MIDST OF THR MIDNIGHT RAIN
Chapter 6“What the f*ck” bulong ni Micko habang naglalakad kami at hinahanap si Fee.
Umalis na rin ‘yung tukmol na si Chester. Kanina pa ko naiinis doon at konti nalang masusuntok ko na siya sa mukha. Ang kapal ng mukha niyang sundan si Fee. I know, he plan all of this. Matalino si Chester at bakit naman siya mapupunta sa’min. Ako kasi, talagang tinarantado ko lang ang exams kaya nasa lower section ako.
“Dude, bakit parang affected ka?” tanong ko at napatingin siya sa’kin.
“Pagseselosan mo rin ako? Alam kong gusto mo si Fee. Nag-aalala lang ako” sagot niya.
“Gusto?” sabi ko.
“Wag nga ko Jero. Maang-maangan ka pa eh. Sabihin mo, kanina ka pa nagseselos kay Chester” sambit niya.
Di ko na siya pinansin. Bawat sinasabi niya parang totoo. Feeling ko talaga totoo.
“I don’t like her” sagot ko kay Micko.
“Wag ka ngang magpakaduwag diyan, nasa paligid lang si Chester. Remember noong highschool? Siya din umagaw sa nililigawan mo”
Yeah, I remember that. Wasak na wasak ako noon dahil sa kanya. I treat him as a friend but now he is a traitor. Natahimik ako.
“Wait Jero, tatawagan ko lang sila, baka nakita nila si Fee” sabi sa’kin ni Micko.
Lumayo siya sa’kin at napaupo naman ako sa bench. Napatingin ako sa ulap at patuloy na iniisip si Fee.
What's wrong with those clouds? Parang nagawa ko na ito dahil habang iniisip ko si Fee.
Masyadong malaki ang campus na ‘to para libutin. Nandito kami ngayon sa field at tirik ang araw. Napayuko ako. Napatingin ako ng diretso ng may makita akong babae na umiiyak sa ilalim ng puno. Is that Fee? Kinalabit ako ni Micko at napatingin ako sa kanya.
“Fee, nasa field daw siya. Nakita ni Mark” sabi niya sa’kin.
“Is that her?” tanong ko.
Napatingin si Drew sa tinitingnan ko.
“Siya nga, Jero!”
Sa gilid kami dumaan papunta sa pwesto niya.Tama nga ako. Umiiyak siya. Bakit siya umiiyak? Agad ko siyang nilapitan at niyakap.
Fee's PoV
Patuloy lang ang pag-punas ko sa mga luha kong patuloy na tumutulo. Nagulat ako ng biglang lumapit sa’kin si Dae at napatayo ako. Bago pa ko magsalita agad niya akong niyakap. Sobrang higpit ng yakap niya kaya hindi na ako nakapalag. Nanlalabo ang paningin ko at walang magawa.
“Dae..” tawag ko. I saw Micko ran towards us. Nakangiti siya sa’min.
“May umaway ba sayo? Bakit ka umiiyak?” rinig kong tanong ni Dae sa’kin. "And why are you calling me Dae again?" matalim niyang tanong.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko na alam kung bakit ko ‘to nararamdaman. This should be stop. Malapit ka ng maka-move on, Fee. Wake up!
Wala akong masagot sa kanya. Lumayo siya sa’kin at tinigan ako sa mata.
“Anong nangyari?” tanong niya ulit.
Nagpunas ako ng luha at tiningnan siya ng matalim.
Kailangan kong lumayo. Kailangan nilang lumayo.
“Di ba sabi ko, wag na kayong lumapit sa’kin?! I hate gangster!” sabi ko sa kanila.
Agad akong tumakbo paalis.
BINABASA MO ANG
MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)
ParanormalMIDST OF THE MIDNIGHT RAIN -COMPLETED- Synopsis Jero's memory was faded after he came back to his astral body. He didn't remember anything about Fee. He didn't remembered anything about his past life as a soul, in short all of his life with Fee was...