Chapter 8

293 8 2
                                    

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 8

Nandito ako ngayon sa library at tinataguan sina Jero at Micko. The heck! Di ko alam ang isasagot ko sa kanya! Ngayon pa naman ang deadline!

*Flashback*

“Yes or yes? Anong klaseng choices-hmmp!”

Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan at napakadiin nito. Napapikit nalang ako nang nagsimula siyang gumalaw. Lumayo siya bigla at napanganga nalang ako.

“Para saan ‘yon Mr. Je-Jero?!” inis kong tanong.

“Free taste, pagsinagot mo na ko, magiging buffet na with no pay, basta mahalin mo lang ako” diretso niyang sagot.

Hindi niya na ko hinapit at pinaupo niya ako sa seat na nakalaan sa’kin.

“You’re so unbelievable” mahina kong sambit and I think, he heard it.

“Well, expect the unexpected, impossible and unbelievable, Fee”

Pumunta siya sa harap ko at hinawakan ang dalawang magkabilaan ng upuan ko. Inilapit niya ang mukha niya at nagsalita.

“I’ll give you until tomorrow para payagan ako or else ako na mismo gagawa ng paraan para mapasaakin ka. My head will burned down if I don't owned you” sabi nito.

“Nababaliw ka na” sabi ko.

“Partly yes at alam kong nagugutom ka na dahil nararamdaman kong kumukulo ang tiyan mo. Alam ko ring mabilis ang tibok ng puso mo kanina co’z I felt it. I’ll be back. Bibilhan lang kita ng makakain” then he goes out of somewhere…

*End of Flashback*

Nagulat ako ng biglang may lumapit na dalawang lalake sa’kin at tinanong ako.

“Are you Fee? This girl?” May inilapit na pic sa cellphone ‘yung lalake at nakita ko nasa isang gc ito.

“What the fudge? Bakit nasa gc ang pic ko?” tanong ko.

“Gc ng gang ‘yan miss at pinapahanap ka sa’min ni boss Micko at Jero. Jero send it” sagot nung isang lalake.

“WHAT?! PLEASE MGA KUYA WAG NIYO SABIHING NANDITO AKO!”

“Sorry miss, nasend na namin location mo and Jero seen it. Malalagot kami pag-“

Di ko na pinatapos ang pagsasalita ni kuya at agad na akong kumaripas ng takbo kahit medyo masakit pa ang paa ko. Saan ako magtatago?!

Nakasalubong ko si Chester sa daan kaya napahinto ako.

“Fee?! Why are you running? Baka may madapa ka na naman. Di pa masyadong magaling ang paa mo”

“Fee!”

I gasped. I know that voice. It was Dae. Napatingin ako sa likuran ko at si Dae nga with his bestfriend Micko.

“Uhmm..Hi..Je-Jero and Micko” kinakabahan kong bati. Bumaling ako kay Chester. “Chester, help me” mahina kong sambit at sana ma-gets niya.

“Tinataguan mo ba kami, Fee?” tanong ni Micko sa’kin nang makalapit sila.

“Huh? H-hindi ah!” sagot ko.

"Takot ka pa rin ba sa'min?"

"Slight" sagot ko.

“Tara Fee, male-late na tayo” sambit sa’kin ni Chester.

Napatingin ako kay Dae and he’s really scary. ‘Yung tipong kakalabitin mo lang eh manununtok na! Mas nakakatakot siya ngayon kaysa noong multo pa siya.

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon