MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 41Fee's PoV
Napasinghap ako bigla kaya't napabangon ako sa gulat, takot at pangamba. That dream was so strange! Ni hindi ko man lang napansin iyon sa sobrang bilis nitong lamunin ako. Nagflashback lahat ng masasakit na pangyayari sa buhay ko simula pagkabata. Ang hirap pigilan nito. Sinubukan kong umalis sa kinatatayuan ko ngunit may mabigat na bagay na humaharang sa'kin at kahit anong pumiglas ko, hindi ako makaalis. Wala akong magawa kundi panoorin iyon. Dahil doon, mas naging sariwa ang nakaraan na pilit kong kinakalimutan.
Nakakabaliw...
Paulit-ulit ang mga iyon...
Pag-iwan sa'kin ni Dae noong multo pa siya...
Pag-iwan sa'kin ng mga bestfriends ko..
Pagkamatay ni mom...
Pagtawag ng baliw sa'kin ng lahat na kahit si dad ganoon ang akala...
Pambubully sa'kin...
Pagiging mag-isa ko sa lahat ng bagay...
Kahit alam kong nananaginip ako, totoong-totoo ang mga nakikita ko. Nangyari na iyon dati at nangyari ulit sa panaginip ko, parang kabaliktaran ng Dé javu.
"F-Fee" Napatingin ako sa tabi ko.
Katabi ko pala si Dae? Buti na lang at medyo nakahinga na ako ng maluwag. Sinunggaban ko siya ng yakap at ibinalik niya naman iyon.
"Okay ka lang, Fee?" tanong niya.
"Yeah, binangungot lang. Buti na lang paggising ko, nandito ka" sabi ko.
"Ehem!"
Napahiwalay ako sa kanya at napatingin kay kuya Eloy.
"Teka? Bakit nandito kayo? A-Anong oras na ba?!" tanong ko sa kanilang dalawa ni Sheena.
"Umaga na" sabay tingin sa wrist watch niya. "Ala sais ng umaga. Nakapasok na sila sa bahay at itong palapag na lang ang ligtas. Dito na kami tumuloy sa kwarto niyo dahil binabangungot ka. Kailangan naming bantayan ka" sagot ni kuya Eloy.
"B-Bakit? Ibig sabihin...wala pa kayong tulog?" gulat kong tanong sa kanila.
Sabay-sabay silang tumangong tatlo at nanlaki naman ang mga mata ko.
"Bakit hindi niyo ko ginising?!" asik ko sa kanila.
"Fee, okay lang kami-"
"No, you'll sleep" sabi ko at agad siyang hinila. Nagpahila naman siya kaya napahiga rin siya sa tabi ko.
"Di pa kaming pwedeng matulog, Fee. Mas kailangan mong matulog para hindi maapektuhan niyon ang pag-iisip mo. At saka, may hinihintay kaming darating dito anumang oras para tulungan tayo" paliwanag ni kuya Eloy.
Napatingin naman ako kay Dae na nakahiga sa tabi ko. Nakaupo ako kaya medyo nakatingala siya sa'kin. Nakatitig siya sa'kin at nakanguso pa.
Ang laki namang baby nito. Buti na lang at hindi ka na multo. Hayss.
"Pagka-uwi natin, matulog ka ah" sabi ko kay Dae. Tumango naman siya bilang sagot.
Bumaling ako kay kuya Eloy na nakikipagbulungan kay Sheena. Mukhang iritable ang mukha ni kuya Eloy. Biglang sumagi sa utak ko ang sinabi ni kuya Eloy kanina. May inaabangan silang darating? Sino naman kaya 'yon?
"Sino hinihintay natin, kuya?" tanong ko.
Nakuha ko ang atensyon nila at sabay pa silang napatingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)
ParanormalMIDST OF THE MIDNIGHT RAIN -COMPLETED- Synopsis Jero's memory was faded after he came back to his astral body. He didn't remember anything about Fee. He didn't remembered anything about his past life as a soul, in short all of his life with Fee was...