Chapter 23

179 7 0
                                    

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN
Chapter 23

Napatakip ako sa bunganga ko. Bumaling siya ulit kay Micko at sinagot ito.

"Ako si Eloy, ang besfriend ni Jero. Isa sa mga CEO ng Evangelista" sagot niya.

"CEO? Pang-probinsyano naman ang pangalan mo. Maliit na kompanya lang siguro 'yan noh? Ni hindi ko nga marinig ang pormalidad sa pagsasalita mo"

Uh oh? Binalingan ko si Eloy at nagdidilim ang mukha nito. Hindi pangarap ni Eloy ang marangyang buhay pero isinakripisyon niya iyon para mabuhay ako at mahanap agad si Kenji. Lumapit siya sa pamilya niya.

"Dahil ba hindi at tamad lang ako nagsalita sa lenggwaheng ingles, sasabihin mo ng walang pormalidad ang pagsasalita ko?"

"Wait?!! You're familiar!!" biglang sigaw ni Fritzie sa tabi ni Micko.

"Babe, I don't care who is-"

"Ow shut up, jerk! Hindi mo siya kilala?! My goodness, Micko. Magbasa ka ng mga business magazine. Tagapagmana ka pa naman ng Rivera group of companies tapos hindi mo siya kilala?!"

Natawa ako sa sinabi ni Fritzie. She can really tame some bastard like Micko. Tamad itong magbasa dahil wala siyang interes sa kompanya tulad ni Eloy. Still, wala pa ring magbabago dahil siya ang taga-pagmana at only child nina tita at tito.

"Wala nga akong pake kung sino siya-"

"Are you Eloy Hunter Evangelista? One of a well-known bachelor in the business industry?!" tanong sa kanya ni Fritzie.

Nakita kong mukhang nagulat din si Dan. Sikat na ba si Eloy ngayon?

"Oh my! Siya 'yun, Fritz!!!" tili ni Dan.

"Ako nga si Eloy Hunter Evangelista pero di naman ako well-known na bachelor"

"No, nakita kita sa isang magazine. You're so hot-"

"Enough!" pamumutol ni Micko sa sasabihin ni Fritzie.

Oops! Someone's jealous here. Micko walked forward to Eloy at tinapunan niya ito ng matalim na tingin.

"Kung naagaw mo na ang bestfriend ko, hindi ko hahayaang maagaw mo din ang girlfriend ko! Bantayan mo si Jero at kapag may nangyaring masama sa kanya, I don't care kung presidente ka pa ng Pilipinas" sabi nito kay Eloy sabay baling kay Fritzie. "Tara na!"

Micko dramatically walked out. Pwede ng pang-FAMAS. Alam kong nahihiya lang naman 'yon si Micko.

Nagulat ako ng maglakad din si Justine tulad ng ginawa ni Micko.

"Just-"

"Sshh" saway nito kay Dan sabay baling ulit kay Micko. "Kung naagaw mo na ang friend ko, hindi ko hahayaang maagaw mo din ang girlfriend ko! Bantayan mo si Jero at kapag may nangyaring masama sa kanya, I don't care kung presidente ka pa ng Pilipinas" sabi nito ulit sabay baling kay Dan. "Tara na!"

Then they walked out like drama kings. Napailing na lang ang dalawa nilang girlfriend.

"Sorry, mr. Evangelista. Makakapal ang mukha nila" natatawang sabi ni Fritzie sabay lakad palabas ng kwarto at kasunod niya si Dan.

Binalingan ko si Eloy na seryoso pa rin ang mukha.

"Anyare sayo?" tanong ko.

Biglang umaliwalas ang mukha niya at napangiti.

"Akala ko ako na ang pinaka-weirdo na tao sa mundo. Natalo ako ng dalawang 'yon!" natatawa niyang sabi.

"Sus, sorry nga pala sa dalawang 'yon. Mababait naman ang mga 'yon"

MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon