A/N: Sowwy for typos hikhok
MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 37Patuloy pa rin ang pagkatok ng pintuan.
"Kuya, tignan mo" mahina kong sabi kay kuya Eloy.
"Tangek. Alam mo namang imposibleng may tao dito. Baka di 'yan tao" mahina niyang asik sa'kin. Sabay kaming napatingin kay Dae at halatang nagtataka siya kung bakit kami nakatingin sa kanya.
"Ikaw tumingin" utos ko.
"Oo nga. Subukan mo din 'yang third eye mo" sabi sa kanya ni kuya Eloy.
"Ako na naman??"
"Eh bakit? Gusto mo ako? Ako na nga" kunwari'y malungkot kong sabi. Syempre, drama tayo ng konti. Tumayo ako sa sofa at akmang hahakbang na nang hawakan ni Dae ang braso ko.
"Ako na" sabi niya at sabay lakad papunta sa pinto. Humarap ako kay kuya Eloy na nakangisi. Napangisi na rin ako.
"Guys" tawag ni Dae sa'min. Sabay kaming napalingon sa kanya. "Tao siya"
"Ha? Imposible-"
"Boss!"
Di na natuloy ang pagsasalita ni kuya Eloy dahil may biglang pumasok na isang babaeng naka-office attire. Isinara naman agad ni Dae ang pinto pagkapasok ng babae. Familiar siya.
"S-Sheena?" tanong ni kuya Eloy sa babaeng bagong dating.
"Sino siya kuya Eloy?" tanong ko.
"Ahm, si Sheena nga pala; ang secretary ko" sabi nito.
Humarap sa'min ang babae at inilahad ang kamay niya.
"I'm Sheena De Angel. Nice to meet you, miss?"
Di ko ito tinanggap at tinaasan siya ng kilay. Alam naming lahat na imposibleng may makarating na tao nang mag-isa dito sa bahay dahil sa daan.
"Paano ka nakarating dito?" tanong ni Dae sa kanya.
"GPS" sagot niya.
"Imposible" sabat ko.
"Oo nga. Imposible" sabat din ni Eloy.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Wala man lang bahid ng lupa ang takong niya habang kami, puno ng lupa.
"Bakit naman imposible?" inosente niyang tanong.
"Wala kasing daan papunta dito" sagot ko.
"Meron ah" sabat niya. "Nasa labas pa nga ang kotse ng kompanya"
"Ehh?" sabay-sabay naming sabing tatlo. Nagkatinginan kami. Naglakad si Eloy papunta sa pintuan. Sumunod kaming dalawa ni Dae. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto para sumilip pero agad niya itong isinara.
"Anong nakita mo kuya?" tanong ko.
"Anong meron sa labas?" tanong naman ni Dae.
Nakita kong natulala si kuya Eloy kaya si Dae na ang bumukas ulit ng pinto. Di pa ako nakakasilip ng bigla niya itong sinara ulit.
"Dae?"
"What the hell" Natulala din siya.
Ano bang meron sa labas? Ayaw kasi ako pasilipin eh. Pinaalis ko ang dalawa sa pintuan dahil nakaharang na sila. Pumunta silang dalawa sa likuran ko para yata sumilip ulit.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan para syempre may thrill. Sinilip ko ang labas. Di pa naman palubog ang araw kaya kita pa ang kabuuan.
Nandito nga ang kotse na sinakyan ng secretary ni kuya. Anong kakaiba dito? Maayos naman ang daan parang dati lang. Teka-
BINABASA MO ANG
MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)
ParanormalneMIDST OF THE MIDNIGHT RAIN -COMPLETED- Synopsis Jero's memory was faded after he came back to his astral body. He didn't remember anything about Fee. He didn't remembered anything about his past life as a soul, in short all of his life with Fee was...