MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 27My mind keeps bugging and asking about Nichole. Sigurado akong siya ang nakita ko. The way she smiles and look at me, si Nichole talaga siya. Pero, paanong ginugulo niya si Micko? Is it possible?
"Huy! Babaita!" Biglang pumilantik ang kamay ni Micko sa harap ko.
"Oh?" tanong ko.
"Wala ka na bang itatanong? Tulala ka na dyan" sambit niya.
Umiling na lang ako at naglakad na papasok sa kwarto ni Jero. Napahinto ako ng makitang may babaeng nakatanglaw sa bintana ng hospital. Tinitigan ko iyon mabuti at parang alam ko na kung sino...si Nichole, 'yung babaeng nakaitim.
Bumaling ako kay kuya Eloy na naka-upo sa sofa at taimtim na nakatigtig din sa bintana. Tinignan ko ulit ang bintana. Nakita ko kung paano ngumiti ng nakakatakot ang babaeng nakasilip doon.
"Hoy Fee! Para ka talagang tanga! Dumiretso ka nga" utos ni Micko sa'kin.
Nilingon ko siya. Nakaharang na pala ako sa daan. Bahagya akong umusad ng pwesto at naupo sa tabi ni kuya Eloy. Muli kong tinignan ang bintana at wala na siya.
"Anong pinag-usapan niyo?" biglang tanong ni Dae.
"Nothing. May tinanong lang ako" sagot ko na lang. Mukhang naintindihan niya naman iyon kaya hindi na siya umimik.
Sinilip ko ulit ang bintana at nandoon na naman ang babae. Hindi ko siya matawag na Nichole na dahil sa nalaman ko kanina. Kung buhay si Nichole, sino siya? Medyo lumapit siya ng pwesto kaysa kanina. Nakangiti pa rin siya. Nakaramdam ako ng kaba kaya napahawak ako sa laylayan ng damit ni kuya Eloy.
"Tinatakot ka lang niya" pabulong na sabi ni kuya Eloy sa'kin.
"Ano bang tinitignan niyo dyan?" tanong ni Micko.
Di kami sumagot ni kuya Eloy. Di pwedeng dito kami mag-usap. Maririnig kami nina Micko at Dae. Bigla akong may naisip na paraan. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang data. Agad kong chinat si kuya Eloy tungkol sa babaeng nasa bintana.
Me: Kuya Eloy, paalisin mo siya please.
Tumunog naman ang phone ni kuya Eloy dahilan para mapabaling siya dito. Binasa niya ang chat ko sa kanya at nakita ko ring nireplyan niya ito.
Kuya Eloy: Aalis din yan. Wag kang magpapadala sa ngiti niyan. Isipin mo bungi mga ngipin niya.
Natawa ako bigla. Bumaling ulit ako sa babae at wala na akong ngiti na nakikita. Seryoso na ang mukha niya na mas lalong nagpadilim ng awra niya. Bigla na lang siyang naglaho.
Kuya Eloy: See?
Agad ko siyang nireplyan.
Me: Nabasa niya yata na pinag-uusapan natin siya.
Kuya Eloy: Baka nga
Me: Wait, nakikita ba siya ni Dae?
"Sino ka-chat mo, my Fee?" tanong ni Dae sa'kin.
"Uhm..."
Ano isasagot ko? Si kuya Eloy? Eh katabi ko lang naman siya.
"Si ano-"
Biglang padabog na bumukas ang kwarto at halos mapatalon ako sa gulat. Here comes the monster.
Agad akong nilapitan ni kuya at hinawakan sa braso. Marahas niya akong itinayo. Shocks! Galit na galit si brother.
"FEE! FVCK! ANO BANG NASA ISIP MO AT PUMUNTA SA HOSPITAL NG GANITONG ORAS?! DAPAT PINAGPABUKAS MO NA LANG!!! MGA KUMAG PA KASAMA MO DITO!! PAANO KUNG MAY GAWIN SILANG MASAMA-"
BINABASA MO ANG
MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)
ParanormalMIDST OF THE MIDNIGHT RAIN -COMPLETED- Synopsis Jero's memory was faded after he came back to his astral body. He didn't remember anything about Fee. He didn't remembered anything about his past life as a soul, in short all of his life with Fee was...