Chapter 31

2 0 0
                                    

(A/N)

Sarreh sa very late update..Busy lang,kakaabang kay crush sa school..

Charrr hahahahaaha

HEARTUESSS <3

----------------------------------------------------------------------------------

Justine's POV:

Ilang oras rin kaming nagchickahan ng mommy ni Jess.Kung ano ano pinagkukwento niya saakin tungkol kay Jess.Tamad daw siya tapos mainitin ulo.Close daw siya sa mga ate niya.Tapos binababy daw siya kasi nga siya bunso tas nag-iisang lalaki.Lagi rin daw pumupunta sa bahay nila yung mga kaibigan ni Jess.

Basta ang daming chika ng Mommy niya.Kaya nagkasundo kami.Dami ko rin kinuwento e.Si Jess naman inuutus utasan ng Mommy niya.Nabubuwesit na nga e.Konware wala kaming pake ng Mommy niya.Deadma lang pag may tume,cause chika is lifeu mga sis.

"Ingat ka iha ha..Bumalik ka ulit." Ani ng Mama ni Jess at niyakap ako.

"Sige po Tita,hehe" ani ko.

"Ingat kayo ah." Ani ng Mama ni Jess at tumingin kay Jess at saakin.

"Opo Tita." Ani ko at kumaway na.Naunang naglakad papasok sa sasakyan si Jess.Sumunod na ako.Pagkapasok ko tumingin sakin si Jess.

"Anong sabi ni Mommy sayo?" seryosong tanong niya.Natawa naman ako sa mukha niya.

"Hahahah wala.." ani ko at tumingin sa may bintana.Narinig ko pa siya suminghal.Pinaandar na niya ang sasakyan at hinatid ako sa bahay.

Nang nakarating na ako sa tapat ng bahay namin ay bumaba na agad ako at si Jess naman ay kinuha yung mga binili namin.Nang nasa pinto na kami ay kinuha ko na sakanya yung mga paper bag na saakin.

"Bye..Ingat Dugs." Ani ko sakanya at nginitian ko siya.Natawa naman ako ng bahagya.

"What the hell-" aniya at di maipinta ang mukha.Humagalpak naman ako tawa.Sayabg epic pa naman mukha niya wahahahahahaha.

Dugs tawag sakanya ng mga ate niya.Pati rin mga best friend niya.Sinabi lang sakin ni Tita hahahaha.Dugs hahahahaha Dugong!

"Tama na nga yan." Sinamaan niya ako ng tingin.Tinikom ko naman ang bibig ko at pinigilan tumawa.Pero natawa parin ako ng bahagya.

Nakita kong lalong sumama tingin niya saakin.

"Hindi na.." aniko at tinigil ang pagtawa.

"Whatever..Pasok kana,uuwi nako.Sabay tayo bukas kumain." Seryosong ani ni Dugs.Tumango lang ako ng nakangiti.Di naman ako maka move-on natatawa parin ako.

Naglakad na siya papunta sa sasakyan niya.Kaya pumasok na rin ako sa bahay.Wala pa rin si Mama.Hinubad ko sapatos ko at niligay sa lalagyan ng may sumulpot sa likuran ko.

"Ay dugong!" gulat na sigaw ko.Tae talaga bigla nalang sumusulpot.

"Ano ba!?Papatayin moko sa gulat e!" Aniko sakanya at hinawakan dibdib ko(sana ol may dibdib)Bwesit nagulat talaga ako.

"What's Dugong?" tanong ni Kian saakin at nakakunot ang noo.

"Basta." ani ko at natatawa ulit ng naalala ko si Jess hahahahaha

"Bat ka andito?" tanong ko sakanya.Akala ko magnanakaw bwesit na 'to.

"Nagtext sakin si Tita e,sabi niya lutuan daw kita ng Lunch hanggang Dinner.Baka raw late na siya makauwi.May seminar siya." ani ni Kian at naglakad papuntang kusina.

The time I said you're mineWhere stories live. Discover now