Chapter 24 (Not Your Girl)

1 0 0
                                    


Justine's POV:

Hindi ko alam pero parang sinaksak ako sa dibdib nang narinig ko 'yon.

Binaba ko ang cellphone ni Jess at tumayo doon.Nagmadali akong lumabas nang kwarto at bumaba.Iniwan ko si Jess sa taas.

Nasa kusina silang lahat at nagtatawanan.

Namataan ako ni Ate Helsey.Kaya tinawag niya ako.

"Justine! Let's eat!" Aniya.

Gusto ko nang umuwi.

Gustong-gusto ko na umuwi.

Pero wala akong choice.Humarap ako sa kanila at umupo.

Hindi ako umimik.Nilagyan ako nang pagkain ni Tita Marina.Ramdam kong nakatingin yung mga kaibigan ko saakin.Binilisan ko nalang kumain,dahil ayaw kong maabutan ni Jess dito.

"Iha,asan yung boyfriend mo?" Tanong ni Tita Marina saakin.

Nasusuka ako sa Boyfriend na yan.Lintek na lalaki.

"Asa t-taas po." Ani ko at sumubo nalang ulit.

Nang natapos na akong kumain ay nagpaalam agad ako.

"U-uh Tita,Ate Helsey..uwi na po ako..medyo masama po kasi p-pakiramdam ko." Ani ko.Nilingon naman ako nang apat.

"Ah ganon ba iha..sige ipapahatid nalang kita sa driver." Ani ni Tita Marina.

"Uh..aunty..uuwi na rin po kami.Salamat po." Sabi nung apat.

Nauna akong naglakad sa labas.

Nakapark na yung sasakyan nila sa labas.Una na akong sumakay sa back seat.

Pumasok rin yung apat.Si joy nasa front seat.

"Justine.." tawag saakin ni Lia

Nilingon ko siya.

"Mm?" Tanong ko at pilit na ngumiti

"What happen?" Tanong niya saakin na nag-aalala

Umiling lang ako.

"Alam naming meron..bakit ka ganyan ngayon? Si Jess ba?" Tanong ni Aira saakin.

Tumulo lang yung luha ko.

"Anong ginawa niya?" tanong ni Margie na galit.

Nilingon naman ako ni Joy galing sa front seat.Sa tingin niya parang alam na niya.

"Justine..tell us please." Ani naman ni Lia.

"Niloloko niya lang ako..May g-girlfriend siyang i-iba." Hindi ko napigilan pumiyok na ako.At umiyak.Hininaan ko lang ang boses ko.Dahil nakakahiya kay Manong Jule

Nakita ni Joy na humikbi ako kaya kinausap niya si Manong Jule..Feeling ko inaaliw niya para hindi kami mapansin.Sinabi pa niya i-on yung radio.

"Humanda sakin yang lalaking yan." Gigil na sabi ni Margie.

Umiling lang ako.

Nakarating na kami sa tapat nang bahay at unang bumaba.

Tumakbo ako papasok.Hindi na ako nakathank you kay Manong Jule.Narinig ko pang tinawag ako nang mga kaibigan ko pero hindi ko na sila nilingon.Ayaw ko muna nang kasama ngayon.

Nagmano ako kay Mama pagdating ko na nakayuko lang para hindi niya mapansing umiiyak ako.

"Ma,tulog muna ako,m-masakit ulo ko e." Paalam ko at tumakbo agad sa kwarto.Tinawag pa ako ni Mama pero nakapasok na ako.

The time I said you're mineWhere stories live. Discover now