"Wag mo muna siya gisingin. Matagal siyang natulog kagabi. Puyat 'yan", dinig kong boses na tingin kong galing kay kuya.
"Sige po, sir", sagot ng kausap nito, isa yata sa mga maids dito.
Bumangon ako agad na parang bangkay sa hukay at seryoso ko silang tinignan. Halata sa mukha nila ang gulat.
"Morning", walang emosyong bati ko.
"F-Fee, w-wag mo ulit gagawin 'yun. You're scaring us!", sermon ni kuya. "Makakaalis ka na", utos niya sa kasambahay.
Nagtataka ko siyang tinignan. "Scaring?", tanong ko.
"Yes! Para kang zombie. Kung kulang ka pa sa tulog, matulog ka pa. Wala ka namang gagawin buong araw. Ayoko makarinig na naman mamayang gabi ng umaatungal na pusa", sabi ni kuya sa'kin sabay labas ng kwarto ko.
Pake ko ba kung naiingayan siya sa'kin kagabi? Sino ba namang nagsabi sa kanya na matulog sa kabilang kwarto? Nagpumilit lang naman siya.
Ever's PoV
Ngayon ko lang nakita at naranasang lasing ang kapatid ko. Kakaiba at delikado. Buti na lang, walang nagreklamo na kapit bahay kagabi. Dapat pala ni-record ko mga pinaggagawa niya para di na ulit siya magbalak na maglasing ng ganoon. Naiintindihan ko namang broken siya pero wag naman umabot sa puntong umaatungal siya na parang pusa sa madaling araw.
*Flashback*
"Sa baaaaawaaaat saaaagllliiiit!!!! Hannnndaaaang maaaasaaaktaaan kaahittt di moooo aaaalaaam!!! woooooh!", pagkanta niya.
Nakita kong nagpagewang-gewang na siya kaya pinatigil ko na.
"Fee, uwi na tayo. Lasing ka na", sabi ko sa kanya at di man lang ako pinansin.
"SUBUUUKAAAAN-"
"FEE! UMUWI NA TAYO! ALA UNA NA OH! Kanina ka pa kanta ng kanta dyan!", sigaw ko.
"Guusstoooo kooo paaa kumaantaaa!!!", sigaw niya na pahina ng pahina at nagulat na lang ako ng bigla siyang matumba. Sasaluhin ko pa sana siya pero wag na lang para diretso tulog na.
Pagka-uwi namin sa bahay, pinaasikaso ko sa kanila si Fee. Pinapalit ko din ng damit siya kina yaya. Dumiretso agad ako sa kwarto ko sa unang palapag dahil nasukahan ako ng babaeng 'yon. Nakakabadtrip dahil sobrang baho ng suka niyon.
Nang tapos na ako magpalit, nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Agad ko itong binuksan at tumambad ang isang katulong.
"S-Sir, si ma'am Fee-"
"Bakit? Anong nangyari?!", bigla akong nakaramdam ng kaba kaya't di ko na hinintay ang sagot niya. Agad akong umakyat sa pangalawang palapag at pumunta sa kwarto ni Fee. Agad kumunot ang noo ko nang makitang nakatalukbong siya ng kumot.
"Anong problema?", tanong ko sa kasambahay na sumunod sa'kin.
"Nagwawala siya kanina, sir. Binabato kami ng gamit", sagot nito.
"Hays. Sorry. Ngayon lang kasi 'yan naglasing. Makakaalis na kayo. Paki-ayos na lang ang kabilang kwarto. Doon ako matutulog ngayon", sabi ko.
"Ayoko!", sigaw bigla ni Fee.
"Ha?", tanong ko.
Bigla siyang maupo sa kama at umiiyak na tinignan ako.
"Wag ka doon matulog!", sigaw niya.
"Bakit?!", tanong ko. Lasing na talaga 'to.
"Basta!!! Ayoko ng may bantay!!", sigaw niya ulit at agad na siyang nahiga't nagtalukbong ng kumot.
BINABASA MO ANG
MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)
ParanormalMIDST OF THE MIDNIGHT RAIN -COMPLETED- Synopsis Jero's memory was faded after he came back to his astral body. He didn't remember anything about Fee. He didn't remembered anything about his past life as a soul, in short all of his life with Fee was...