MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 18Nakahinga ako ng maluwag ng binatukan ni kuya si Jero at tumawa. Ibig sabihin noon, natutuwa siya kay Jero.
"Jero right?" tanong nito.
"Yes sir"
"Just call me Ever. Didiretsohin kita. Tutol ako sa inyo sa ngayon. Di ako gagawa ng paraan para mapalayo kayo sa isa't-isa. Alam kong si dad ang gagawa ng paraan. Maghanda nalang kayo sa hinaharap. Patawad at nainsulto kita. Uuwi na ako-"
"Pero kuya, wala kang kasama sa bahay. Baka nasa business tour si dad ngayon" pamumutol ko.
"Hindi ako invited dito at nakakahiya, Fee" sabi nito.
"Okay lang, mr.-I mean, Ever. Pwede kang magstay dito hanggang bukas. Kaibigan ko si Queen" sabi ni Jero sa kanya.
Napangiti ako kay Jero at tinitigan din naman niya ako. Kahit ayaw sa kanya ni kuya, mabait pa rin siya dito. Nasa loob pa rin niya ang Baby ghost ko. Kahit di niya ipakita sa'kin, alam kong siya pa rin si Dae. Siguro kailangan niya lang magkaroon ng attitude like a ganster.
"Ngiting aso ka Fee at ikaw Jero, wag mong titigan ang kapatid ko! Tsk! Walang poreber!" asik ni kuya sa amin.
Natatawa akong napatingin kay kuya. Ang bitter wola! Speaking of bitter...
"Kuya, anong nangyari sa inyo ni Hannah? Bakit kayo nagbreak?" tanong ko.
Biglang umiwas ng tingin si kuya sa'kin. I sighed. Mukhang ayaw pa ikwento ni kuya ngayon. I think, ako na gagawa ng paraan para malaman ko. Pupunta talaga ako bukas sa kompanya ng mga Evangelista bukas.
Napatingin kami sa may gawing pool ng biglang nagsigawan ang mga kagrupo ni Jero. Mukhang may bagong dating na naman at lahat sila nakatingin sa may gate.
"Tara sa kanila. Kausapin natin si Queen" sabi ko.
Naglakad kami papalapit kina Queen na nagtatawanan at ang iba naman ay nagkakainan ng midnight snack. Meron na ding alak sa may lamesa.
Nang makalapit kami sa kanila, nakangiting bumaling sa'kin si Queen.
"Feeee! Okay na kayo? By the way, this is Fatima- Justine's bestfriend, this is Annie at Rowena- mga late comers, anak sila ng mga mafia lords. Regin- Rod's boyfriend, Karl- Lyka's boyfriend" sunod-sunod na pagpapakilala nito sa mga bagong dati.
"Hello, Fee right?" tanong ni Rowena.
"O-Opo"
Geez, anak ng mafia lords. Parang nasa bingit ang buhay ko nito ah. Napatingin ako kay kuya na parang hindi man lang nagulat. Syempre, business man si kuya and who knows baka isa siyang mafia at di niya lang sinasabi sa'min.
"Don't be scared. Mababait kami" sabi naman ng babaeng nagngangalang Annie.
"Okay", bumaling ako kay Queen. "Ahm...Queen and everybody...This is Ever, my brother"
"Sorry kanina" sabi ni kuya sa kanila.
"No, its fine. May kuya din ako at parehas lang kayo" sabi ni Queen.
"Pwede bang magstay muna si kuya? Kahit sa kwarto ko siya matulog" sabi ko.
"Hmm, its fine pero in one condition"
"Ano yun?" tanong ko.
Naglakad si Queen, papunta sa food department at kumuha ng glass wine. Nilagyan niya ito ng wine at pinuno.
Tumingin muna ito kay Jero at saka bumaling sa'kin.
"No, Queen" sabi ni Jero na parang kinakabahan kay Queen.
BINABASA MO ANG
MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)
ParanormalMIDST OF THE MIDNIGHT RAIN -COMPLETED- Synopsis Jero's memory was faded after he came back to his astral body. He didn't remember anything about Fee. He didn't remembered anything about his past life as a soul, in short all of his life with Fee was...