Agad akong tumayo at bumalik sa kwarto ko. Dali-dali kong sinara ang pinto ng kwarto. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at ibinaon ang mukha ko sa unan. Umiyak na lang akong ng tahimik. Di alam ni kuya kung gaano kahirap magpigil ng luha. Alam ko namang ikakasal na si Dae ngayon pero bakit naman kailangan niya pang ipaalala sa'kin at itanong pa kung anong balak kong gawin? Nakakainis ka naman kuya eh.
"Fee, I'm sorry", dinig kong boses ni kuya sa labas ng pinto. Umangat ako ng tingin. Di ko dapat ipahalata na masyado akong apektado sa nangyari.
"I-I'm fine, kuya! Maliligo lang ako. Pupuntahan ko pa sina Cho at Milky eh!", sigaw ko. I tried my best na hindi mahalatang lumuluha ako.
"Sure ka, Fee? Nandito lang kami ni dad, lil sis. Handa kaming makinig sayo", sabi ni kuya dahilan para mas lumuha pa ako.
"I'm fine. Thank you. Sige, liligo na ako", sabi ko at agad akong tumayo't pumunta sa banyo. Di ko na ulit narinig na nagsalita si kuya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
*****
"Ayos ka lang ba talaga, Fee?", paulit-ulit na tanong ni Milky sa'kin.
Kanina pa kami paikot-ikot dahil wala akong makitang magandang bilihan ng spicy chicken wings dito. Bored ko silang tinignan.
"Oo nga. Ayos lang ako. Ano ba kayo? Di ko na nga matandaan 'yung nangyari at saka nandito tayo para magsaya", pilit ngiting sagot ko.
"Wag nga kami, Fee. Alam naming naglasing ka kasama ng kuya mo. Sinabi niya sa'min", sabi naman ni Cho sa'kin.
"Chismoso talaga", bulong ko.
"Narinig ka namin, Fee", natatawang sambit ni Milky.
"So anong balak mo?", tanong ni Cho.
Napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanila.
"Girls, I'm fine. We're over kaya please, wag niyo laging ipasok sa usapan si Dae este si J-Jero"
"Di namin pinapasok. Ikaw lang ang inaalala namin", sambit ni Cho.
"I-I'm totally fine", sambit ko. Naglibot-libot ang aking paningin at may natanaw akong restaurant na merong nagtitinda ng chicken wings. "Wait, ayun oh", sabi ko.
"May nakita din tayo sa wakas", masayang sabi ni Milky.
"Hindi tayo kakain!", biglang inis na sabat ni Cho. Lahat kami ay napahinto sa paglalakad.
"Bakit naman?!", tanong namin parehas ni Milky.
"Hindi ito tama, Fee. Alam kong mahal mo si Jero at kasal niya ngayon tapos wala ka lang gagawin?! Pigilan mo siya!", sigaw niya sa'kin.
Nakita kong may mga ilang taong napalingon sa gawi namin.
"Oo nga naman, Fee", sabi naman ni Milky.
"A-Ako ang nakipaghiwalay d-di ba? Wala na akong karapatang pigilan siya", sabi ko at dire-diretsong naglakad sa stall.
Pagpasok ko, agad akong nag-order ng tatlong spicy chicken wings, isang kanin at isang drinks. Naupo agad ako sa isang bakanteng pwesto. Nakita ko namang sinundan ako nina Cho at Milky, at naupo sila sa tapat ko.
"Kain ka na", sabi ni Cho sa'min.
Nagtataka ako kung bakit parang nag-iba ang kilos nila. Kanina todo pigil sila sa'kin, ngayon, pinapakain nila ako.
"Di kayo kakain?", tanong ko.
"Nope, we're full", sabi ni Milky.
Tumango na lang ako at kinain ang order ko. Mabilis lumipas ang oras at naubos ko na ang pagkain ko. Pauwi na kami ngayon at naglalakad sa parking lot.
BINABASA MO ANG
MIDST OF THE MIDNIGHT RAIN (ACWAG 2) (Completed l Under Revision)
ParanormalMIDST OF THE MIDNIGHT RAIN -COMPLETED- Synopsis Jero's memory was faded after he came back to his astral body. He didn't remember anything about Fee. He didn't remembered anything about his past life as a soul, in short all of his life with Fee was...