Avia POV
"Inumin mo para mawala kahit papaano hilo mo"sabi nya sakin.
Kenneth Mendoza...
Kinuha ko na lang yung tubig na iniaabot nya sakin saka ko ininom.
"Thank you"pabulong na sabi ko.
"Anong sabi mo?"nakangising sabi nya.
"Pakilakasan nga."mapangasar na tonong sabi nya."Parang tanga...."pabulong pa din na sabi ko.
"THANK YOU! MASAYA KA NA?!"Madiin na sabi ko sakanya.Nakita ko namang ngumiti sya.
*lub dub lub dub*
Nakakapanibago lang. Ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ng ganyan. Lagi kasi syang nakangisi. Yung ngiti pa naman nya pa square.
(tignan nyo yung ngiti ni taehyung maiimagine nyo.)
Umiwas na lang ako ng tingin. Saka ulit ako yumuko.
Di naman din sya nagsasalita. Yung parang hinahayaan nya lang din ako makapagpahinga.
______
Maya maya.... Medyo umokay na yung pakiramdam ko. Di na parang umiikot yung tyan ko. Kaya iniangat ko na yung ulo ko."Okay ka na?"tanong nya.
Nag nod lang ako. Kaya tumayo na sya at hinawakan ang kamay ko. Pinatayo nya din ako saka kami naglakad.
Nung tumayo na ako agad nya ding binitawan ang kamay kom
"San tayo pupunta? Ayoko na sa mga nakakatakot na rides ah."sabi ko sakanya.
"Ahhm..di naman sya nakakatakot. Medyo lang."nakangising sabi nya.
Kaya hinampas ko sya sa balikat.
Pero tumawa lang sya...
"Nandito lang naman ako sa tabi mo. Di ko hahayaang mahulog ka...sa iba"seryosong sabi nya.Parang may sinabi pa sya sa huli....kaso di ko masyadong narinig.
"Anong sabi mo?"tanong ko sakanya.
Nagshrug lang sya. Saka ngumiti ng nakakaasar.
PUTEK KANINA PA SYA! NAKAKABWISIT PA NAMAN YUNG NGISI NYA!
6:15 na..
Malapit na yung fireworks display. Medyo madilim na din.
"Iyon! Dun tayo."turo nya dun sa....FERRIS WHEEL?!
Agad nya kong hinatak. Dahil padami ng padami yung mga sumasakay.
Kami yung pinakahuling pinasakay.
"KENNETH!!AYOKO SOBRANG TAAS NYAN!"sabi ko sakanya habang tinatanggal yung kamay nya sa kamay ko.
"Maam bilisan nyo. Kung ayaw nyo pa din po gumalaw yung susunod na lang papasakayin namin."sabi nung nag aassisst.
Agad akong hinatak ni Kenneth papasok sa loob.
AYOKO SA MATATAS. MAY FEAR OF HEIGHTS AKO..
Magkaharapan kami ng upo.
Lalabas pa sana ako. Kaso hinawakan ako ni Kenneth. Kaya sinarado na yung pinto nung sinasakyan namin.
"Ayoko nga kase ditoo!!"paiyak ng sabi ko.
"Ako bahala. Promise maganda dun sa pinakatuktok. Wala ka bang tiwala sakin?"nakangiting sabi nya sakin habang pinapat yung ulo.
Medyo gumaan naman pakiramdam ko. Pero nakasiksik pa din ako sa gilid.
Maya maya umandar na yung ferris wheel.
Agad naman nanginig yung katawan ko.Naramdaman ko namang lumipat si Kenneth sa tabi ko.
At saka.....niyakap ako.
"Di kita pababayaan. Promise, maniwala ka sa kin. Try mo tignan yung labas maganda talaga promise."sabi nya habang nakayakap sakin.
Kumawala sya ng yakap sakin at saka nya ako hinarap dun sa labas...
WOAHHH!! ANG GANDA NGA!!
"WAHH!! ANG GANDA NGA!!"sabi ko habang nakatingin pa din sa labas.
Nakaisang ikot na kami. Enjoy na enjoy ako sa view...Pano ba naman kasi gabi na at ang daming mga ilaw ilaw tapos kita mo pa lahat.
Di naman pala nakakatakot dito. Maganda pala talaga
Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sya sakin...kaya napatingin din ako sakanya.
Nakangiti sya sakin..kaya nginitian ko din sya.
Nakatingin lang kami sa isa't isa. Ang tagal naming nagtitigan. Walang umiiwas ng tingin.
Maya maya nakita kong tinignan nya yung buong mukha ko. Hanggang sa napatingin sya sa labi ko.
Palapit na sya ng palapit..
*lub dub lub dub*
IBANG KLASE YUNG LAKAS NG TIBOK NG PUSO KO NGAYON. PARANG GUSTO NYA NG KUMAWALA SA SOBRANG LAKAS.
Sobrang lapit na ng mukha nya sakin..
Di ko alam pero di ako umiwas.Napapikit na lang ako....habang inaantay ang susunod na mangyayari.
*boogsh*(fireworks)
Kasabay ng pagdikit ng aming labi ang pagputok ng mga fireworks.
Saktong tumigil yung sinasakyan namin sa pinakatuktok.
Ano bang ginagawa ko?
Naramdaman kong gumagalaw na yung mga halik nya. Di ko alam pero... Imbis na lumayo ako napapasabay ako sa agos ng halik nya. Parang biglang uminit yung paligid..
Tama ba to?
Ang sarap sa pakiramdam....yung tipong madadala ka na lang sa emosyon mo.
Napahawak ako sa ulo nya ata napahawak naman sya sa bewang ko.
Saktong pagtigil ng fireworks yung pagbitaw namin sa isat isa.
Agad akong dumilat....nung dumilat ako nakita ko namang nakatingin sya sakin.
Nakangiti sya sakin. Napaiwas na lang ako ng tingin.
"S-sorry...n-nadala lang ako"sabi ko sakanya habang nakatingin sa labas.
Hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko at hinarap nya ko sakanya.
Nakita kong seryoso ang mukha nya.
"Don't say sorry. Ginusto ko to. Ginusto mo din to. Kaya nga di ka umiwas diba? Ginusto natin to pareho. Kaya wag kang mag sorry."seryosong sabi nya.
Maya maya ngumiti din sya. Kaya napangiti na lang din ako.
Maya maya umandar na ulit yung ferris wheel at bumaba na din kami.
"Thank you Avia."sabi nya sakin nung pagkalabas namin.
Ngumiti na lang ako.
Oo ginusto namin pareho to.
Bakit ba kasi ANG SARAP NG TAMA KAHIT NA MALI.To Be Continued....
________Plagiarism is a form of cheating. Copying the ideas or writings of others and presenting them as our own ideas and writings amounts to stealing some of the credit for another person's work and dishonestly obtaining credit for ourselves.
THANKS FOR READING.
VOTE, COMMENT, AND SHARE^_^
BINABASA MO ANG
The Story Of My Story (The Other Me)#wattys2019
Fantasy"Nakapasok ako sa storyang ginagawa ko na kung saan nasa loob ako ng katawan ng bidang babae sa story ko.." "Hindi na ako si Alexandra Montereal. Ako na si Avia Liechstein At nasaloob ako ng storya ko.." _______ I am Alexandra Montereal. A famous w...