Naramdaman kong natigilan siya kaya't naibagsak ko pababa ang kamay ko. Tinalikuran ko siya at akmang maglalakad na palayo ng higitin niya ang kamay ko.
"Bitawan mo ko...", mahina kong sambit. Di ko kayang ilakas ang boses ko sapagkat pinipigilan ko ang mga luha kong kumawala.
"Doon muna kami sa loob ni Neo. Maiwan muna namin kayo", paalam ni kuya Eloy at agad na umalis.
"M-My Fee, I'm-I am not yet m-married. Bukas pa ako ikakasal. Aatras ako para sayo!", sagot niya bigla.
"N-Not yet? It means, i-ikakasal ka p-pa rin at bukas pa!", sigaw ko. Nabitawan niya bigla ang kamay ko. Wala na. Di ko na napigilan ang mga luha ko. Akala ko...akala ko, may pag-asa pa kami. Napangiti ako ng mapait. "I h-have no choice.."
Humarap ako sa kanya at halata ang kaba sa kanya.
"F-Fee, p-please...n-no", sambit niya.
Mukhang nababasa niya ang nasa isip ko. Tinignan ko siya direkta sa mata. Namumula ang ilong niya. Ang cute niyang tignan. Mukhang ito na ang huling beses na pagmasdan ko ang cute at gwapo niyang mukha.
"Jero-"
"P-Please, don't call me, Jero. Its Dae, Baby babe love sweetheart. Just c-call me Dae, p-please", he pleaded then he started to cry again.
"J-Jero. I'm sorry but we're over. M-Makikipag-break na a-ako sayo. M-Maghiwalay na t-tayo to be fair to your f-fiancé", nanginginig kong sabi.
Nanlaki ang mata niya at gulat na tinignan ako.
"What?", naguguluhan niyang tanong.
Huminga ako ng malalim.at diretso siyang tinignan. Pinilit kong maging seryoso at tinago ko ang lungkot at takot na mawala siya sa'kin.
"Yes, you heard it right Jero. I'm breaking up with you", sabi ko.
Tinalikuran ko siya agad sapagkat di ko kayang tignan ang itsura niya. Nakakapanghina at tila hindi ko magalaw ang mga tuhod ko dahil pakiramdam ko kapag humakbang ako ay bibigay ang tuhod ko.
"N-No! No, Fee! Tell me, you're just joking, please. I'm sorry. I'm really sorry kung hindi kita napuntahan at hindi ko napaalam sayo agad ang tungkol kay Neo. I'm sorry kung tinakbuhan kita and I'm sorry dahil di ko sayo nasabi agad na ikakasal ako. I'm sorry for being weak that time. I'm really sorry, Fee. Ipaglalaban kita kaya please, lumaban ka din para sakin. Hindi ko nga kilala ang ipapakasal sa'kin eh kaya please, tulungan mo akong lumaban. Kahit na wag ka ng tumulong basta manatili ka na lang sa tabi ko. Okay na 'yon sa'kin. Mahal na mahal kita, Fee", dinig kong sabi niya. Dinig ko din ang mga hikbi at iyak niya na nakakapagdurog sa puso ko. "K-Kaya please, tell me you're just joking. Promise, tatawa ako Fee. Tatawa ako kahit hindi nakakatawa ang biro mo. Tatawa ako, Fee sabihin mo lang na hindi ka seryoso. Tatawa talaga ako. Hindi ako iiyak. Pakisabi lang na nabibiro ka lang, pakiusap. Luluhod ako sayo para lang sabihin mong nagbibiro ka. Gagawin ko lahat. Wag mo akong iiwan. Wag mo ko iwan. Ayoko ng maiwan, Fee. Please, sabihin mong nabibiro ka lang", dinig kong paghagulgol niya.
Di ko napigilan ang sarili kong lingunin siya. Dahan-dahan ko siyang tinignan at nanlaki ang mata kong nakaluhod siya sa harapan ko habang humahagulgol.
"J-Jero", tawag ko sa kanya.
"Dae, Fee. Its Dae. Your Dae. Ako ito ang Baby ghost mong iyakin at childish tanging sayo lang", sabi niya at dahan-dahan niya akong tiningala.
"Stand up, child"
Nanlaki ang mata ko sa narinig kong boses. Boses iyon ni dad. Agad ko siyang nilingon. Oh no! Lagot ako. Kasama ni dad ang mga poster parents ni Dae, si kuya Ever, si kuya Eloy, si Neo, si Sheena, sina Milky at Cho, si Chester at ang ilang mga dating classmate ko. Nagtataka silang lahat sa sitwasyong nadatnan nila.
BINABASA MO ANG
MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)
ParanormalMIDST OF THE MIDNIGHT RAIN -COMPLETED- Synopsis Jero's memory was faded after he came back to his astral body. He didn't remember anything about Fee. He didn't remembered anything about his past life as a soul, in short all of his life with Fee was...