18 ~ The Truth

18 7 0
                                    

Kenneth POV

"S-sorry nabigla lang ako. Please don't cry. Look I'm really sorry. Nagaalala lang naman ako sayo."sabi ko sakanya.

Pinunasan nya yung luha nya saka sya tumakbo.

"AVIA!!!"tawag ko sakanya pero di na sya lumingon.

Di ko muna sya susundan kailangan muna naming magpakalma.

Bumalik ako sa tapat ng hotel namin kung saan nagsisimula na yung pa activities ng mga teachers.

Lumipas na ang ilang oras pero di pa din sya bumabalik.

Nagsimula na kong mag alala. Aalis na sana ako para sundan sya kaso...

"Mr. Mendoza may iuutos ako sayo. Pwede bang pakuha ng mga kahoy sa likod ng hotel? Malapit na din mag gabi kailangan na natin gumawa ng BonFire."utos sakin ng isang teacher.

Agad naman akong pumunta sa likod ng hotel para kumuha ng mga kahoy. Madaling madali ako sa pagkuha ng kahoy para mapuntahan ko na agad si Avia.

*swoosh*

May narinig akong kaluskos sa bandang likuran ko.

May tao.

Tumigil ako sa pag galaw at pinakiramdaman kung anong susunod nyang gagawin.

Naramdaman kong unti unti syang lumalapit sakin. Hanggang sa nasa likod ko na sya agad.

Agad akong lumingon. Nakita kong hahampasin nya ko ng kahoy.

Agad naman akong umiwas.

Lalaki. Naka black syang mask.
Di ko naman sya kilala. Wala naman akong natatandaang may ginawa akong masama sa iba.

Kinuha ko yung isang mahabang kahoy sa gilid ko.

Pagkakuha ko pa lang ng kahoy naramdaman kong hahampasin nya ulit ako.

Agad akong gumulong pagilid para makaiwas. Tumayo ako agad at hinampas sya sa likod.

Tumumba naman sya agad.

*swoosh*
*swoosh*
*swoosh*
*swoosh*
*swoosh*

Mas dumami yung mga kaluskos sa paligid ko.

"Lumabas na kayo!"sigaw ko sakanila.

Agad naman silang nagsilabasan.
Lima naman ngayon. Nakamask din silang lahat.

Pinaligiran nila ko. May hawak din silang lahat ng kahoy.

Agad sumugod yung isa. Akmang ihahampas nya sa ulo ko yung kahoy pero nasipa ko sya agad sa tyan.

Pagkatumba nung isa sabay sabay na silang sumugod.

Sabay sabay nila kong susuntukin kaya yumuko ako kaya sila yung nagkatamaan.

"Ba't ako sinuntok mo?!"sabi nung isa habang nakahawak sa nguso nya.
"Tanga sinuntok mo din kaya ako!!"sabi nung isa habang nakahawak naman sila sa ilong nila.

Habang nagtatalo sila. Ako naman yung sumugod.

Nakahiga na silang lahat.

Putek di pa yata tapos to ah!

May lumabas ulit na mga lalaking nakablack mask.
Pero di na sila tulad ng mga nauna. Malalaki na yung mga katawan nitong mga to.

Agad din nila akong pinalibutan. Binilang ko sila.

PUCHA! 50?! MUKHA PA SILANG MALALAKAS LAHAT. AT SAKA MGA BAKAL NA HAWAK NILA!!

Una munang sumugod yung sampu. Pumunta ako sa likod ng isa at pinangharang sya sa lalaking hahampas sana sakin ng bakal.

The Story Of My Story (The Other Me)#wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon