MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 40Dae's PoV
Napalayo siya bigla sa'kin. Matamis ko siyang nginitian. Alam ko namang sa patanggalan ng paghinga ako ang panalo.
Best kisser yata 'tong hinalikan mo, Fee.
"B-Bakit ganyan ka makatingin?" parang naiilang niyang tanong.
"Satisfied ka na ba sa halik ko? Gusto mo pa?" tanong ko.
"A-Ano ka ba?! Kanina sobrang seryoso m-mo! M-May paiyak-iyak ka pa! T-tapos! Ngayon, n-ngingiti-ngiti ka dyan ng n-nakakaloko!" asik niya.
Napangiti ako pero bakas pa rin ang lungkot sa'kin.
"Ipapakilala kita sa kanila kapag..." sinadya kong bitinin.
"Kapag?" tanong naman niya.
"Kapag kasal na tayo-"
"ABA'T MATINDE! WAG MO SABIHIN SA'KING HINDI KA PA SIGURADO SA'KIN KAYA KAILANGANG KASAL NA TAYO?!! NAGHAHANAP KA PA BA NG IBA, JERO SHIE?!"
Hala! Grabe! Apelido ko na lang kulang, di pa kinumpleto.
Natigilan ako at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Bumangon siya at akmang aalis ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si kuya Eloy na gulat na gulat.
Sino ba namang di magugulat sa sigaw nito? Partida, nasa isang haunted place pa siya sumigaw ah.
"Anong nangyari?!" gulat na tanong ni Eloy sa amin.
"Wala, Eloy. Nagmamaktol lang ang isang 'to" sabi ko sabay nguso kay Fee na nakaupo na ngunit nakatalikod sa'kin.
"Di niyo ba alam kung anong oras na?! Madaling araw na!" Ang bilis naman ng oras. "Mas mabuting tulog na tayo ngayon kaysa maabutan tayong gising-"
*BLAG!
Napatigil kaming lahat ng biglang may tumunog at mukhang nanggagaling iyon sa unang palapag ng bahay. Tumayo si Fee.
"B-Babalikan ko lang si Sheena sa kabila. Dito lang kayo. Kapitan mo si F-Fee, Dae" mahinang sabi ni Eloy sabay labas ng kwarto.
Kapitan si Fee?
Napatingin ako kay Fee. Nananatili lang siyang nakatayo kaya bigla akong nagtaka.
"Fee, ang sinasabi ko lang naman kanina ay gusto kong kasal na tayo kapag maipapakilala kita. Sorry. G-Gusto ko kasi asawa na kita kapag bumisita na tayo. Wag kang mag-alala, di naman kita ipagpapalit eh" nahihiya kong sabi.
Mukhang namumula ako hehe. Sana hindi niya napansin. Ano kayang itatawag ko sa kanya kapag napang-asawa ko siya? Asawa ko? Misis ko? Waaaaaah pakshet! Kalalake kong tao, kinikilig ako to the bone marrow. Araw-araw kaming magkasama kapag napang-asawa ko na siya.
Napatigil ako sa pag-iimagine ng nanatili lang siyang nakatayo at hindi man lang gumagalaw.
"Fee? Hindi ka man lang ba mag-rereact dyan? Kiligin ka naman oh. Sorry na nga ih. What I'm trying to explain here is-"
Bigla siyang naglakad.
Aba't nagwalk out?! Ang sweet ko na nga eh! Tss, mga babae talaga. Hirap intindihin!
Biglang dumating si Eloy at hinarang siya. Nasa likod niya si Sheena na gulat na nakatingin kay Fee.
"Fee! Wake up! Tsk!" Masama ang tinging bumaling siya sa'kin. "Sabi ko sayo, kapitan mo siya di ba?!" inis niyang sabi.
"Is she okay?" tanong ni Sheena.
Napatayo ako bigla dahil sa tanong ni Sheena at agad na nilapitan si Fee. Iniharap ko siya sa'kin at nagulat ako. Nakapikit ang mga mata niya pero nakakatayo siya at nakakalakad?
BINABASA MO ANG
MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)
ParanormalneMIDST OF THE MIDNIGHT RAIN -COMPLETED- Synopsis Jero's memory was faded after he came back to his astral body. He didn't remember anything about Fee. He didn't remembered anything about his past life as a soul, in short all of his life with Fee was...