Justine's POV:
"Konti nalang talaga iisipin ko na,na may gusto sayo yung si Jess" bulong ni Joy sa tabi ko habang nagsusulat ng nasa TV na topic namin.
Isang linggo na ang nakalipas ng nagsabay kami ni Jess na kumain sa canteen.Ng mga sumunod na araw ay dinadalahan niya akong snack sa room.Tuwing 11:00 am,nagbubulungan tuloy ang mga kaklase ko,at ang iba naman ay kinikilig ,hindi saamin.Kay jess lang,nagkakandiririt sila sa tili ,dahil sa gwapo ng bumibisita sa room namin.Maaga siyang pumapasok,at di ko alam kung bakit.Imposible namang para dalahan lang ako ng snacks.Nacucurious nga rin ako at bakit niya ako dinadalhan ng snacks,fewling close lang.May sapak din ata tobg crush ko e,di ko lang alam.
Pero kinikilig naman ako sa mga nabubuong imahinasyon sa utak ko,na kaya niya ako dinadalhan ng snacks ay baka nanliligaw siya WAHAHAHAHAHA.Pero malabo hahaha
"Huh?bakit naman?" Ani ko at di pinahalata ang kilig.
"Akalain mo ba namang,dalhan ka lagi ng meryenda mo dito.Eh panghapon yun ah,pumapasok ng maaga para lang bigyan ka ng pagkain.Pinapataba ka ata hahahaha" dire-diretsong aniya.
Itong babae na to lakas maka-imagine.
"Asa pa ko noh." Ani ko
"Pero masarap naman umasa" ani ko at ngumiti ngiti pa.
Kailan kaya ako gugustuhin non.
Nang matapos ang klase namin ay niligpit ko na ang gamit ko.Hindi pumasok ng maaga ngayon si Jess.Alas dose na at wala parin siya dito.Ni hindi nga niya ako dinalhan ngayon ng Snacks e.
Nakakapanibago naman.
Paglabas ko ng room ay nagulat ako ng palapit siya saakin ng nakangiti,Tila kakapasok pa lamang niya.12:10 pm na.Kakalabas lang namin ng room at tiyak sila na ang susunod.
Nginitian ko siya ng tipid.At lalagpasan na sana,ang akala ko kasi ay papasok na siya sa room,kaya lalagpasan ko na sana.Kaso hinila niya bag ko
"Can you join me?" Tanong niya saakin.
Hindi ko alam kung anong gagawin namin.Tumango nalang ako.Kaya ngumiti siya at naglakad na.Sumabay naman ako.
Nakakatuwang isipin na dati rari pinapangarap ko siya.Halos di niya ako matapunan ng tingin.Habang ngayon nakakasabay ko na siyang maglakad.
Pumasok kami sa Canteen.At pinaupo niya ako sa bakanteng upuan at lamesa.Iniwan niya bag niya sa harapan ko.
Dumating siya ng may dalang kanin at Chicken Curry.Dalawa iyon.At siguro akin yung isa.May dalawang softdrinks rin.Tinawag niya ko para kumain?
"Sorry di kita nahatidan ng snacks kanina,nalate kasi ako e.Kaya sabay nalang tayong maglunch." Aniya at nakangiti sakin.
Bakit ang gwapo gwapo ng nasa harap ko.Hindi parin ako sanay,na nakakasabay ko siya.
"Wala ba kayong klase?" Ani ko,dahil anong oras na at 12:00 pasok nila,kasunod namin.Pero andito pa siya at kumakain.
Umiling siya.
"Wala ang teacher namin sa first sub." Ani niya at sumubo ng pagkain.
Tinitigan ko lang siya.
Dahil hindi talaga ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayong ang pinapangarap ngarap kong lalaki.
Ang gwapo gwapo ng crush ko.
Jusko,ano pong maganda ang nagawa ko,para magkaroon ng gantong kagwapong lalaki sa harapan ko.
"Tigilan mo ang pagtitig" aniya sakin,ng di man lang ako tinignan at patuloy sa pagkain.Namula naman ang pisngi ko.Magsasalita sana ako kaso walang lumabas na salita sa bibig ko.Badtrip! Crush na crush ko talaga siya.

YOU ARE READING
The time I said you're mine
РазноеWhen you get tired of liking someone,will you stop?