Fee's PoV
"Ready ka na, Fee? Maayos na ba gamit mo? Baka may maiwan ka ah", paulit-ulit na tanong ni kuya.
"Kuya, saglit lang tayo sa Pinas at babalik din agad ako dito kaya kung may maiwan ako, ayos lang", sabi ko naman.
"Okay, sabi mo eh", parang hindi niya siguradong sagot. Feeling ko may tinatago si kuya na hindi ko alam pero never mind baka nag-iisip lang ako ng kung ano-ano. Di ko naman mapipilit 'yan magsabi. Magsasabi 'yan kung kailan niya lang gusto.
"Ayos na ang maleta ko", sabi ko.
"Tara na", yaya niya.
Tumayo na ako sa kama at sumunod sa kanya palabas ng bahay. Inilagay ko sa loob ng kotse ang maleta ko. Sasakay na sana ako ng bigla kong naisipan sina Milky at Cho.
"Kuya, daanan natin sina Cho at Milky. Sasabay daw pala sila sa atin", sabi ko.
"Sige"
Sumakay na ako sa front seat ng kotse at si kuya naman sa driver seat. Gusto ko pa nga sana siyang tanungin kung kumusta na sila ni Hannah pero alam ko namang ang dulo niyon ay sa akin mapupunta. Itatanong niya din 'yung tungkol kay Jero kaya wag na lang. Hanggang ngayon, nagpapraktis pa rin ako sa isipan ko kung ano ang gagawin ko kapag nagkita kami ni Jero.
Lumipas ang ilang minuto ay nasa bahay na kami ni Cho. Nandito na rin si Milky, syempre laging magkasama ng dalawang 'yun sa kung saan. Di na ako bumaba ng kotse. Pinabusina ko na lang si kuya. Lumabas naman sila dala-dala ang mga maleta nila. Isinakay nila iyon sa likod ng kotse at sumakay na din sila. Pinaandar muli ni kuya ang kotse.
"Parang ang konti ng mga dala niyo", komento ni kuya sa kanila. "Ito rin si Fee eh".
"Kuya Ever kasi mas magandang sa Pilipinas na lang kami bumili ng iba pang gagamitin namin. Napaka-hassle kaya magdala ng maraming gamit", sagot ni Milky.
"Hoy, Milky. Baka nakakalimutan mong wala kang mall sa Pinas kaya walang libre doon", sabat sa kanya ni Cho.
"Ay oo nga noh! Gosh! Mapapagastos ako!", reaksyon ni Milky. Nagtawanan na lang kaming lahat. "Ahm baka pwede mo kong ilibre ng damit, Fee?"
"Wow, kapal ng mukha!", bulyaw sa kanya ni Cho.
"Aish! Oo na! Ako na gagastos!", sigaw naman sa kanya ni Milky.
Tawa na lang ako ng tawa sa kanila. Di na ako sumasagot.
"Ang ingay ng mga kaibigan mo. Hindi na dapat natin sinabay mga 'yan eh", dinig kong mahingang sabi ni kuya Ever dahilan para kurutin ko siya sa tagiliran at nakaiwas naman ang loko.
Makalipas ang ilang sandali ay nasa eroplano na kaming lahat. Kanya-kanya kaming asikaso ng mga gamit namin. Pagkatapos kong mag-ayos ay naupo na ako at sumilip sa bintana. Katabi ko si kuya dito at magkatabi naman sa ibang pwesto sina Cho at Milky.
"Tulog na. Alam kong di ka nakatulog ng maayos kagabi", sabi bigla ni kuya.
Gulat akong napatingin sa kanya. Alam niya pala 'yon. Totoong di ako makatulog kagabi kaiisip kung ano ang mangyayari sa party.
Nginitian na lang ako ni kuya. Tumango na lang ako at sumandal sa head rest ng upuan ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at ipinagdasal na sana maging maayos ang lahat.
*****
"Fee, wake up. Nandito na tayo", dinig kong boses ni kuya.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tinignan ang bintana ng eroplano. Nandito na kami sa Pilipinas at pa-landing na ang eroplanong sinasakyan namin. Naririnig ko na rin ang anunsyo ng piloto.
BINABASA MO ANG
MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)
ParanormalMIDST OF THE MIDNIGHT RAIN -COMPLETED- Synopsis Jero's memory was faded after he came back to his astral body. He didn't remember anything about Fee. He didn't remembered anything about his past life as a soul, in short all of his life with Fee was...