Chapter 23 (Goodbye)

2 0 0
                                    


Justine's POV:

"Justine.." rinig kong tawag saakin.

Minulat ko mata ko.Si Ate Helsey pala.

"Ate Helsey..bakit po?" Tanong ko sakanya at bumangon agad.Tinignan ko cellphone ko.Alas kwatro palang nang madaling araw.

"Uh,ngayon na kasi aalis si Kian e.." aniya saakin.Nanlaki naman mata ko.Grabe!Bat ang aga naman.Kakasabi niya lang kabagi ha.

"Bat ang aga naman po ata?!" Ani ko at dali daling tumayo.Inayos ko agad yung sarili ko.Lumabas si Ate Helsey at sumunod naman ako.

Nakita ko sa sala na may dalawang malalaking maleta.Sila Margie,Joy,Lia,Aira,Jess,Dan at may isa pang di ko kilala ay nakaupo sa sala at nakatingin kay Kian na kausap si Tita Marina.

Nanlumo ako.Aalis na talaga siya...

Lumingon si Kian sa gawi ko.

"Justine,iha..come here.." ani ni Tita Marina saakin.Lumapit naman ako sakanila.

Hinarap ko si Kian.Umalis si Tita Marina doon.

"Aalis kana?" Tanong ko sakanya.Tumingin siya sa sahig at tumango.

"Ang daya mo talaga kahit kailan." Ani ko sakanya.

"Sorry..babalik din ako,promise." Aniya saakin.

"Siguraduhin mo yan." Ani ko sakanya na nangingilid ang luha.

Mamimiss ko si Kian,ini-spoil niya kasi ako.Ayan tuloy.

"Yep..babalik talaga ako." aniya

"Tutal andiyan naman si Jess..di mo na ako masyadong mamimiss." Dagdag pa niya.

Hinampas ko naman siya.Humalakhak siya.

"Joke lang!" Tawa niya.Pero malungkot ang mga mata niya.

"..mamimiss kita,Justine." Aniya at ngumuso pa.

Naiiyak na tuloy ako.Hindi ko alam kung kailan ulit kami magkikita ni Kian.

"Mamimiss rin kita,Yanong.." ani ko at niyakap siya.Pumatak yung luha sa mata ko.

"Wag mo kong niyayakap..sige ka,mamaya maisipan kong dito nalang." Aniya at humalakhak.

Humiwalay naman ako.

"Edi mas maganda,para dika na umalis." Aniko sakanya at tumawa ako.Pinunasan ko luha ko.

"Di pwede..ayaw kong makita yung babaeng gusto ko na may gustong iba." Aniya saakin.

Totoo ba talaga yung sinabi niya kagabi nung nagsayaw kami?Gusto niya ako..

"Kian.." ani ko.

Ngumiti siya saakin.

"Okay lang..babalik rin ako.Papadalhan kita nang mga pagkain at letters." Pabiro niyang sinabi.Hinampas ko naman siya.

May humagikhik naman sa likod ko.Nilingon ko si Ate Helsey pala.

Lumapit siya kay Kian at bumulong.

"Brother..tama na yan,umuusok ilong ni Dugs e." Aniya at ininguso si Jess sa sala na masama tingin saakin.Humalakhak pa si Ate Helsey

"Ngayon ko lang narealize,bagay pala kayo." Aniya at humalakhak ulit.

Dumating naman na si Tita Samuel.May dala pang isang maletang malaki.Bihis na bihis na ito.

"Son..let's go?" ani ni Tito Samuel.

The time I said you're mineWhere stories live. Discover now