MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 11Palabas na ako ng pinto nang harangin ako ni Jero. Ano na naman ba 'to? Buong araw, wala siyang ginawa kundi daldalin ako. Kumain na ba daw ako? Inaantok ba daw ako? Puro siya tanong. Ako naman ang isasagot ko, iling, tango, iling, tango.
"Amin na 'yang bag mo. Ako na magbibitbit" sabi niya.
"I can handle it, Jero" sagot ko.
"Uhmm...sige. Ihahatid nalang kita sa mga bodyguards mo, sa may parking lot"
"Ah bahala ka" sabi ko.
Medyo may pagka-mysterious 'to si Jero eh. I mean, di naman sa sobrang mysterious...Di niya lang kasi alam ang pagkatao niya noong multo siya kaya hindi ko siya nakilala.
Habang naglalakad kami papunta sa parking lot, I tried to open a topic to him.
"Jero, pwede magtanong?" I asked.
"Sure, ano 'yun?" he replied.
"Sino ka? I mean, ano ka? Ayt! paano ba simulan?"
Napakamot ako sa batok ko.
"Gaya-gaya ng mannerism ha?" natatawa niya sambit.
"What?" taka kong tanong.
"You want to know me more?" nakangiti niyang tanong.
Tumango ako habang naglalakad patungong parking lot.
"Jero Shie Montero, ma'am. 24 years old from Pasay City. I love eating sea-"
"Hindi ganyan. Para ka namang nag-o-audition eh" pamumutol ko.
"Ano bang gusto mong malaman?" tanong niya.
"Kahit anong tungkol sa buhay mo" sagot ko.
"Ahhh...boring ang buhay ko eh hehe" sambit niya sa'kin.
Napangiti siya ng mapait sabay iwas ng tingin.
"Okay lang kahit wag mo na sabihin" sabi ko.
I think, hindi pa siya handang mag-open sa'kin. Napahinga siya ng malalim at sinusulyapan niya lang ako.
"Hindi ako katulad niyo, Fee" bigla niyang sambit kaya napahinto ako sa paglalakad at ganun din siya.
"What do you mean?" tanong ko.
Pumunta siya sa isang bench na tabi ng mga sasakyan at naupo doon. Tinabihan ko siya. Alam kong naghihintay na ang mga bodyguards ko pero I think, they'll wait.
"Sabi nga Chester, langit ka, impyerno ako. Well, sort of...totoo naman" Napangiti siya ng mapait at nagsalita muli."Sa orphanage na 'ko lumaki. Hindi ko kilala ang mga magulang ko. Dinala lang ako ng isang babae doon and I don't who is she until now. Lagi akong napapaaway noon sa mga kasama ko sa orphanage hanggang sa naisipan kong tumakas doon. Paglabas ko, naging basagulero ako until I met Micko na naging bestfriend ko. Naging mabuting impluwensya siya sa'kin. Binigyan niya ako ng trabaho. Tanggap ako ng pamilya niya kahit alam nilang mahirap lang ako at hindi nila ako kaano-ano. I'm a scholar kung di mo naitatanong. Kahit di halata, may utak naman ako hehe. I have my own savings sa bangko at sapat lang 'yun para sa mga gastusin ko at para sa school. Pagkulang 'yun, andyan si Micko para iligtas ako. Nga pala, ito na 'yung invitation" Kinuha niya sa bag ang invitation at ibinigay sa'kin. Ito nga 'yung invitation na nakuha ko din, parehas na parehas sila.
"Thanks." I said then tinanggap ko 'yung binigay niya "Ang bait pala ni Micko. Paano mo siya nakilala?" tanong ko.
"Sa isang bar kung saan nakikipagsuntukan ako at tinulungan niya kong gulpihin 'yung nang-aaway sa'kin" sagot niya.
BINABASA MO ANG
MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)
ParanormalMIDST OF THE MIDNIGHT RAIN -COMPLETED- Synopsis Jero's memory was faded after he came back to his astral body. He didn't remember anything about Fee. He didn't remembered anything about his past life as a soul, in short all of his life with Fee was...