sakanila.

Di nila ko pinansin. Dirediretso lang sila kay Kenneth.

Agad syang hinampas ng bakal nung isa.

"W-WAGGG!!"sigaw na sabi ko.

Di nila ko pinapakinggan. Tuloy lang sila sa paghampas ng kahoy at bakal kay Kenneth.

"I-TIGIL NYO NA YAN!!"nagmamakaawang sabi ko sakanila.

Nakita kong tinadyakan nung isa si Kenneth sa tiyan. Nakita ko din kung pano sya napaubo ng dugo.

"NAGMAMAKAAWA AKO!! PLEASEE!! ITIGIL NYO NA!! BAKA ANO NG MANGYARI KAY KENNETH!!"pasigaw na sabi ko pero may halong pagmamakaawa.

"p-pleasee i-itigil nyo n-na"mahina ng sabi ko habang tuloy tuloy pa din yung pag agos ng mga luha ko.

Di pa din nila ko pinapakinggan.
Punong puno na ng sugat at pasa yung buong katawan ni Kenneth.
Nakayuko lang si Kenneth...di siya gumagawa ng kahit na anong ingay kahit halata namang nasasaktan siya.

Tumingin sya sakin.

"A-ayos lang a-ako"nakangiti nyang sabi sakin.

"ANONG AYOS!?! TIGNAN MO NGA SARILI MO?!"pasigaw na sabi ko sakanya habnag umiiyak.

"Ikaw a-ayos ka l-lang b-ba?"nagaalala pa nyang sabi sakin.

Napaiyak lang ako lalo. Ako pa din iniisip nya kahit sa gantong sitwasyon.

Tumingin ako ulit sakanya....

Parang nag slow motion ang lahat....

Nakita ko kung pano sya pinukpok ng malakas sa ulo ng bakal...

Nakita ko kung pano unti unting tumulo yung dugo mula sa ulo nya.

Nakita ko kung pano sya napahiga...

NAKITA KO KUNG PANO ULIT SYA HINATAW NG KAHOY SA ULO....NG PAULIT ULIT...

NAKITA KO KUNG PAANO WALANG AWANG PINAGSISIPA AT PINAGHAHAMPAS SI KENNETH NA WALANG KALABAN LABAN.

NAKITA KO KUNG PANO NGUMISI SI DHARYL...

Kahit hindi ako ang totoong Avia.
Kahit alam kong kathang isip ko lang itong mundo na to.
Kahit alam kong di to totoo
BAKIT SOBRANG NASASAKTAN AKO...

Wala sa plano ko ang ganto....ANO BANG NANGYAYARI...

MAGIGING GANTO BA ANG KALALABASAN NG STORYA KO HABANG NAGTATAGAL AKO DITO...

Unti unti nang pumipikit ang mga mata ni Kenneth.

Pero bago pa yun...nakita kong tumingin sya sakin at ngumiti.

"KENNETH!!!!"malakas na sigaw ko kasabay ng pagkawalan nya ng malay.
______

Nung tuluyan ng nawalan ng malay si Kenneth. May malakas na sumipa ng pinto.Kasabay ng pagpasok ng mga pulis.

*blag*

"ITAAS NINYO MGA KAMAY NINYO"sabi nung isang pulis.

Agad namang tumigil yung mga nambubugbug kanina kay Kenneth at tinaas nila ang kanilang mga kamay.

Nakita kong tinaas din ni Dharyl yung kamay nya.

Unti unti namang lumalapit yung mga pulis habang nakatutok yung baril nila kela Dharyl.

Nung malapit na yung dalawang pulis sakanya.

Mabilis na binaba ni Dharyl yung isa nyang kamay at bumunot nung baril nya sa likuran.

Bakit mayroon siya non??

"BUBUNOT!! BUBUNOT!!"sigaw ng isang pulis.

Bago pa maiputok ni Dharyl yung baril...binaril na agad sya nung isang pulis.

Unti unti nanamang nag slow motion ang paligid habang unti unting bumabagsak yung katawan ni Dharyl sa sahig...

Nakita ko kung gano karaming dugo yung nawala sakanya....

Bakit ba kasi naglaban ka pa? Bat di ka na lang sumuko??

Mas lalo akong napaiyak. Kahit naging masama sya. Naging kaibigan pa din sya ni Avia. Naging mabait pa din sya sakin kahit konting saglit pa lang ako dito.

"DHARYYLLL!!"sigaw ko.

Bakit ba nangyayari to??
Wala naman to sa plano ko eh!!!
Dharyl...Kenneth...LUMABAN KAYO!!

To Be Continued....
___________

Plagiarism is a form of cheating. Copying the ideas or writings of others and presenting them as our own ideas and writings amounts to stealing some of the credit for another person's work and dishonestly obtaining credit for ourselves.

THANKS FOR READING.
VOTE, COMMENT, AND SHARE^_^












The Story Of My Story (The Other Me)#wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon