MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 22Jero's PoV
I opened my eyes. Nagulat ako ng nakatayo ako sa isang pamilyar na lugar. May mga taong may sakit, mga nurses at mas nagtaka ako...ang daming nakaputi at walang buhay ang mga mukha nila. Nasa hospital ako. Tama, hospital ito.
Napaawang ang labi ko ng may lalakeng nilagpasan ako. Namamalikmata ba ako? Tumagos ba siya sa'kin? Napailing ako. Baka mali lang ako.
Bakit ako nandito? Lumapit ako sa isang babae at tinawag siya para tanungin.
"Miss?"
Di niya ako pinansin. Baka hindi lang ako narinig.
"Miss?!!! Nurse!!" medyo malakas na ang pagkakatawag ko pero ni paglingon, wala man lang.
Bakit hindi niya ako pinansin?Busy lang siguro. Napabaling ako sa gilid ko at may salamin iyon. Nanlaki ang mata ko sa gulat ng may makitang natuyong dugo mula sa noo ko. Kinapa ko ito at medyo basa pa. Mas nagulat ako ng unting-unting lumalabas ang sunod ko sa mukha.
No! Ayokong lumabas ito! Nananaginip ba ako?! Ayokong makita ako ni Fee na ganito!! Baka...baka layuan niya ako dahil nakakaasiwa na ang itsura ko. Ayoko...
Napasinghap ako ng maramdaman kong may humahawak dito. Parang...parang ang malambot na kamay ni Fee. Teka, nasaan siya?
Napapikit ako ng may mga memoryang bumalik sa'kin. Para itong mga kidlat at mabilis na lumalabas.
May nakamotor na sumagasa sa'min!
Pero bakit...
Tila paatras siya..
Nakausap ko na si Fee?
Dati pa?!
Hindi!
"Dae.."
Boses iyon ni Fee. Ako ba ang tinatawag niya?
"Dae!!!" sigaw niya.
Bakit Dae? Ako si Jero.
"Dae" biglang humina ang boses.
Bakit Dae ang tawag niya sa'kin?
Patuloy pa rin ang pagpasok ng memorya. Sobrang sakit na ng ulo ko. Parang napupuno ito at mabibiyak na sa sakit. Sobra-sobra na ang paggana nito. Naluluha akong napaluhod habang nakahawak sa ulo ko.
Iniwan ko si Fee?! Hindi! Hindi ko magagawa 'yon!
Engagement ring?!
Baby Ghost?!
Dae?!
Napadilat ako. Naramdaman kong nanghihina ako.
"A-Ako si Dae...ang Baby ghost niya at...at..isa akong multo pero..pero..iniwan ko siya" bulong ko sa kawalan.
Fee's PoV
Napabangon agad ako at inilibot ko ang aking paningin. Hindi ko alam kung kaninong silid ito. Asan ako?!
Napangiwi ako ng kumirot ang braso ko. Ang sakit.
Teka, si Jero?!
"Gising ka na sa wakas"
Napalingon ako sa nagsalita at laking pasasalamat ko ng si kuya ito.
"Si Jero, kuya?! Asan siya?! Nasaan ako?! Dapat kasama ko siya!" sigaw ko.
Nagpapanic na ako. Ayokong mawala na naman sa pangatlong pagkakataon si Jero. Di ko na alam kung ano ang mangyayari kapag nawala na naman siya.
Tumayo ako at agad na lumabas ng kwarto pero hinarangan ako ni kuya.
BINABASA MO ANG
MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)
ParanormalMIDST OF THE MIDNIGHT RAIN -COMPLETED- Synopsis Jero's memory was faded after he came back to his astral body. He didn't remember anything about Fee. He didn't remembered anything about his past life as a soul, in short all of his life with Fee was...