Justine's POV:
"Uy..bagay sila..." rinig naming asar nila Gel
"Kinikilig si Yanong..uyyyy." sigaw ni Nico
Sinamaan ko lang sila nang tingin.Magkahawak kami ng kamay ni Yanong at magkaharapan kami.
Nagkakasal-kasalan kami.Dati pa man,kami ng dalawa lagi ni Yanong ang ginagawang mag-asawa.Lagi din nila kaming tinutukso.
"Ayaw ko na!" Sigaw ni Yanong at binitiwan ang kamay ko.Sinundan ko naman siya ng tingin.
"Ikaw kasi!" Sisi ni Gel kay Nico.
"Ikaw nga rin diyan e!" Sigaw naman ni Nico kay Gel
"Lagot kayo,napikon tuloy si Yanong." Ani ko sakanila at tinalikuran sila.
Pumunta ako sa bahay nila Yanong.Hinanap ko siya kay Ate Helsey.Grade 5 na si Ate Helsey at Grade 4 naman kami.
Sabi ni Ate Helsey ay nasa kwarto daw niya si Yanong.
Pumasok naman ako roon.Nakita ko siyang naglalaro roon.
"Yanong!tara na laro na tayo.." ani ko sakanya.
Nagulat naman siya nang nilingon niya ako.
"Ayaw ko na!" Aniya at tinalikuran ako
"Tara na kasi..wag mo nang pansinin yung mga yon." Sabi ko sakanya at hinihila hila pa siya
"Sige." Sabi niya sumama naman siya saakin.Naglaro na kami,pero hindi na ganon ang laro namin.Nag laro kami ng habulan.
"Ang daya-daya mo naman Yanong e!" Reklamo ni Gel kay Yanong
"Oo nga! Si Justine ang bagal tumakbo dimo habulin!" sabi naman ni Nico.
"Eh sa ikaw g-gusto kong huliin e!" Sabi naman ni Yanong kay Nico.
"Sus..crush mo lang kasi si Justine e,kaya dimo tinataya." Ani naman ni Nico.
Kumunot naman noo ko sakanila.
"Ha!?h-hindi ah!" Biglang sabi ni Yanong
-nang nag grade six kami,inamin ni Kian na crush daw niya ako,simula nung grade one pa kami.Sinabi niya raw yon,nung naglaro sila.Nang tanungan ng crush.Napaamin nila si Yanong.
Hindi ko naman iniwasan si Yanong.Tapos parang natural lang saamin.Close kami,tulad lang nang dati.Kaso nung nag graduate kami ng elementary,lumipat sila sa Manila at doon na nag highschool si Kian.
--
Hindi ko alam na hanggang ngayon ay ganon parin nararamdaman niya saakin.Senior high na kami.Imposible naman.
"Adik ka Kian." sabi ko sakanya,at tumawa pa ako nang bahagya,ang seryoso na kasi masyado.
Hindi man lang siya tumawa.
"Ang hirap kasi sayo,dinadaan mo lagi sa biro yung nararamdaman ko para sayo." Aniya saakin.Natigilan naman ako.
"H-huh,papanong?" Ani ko.
"Elementary palang tayo,alam mo naman na,na crush kita.Kaso parang wala lang sayo." aniya saakin.
"Alam ko naman." Sabi ko sakanya.
Bumuntong hininga naman siya.
"Hayaan mo na." Aniya saakin.
"Ay,oo nga pala.Aalis na ako next week." Sabi niya saakin ng seryoso.

YOU ARE READING
The time I said you're mine
De TodoWhen you get tired of liking someone,will you stop?