Chapter 26

183 6 0
                                    


MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 26

"Dito ka muna. Sasagutin ko ang tawag ni kuya" paalam ko kay Jero or should I called him Dae? Ang hirap magdesisyon.

Tatayo na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Namatay na ang tawag pagtingin ko sa phone ko. Alam kong tatawag ulit si kuya sa'kin. Nagising siguro siya pagkaalis ko.

Nasa sa kwarto na kami ni Jero. Muntik na siyang magcollapse kanina dahil kakarecover lang niya tapos tumakbo agad siya papunta sa'kin sa garden ng hospital. Sapilitan ko pa siyang pinabalik dito. Mag-aalas dos na at wala pa yata siyang balak magpahinga.

Nakahiga na rin si kuya Eloy sa isang couch. Nakita namin siyang parang wala sa sarili kanina sa labas ng kwarto kaya inalalayan namin, papunta dito. Baka nagpanic siya dahil tinanggal niya ang bracelet ni Jero. Kinain siya ng kaba na baka may kumuha na naman sa katawan nito pero napansin kong laging balisa si kuya Eloy tuwing nasa hospital siya. Ako din naman natatakot sa hospital pero kakaiba ang kay kuya Eloy.

"Huwag kang umalis" sambit ni Jero sa gilid ko.

"Babalik naman ako" sabi ko.

"Dito mo na lang sagutin, please"

Nagring na naman ang phone ko. Nginitian ko na lang siya at sinagot ko na ang  tawag. Naupo na lang ako sa tabi niya..

"Hel-"

-FEE!! ASAN KA BA?! BAKIT DI MO SINASAGOT ANG TAWAG KO?!-

Nailayo ko ang phone ko sa tenga ko. Lakas ng dating ni kuya eh, grabe! Inilapit ko naman ulit at sinagot siya.

"Nasa hospital" tipid kong sambit.

-BINISITA MO ANG KUMAG NA 'YAN?! ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS NA?!-

"Oo"

-UMUWI KA NA NGAYON! AY NO! SUSUNDUIN KITA! MAGHINTAY KA DYAN!-

Then in-end call niya. Nilingon ko si Jero na nakatitig sa'kin at binigyan siya ng nagtatakang tingin.

"Why are you staring at me like that?" tanong ko.

Bumalik na talaga ang Dae na kilala ko. No more gangster attitude at ma-pride na Jero. He was now acting like an innosent and a baby boyfriend of mine.

"Stare like what?" inosente niyang tanong.

"Stare like I'm a food and you're gonna eat me" sagot ko.

Ibinalik ko na ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko.

"Hmm? May I eat you?" tanong niya.

Parang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Diretso ko siyang tinignan at binigyan ng nakakamatay na glare.

"I'm not a food" sagot ko.

Bigla siyang humagalpak ng tawa. May nasabi ba akong mali? Anong meron?

"You're so innocent" mahina niyang sambit.

Bigla ko siyang binatukan. Akala niya di ko narinig 'yon ah! I just stiffed. Ngayon ko lang narealize ang sinabi niya. Agad akong namula. Geez! Siya nga dyang painosente.

"Umayos ka, Jero. Tatamaan ka sa'kin" babala ko sa kanya dahil patuloy lang siya sa pagtawa at sinamaan siya ng tingin.

"Dae, my Fee. Just call me Dae"

Napahinto ako sa sinabi niya.

"Pero Jero ang real name mo. Magtataka sila kung bakit Dae ang tawag ko sayo"

Tinitigan niya ako ng taimtim.

"I don't care about them. I care about us. We should care about us, my Fee. Dali na, tawagin mo na akong Dae. I miss the sound" natatawa niyang sabi.

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon