MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 34"My Fee? Ano tinitignan mo diyan?"
Biglang lumapit si Dae sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya ngunit agad akong bumaling sa mga dahon. Wala na ito sa dati nitong lugar. Wala na rin ang mensahe na nakalagay dito.
"Hey, are you alright?"
Hinawakan niya ang kamay ko. Nakatingin pa rin ako sa mga dahon na nagkalat.
"I-I'm fine"
"Ang lamig ng kamay mo"
Pinilit kong ngumiti sa kanya. Buti at hindi niya napansin ang peke kong ngiti.
"Malamig ang aircon" sabi ko na lang. "Kailan ako pwedeng lumabas?" pag-iiba ko ng topic. Bumalik ako sa pwesto ko kanina at naupo.
"Maya-maya siguro" sagot niya.
Lumingon ako sa kanya. Napakunot noo ako sa napansin ko. He was biting his lips at sa ibang direksyon siya nakabaling and ahm...he was blushing? His cheeks and ears are pinkish. Kinikilig ba siya? Bigla ko ding naalala ang halik na pinagsaluhan namin kanina. Napakagat din ako ng labi ko at parang uminit. Namumula na din siguro ako.
Sabay kaming napalingon sa biglang pagbukas ng pinto at si kuya Eloy lang pala. Nagtataka siyang nakatingin namin at napansin niya rin yata ang estado namin ni Dae.
"Nag-sex ba kayo?" diretso niyang tanong.
Napangiwi ako sa tanong na sumalubong sa'min. Automatic na kinuha ko ang unan sa tabi ko at ibinato sa kanya. Nakailag naman siya.
"Napaka-ano mo pa nga kuya Eloy!!" singhal ko.
"What?" inosente niyang tanong.
Sinilip ko si Dae kung ano ang itsura niya. Mas lalo siyang namula sa sinabi ni kuya Eloy. Pinagpapawisan siya.
"Nalilibugan ka ba?" tanong ni kuya Eloy sa kanya.
Agad kong kinuha ang isa pang unan sa tabi ko at ibinato ulit sa kanya. Sa pagkakataon na 'yon, natamaan na siya. Di lang basta natamaan, sa mukha mismo at sapul na sapul.
"Aray ko naman ah! Tinatanong ko lang naman siya kung bakit para siyang natatae dyan, nalilibugan siguro yan" asik niya sakin.
"Eh ang sagwa kasi ng tanong mo!" balik kong sagot.
"Ang init lang" biglang sagot ni Dae.
Sabay kaming napatingin sa kanya. Napangiwi ako. Totoo nga sinabi ni kuya Eloy. Mga lalake talaga haynakooo! Narinig ko naman ang pagtawa ni kuya Eloy saka tinapunan ako ng isang makahulugan na tingin at may pataas baba pa ng kilay niya.
"Nga pala kuya Eloy, may pagkain ka ba dyan? Nagugutom na ako. Ano nga palang pinunta mo dito? Mahalaga ba? Importante ba 'yan? Dinaanan mo lang ba ako?" sunod-sunod kong salita.
"Ahehehehe grabe ka naman parang ayaw mo akong pumunta dito ah. Lalabas ka na mamaya di ba? Yayayain kita sana sa dinner-"
Biglang lumitaw si Dae sa harap ni kuya Eloy. Nakatalikod ito sa'kin.
"Hep! Hep! Niyayaya mo ba sa date ang GIRLFRIEND ko?" may diing tanong ni Dae sa kanya. Di ko makita ang mukha ni Dae kung paano niya tanungin si kuya. Nakita ko kasing nanlaki ang mata ni kuya Eloy eh.
"H-ha?! B-bestfriend naman. A-Ano ka ba?! Mag-uusap lang kami at kakain. Namiss din namin ang isa't isa oopss!" Biglang napatakip ng bunganga si kuya Eloy.
I just sighed. Napatapik na lang ako sa noo ko. Sa sobrang seloso ni Dae, ewan ko na lang kung payagan ako niyang makipagdinner kay kuya Eloy. Lalo pa sa sinagot ni kuya Eloy, mas lalo pang maghihimutok ang loko. May point din naman si kuya Eloy. Ilang linggo din kaming hindi nagkita.
BINABASA MO ANG
MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)
ParanormalMIDST OF THE MIDNIGHT RAIN -COMPLETED- Synopsis Jero's memory was faded after he came back to his astral body. He didn't remember anything about Fee. He didn't remembered anything about his past life as a soul, in short all of his life with Fee was...