Chapter 57

134 4 1
                                    

"Fee, parang nabingi yata ako. Sana mali pagkakadinig ko", pilit na natatawang sambit ni Milky.

Alam kong natigilan silang dalawa. Huminto din ako sa paglalakad at humarap sa kanila.

"Papayag na ako", sabi ko.

"Pero Fee, dati ka pa tumutol at saka bakit ka naman papayag? Dahil lang nagpakasal si Jero?!", halatang naiinis na tanong ni Cho sa akin.

Tumulo muli ang luha ko. Narinig ko na naman ang pangalan niya. Ang sakit at nakakainis makaramdam ng ganito.

"H-Hindi niyo ko naiintindihan! Kung gusto niyong mabuhay pa ako, suportahan niyo na lang", hagulgol kong sambit.

"Sige nga. Ipaintindi mo sa'min 'yang kalokohan sa isip mo!", sigaw ni Cho.

"Wala akong magagawa para sa sarili ko ngayon. Durog na durog ako. Alam kong mahina na si dad. Nakita ko ang maraming reseta niya na tinatago niya sa drawer. Gamot iyon sa sakit ng puso niya. Mahina na nga si dad, dadagdag pa ba ako? Gusto ko mapasaya man lang siya. Puro sarili ko na lang ang iniisip ko. Ito na ang oras para pagsilbihan ko naman ang pamilya ko. Tatlo na nga lang kami eh. Alam kong pangarap niyang maihatid ako sa altar at saka malay niyo, ang mapapang-asawa ko ang nakatadhana talaga sa'kin. Malay niyo, matutunan ko din siyang mahalin ng higit pa sa pagmamahal ko kay D-Dae. Pagod na pagod na ako, Cho at Milky. Marami nang nagawa sina kuya at dad sa'kin. Oras na para suklian ko naman iyon. Sana maintindihan niyo naman ako", hagulgol ko.

Napatakip ako sa mukha ko. Naramdaman kong niyakap nila akong dalawa.

"Fee, I'm sorry", dinig kong sabi ni Cho.

"Susuportahan ka namin sa kung anong gagawin mo. Tama na sa pag-iyak. Naiiyak na rin ako eh huhuhu", sabi ni Milky sa'kin.

"Sorry", sabi ko. Lumayo kaming tatlo sa isa't isa. Nagpunas ako ng luha at tinignan sila na naluluha din. Tinalikuran ko sila at agad na pumunta sa kotse ni Cho. Bumalik ako sa pwesto ko at hinintay ko ang dalawa sa loob. Pagkasakay nila sa loob ay biglang nagring ang phone ko. Si kuya ito, tumatawag.

"Hello?"

Umandar na ang kotseng sinasakyan namin.

-Nasaan ka, Fee?-

"Nasa kotse, kasama sina Cho at Milky. Bakit?"

-Bilisan mo. Inatake si dad sa puso. Nasa hospital kami. Sumunod ka. Itetext ko ang address nito-

"Sige, kuya!!", sabi ko at agad na namatay ang tawag. "Girls, d-diretso tayo sa hospital. Inatake si dad sa puso"

"Hala! Si tito! Saang hospital?", tanong ni Cho.

Bigla kong nakita ang text ni kuya sa phone ng tumunog ito. "Sa may Mutual Hospital. 'Yung malapit sa campus!", sigaw ko.

"Ito na, ito na!", tarantang sabi ni Cho at agad niyang ni-U turn ang sasakyan papunta sa hospital.

Mabilis naming narating ang hospital. Ngayon ko lang nalaman na kaskaserang driver pala si Cho. Akala mo reyna ng daan kung magmaneho.

Patakbo kong pinasok ang hospital kung saan naka-confine daw si dad. Good thing at wala na akong third eye. Permante na yata siyang nakasarado at sana talaga di na ako makakita muli. Nakita ko si kuya sa labas ng isang kwarto. Abala siya sa phone niya. Hinihintay niya yata ako. Mabilis akong lumapit sa kanya.

"Kuya, si dad? Anong nangyari? Bakit inatake na naman siya sa puso?", tanong ko.

"Di ko alam, Fee. Kanina lang tinawagan niya ako kasi inaatake siya. Pagkarating ko sa office, wala ng malay si dad", kinakabahang sambit ni kuya sa'kin.

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon