Chapter 10

2 0 0
                                    


Justine's POV:

"Justine...may nagtatawag sayo sa labas." sabi saakin ng kaklase ko.Tinignan ko naman kung sino.

Tumibok ng mabilis ang puso ko nang nakita kong si Jess ang nasa labas.Na nasa bulsa ang dalawang kamay at nakangiti saakin.

"Study well." iyon lang ang sinabi niya.Wierd.

Bumalik ako sa sa upuan at hindi na nakapag focus.Dahil nasa labas si Jess at nakatingin lang saakin.

"Anong pinag-usapan ninyo ni Jess kahapon?" nanliit ang mata ni Joy saakin.

Nakita niya kami? Hindi siya sumabay sakin kahapon.Dahil may gagawin pa daw siya kaya pinauna niya ako.

"H-huh? W-wala naman." di ako tumingin sakanya para hindi mahalatang nagsisinungaling ako.

"Justine...wag ako." Aniya at nag roll eyes pa.

Psh..wala talaga akong takas sa babae na'to.

"Tinanong niya kung bat di ko siya pinapansin." ani ko sakanya.Sumulyap pa ako sa labas.Nakita ko si Jess na nakatingin sakin.Hindi naman niya maririnig kaya ikukwento ko kay Joy.

Hindi naman nagsalita si Joy.Kaya pinagpatuloy ko

Kinuwento ko sakanya lahat.Gulat na gulat siya nang sinabi kong manliligaw si Jess saakin.Napatakip pa siya ng bunganga niya at nanlaki ang mata.Kinurot ko siya ng bahagya para patigilin dahil nakatingin si Jess saamin.

"For real!? Oh my goshhh!" Aniya pero di na ganoon ka oa dahil pinanlakihan ko siya ng mata.

"Support kita diyan...Dream come true.." aniya at tuwang tuwa sa nalaman.

Natigil na kami sa kwentuhan ng nagpaquiz ang teacher namin.Nang uwian na ay,hindi sumabay si Joy dahil ayaw daw niyang makaistorbo saamin ni Joy.Nakapagpaalam narin ako sa kanila Aira,Margie at Lia na hindi ako makakasabay sakanila ngayon.

Nginitian ako ni Joy ng makahulugan ng lumapit si Jess saakin.Sinamaan ko siya ng tingin

"Tara na." nagpunta kami sa canteen ni Jess.Sinasabayan niya ang bagal ko sa lakad.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante na kumakain rito.Tinitignan nila ako mula ulo hanggang paa.Hindi ako komportable.May mali ba saakin?

Hays.Ang hirap talaga kasama ang isang Jess Vargas.Huhusgaan ka ng lahat.

"Don't mind them" ani ni Jess at pinaupo ako sa bakanteng pwesto.Umalis siya para mag order.

Pagbalik niya ay andami dami niyang inorder.Nanlaki naman ako sa dami ng order niya.

"Andami nito.." ani ko at di parin makapaniwala.May inimbitahan ba siyang iba?

Tumawa siya ng bahagya at umupo sa harapan ko.Inalis niya ang tray sa mesa at inilagay ang plato sa harap ko.

"Pambawi ko sayo..sa mga panahong di ko pagdala ng pagkain at pagsabay sayo." Seriously? Ganto ba kasweet ang isang Jess Vargas? Balita ko'y bato raw ang puso nito.Hindi showy.Pero parang ang clingy naman ata niya.Natatawa nalang ako.

Kung ganto siya kasweet e...bibigay ako...Damn Vargas!

"Bakit ka umiiwas saakin non?" tanong ko sakanya,dahil matagal na tong bumabagabag sa isip ko.

"As i said...tinetest ko kung kukulitin mo ba ako." Aniya na seryoso.Tumawa pa siya ng bahagya dahil siguro sa mga kabaliwan niya.

"Alam mo bang mababaliw na ako kakaisip kung anong ginawa kong mali para iwasan moko?" sinamaan ko siya ng tingin.

The time I said you're mineWhere stories live. Discover now