Justine's POV:"Seryoso?" Tanong ni Aira sakanya tas tatawa tawa pa.
"Bakit b-ba?" Ani naman ni Lia at pulang pula ngayon.
Nilingon ko naman si Joy na nakangiti lang,nakita niya akong nakatingin sakanya at nginitian ko siya nang makahulugan.Sinamaan niya ako nang tingin..
Tsk..tsk..tsk..iba ang kamandag ni Yanong hahahahaha
"So,si Kian pala crush mo ha." Ani naman ni Margie.Tas nagtawanan ulit sila.Natatawa naman ako kay Lia na pulang pula ang mukha.
"Lakad mo naman si Lia,Justine." Nagulat ako sa sinabi ni Joy,seriously? Hahaha
"Sure!" Pang-aasar ko kay Joy at kinindatan ko pa siya.Inirapan niya ako.
"T-tama na nga yan..laro na tayo." Ani naman ni Lia.Tinawanan pa namin siya.
Sumunod na si Aira.
Si Lia ang nagtanong sakanya.
"Truth or Dare?" Ani ni Lia at ngumisi sakanya.
"Dare." Sabi ni Aira at nag taas nang kilay.Ayaw magpatanong huh? Ano kayang sekreto nito.
"Kiss a boy..on cheeks." Ani ni Lia at nagtawanan kami.
Bumuntong hininga naman si Aira.
"Okay..yun lang pala." Aniya at aktong tatayo na.Pero pinigilan siya ni Lia.
"Oops..ako ang pipili nang iki-kiss mo." Ani ni Lia at tumawa nang bahagya.May plano nanaman 'to.
Lumapit siya sa mga tao na nasa pwesto ni ate Helsey.Nakita namang kinausap niya si Ate Helsey tas tumawa nang bahagya si ate Helsey at tumango tango pa kay Lia.Ano kayang gagawin non?
Nakatalikod lang si Aira sa pwesto nila Ate Helsey.Hindi niya makita ang ginagawa ni Lia.Kami naman pinapanood namin si Lia.May kinausap siyang lalaki.Nakatalikod 'to saamin.Tas parang nagdalawang isip pa yung lalaki,tas tumango siya kay Lia.Lumapit sila sa table namin.Nanlaki yung mata naming tatlo nang nakita namin ang papalapit na kasama ni Lia.Si Aira naman nakatalikod pa rin.
Nung kinalabit siya ni Lia.Naghagikhikan kaming tatlo.Kumunot naman ang noo ni Aira at lumingon sa kumalabit sakanya.
Nanlaki ang mata niya nang makita yung lalaking kasama ni Lia.
"Gawin mo na." Ani ni Lia sakanya.
Namumula ang pisngi ni Aira.Tawa naman kami ng tawa.
Hindi gumalaw sa kinauupuan niya si Aira,pulang pula na pisngi niya at tila gusto nang maglaho sa kinaroroonan niya.
"Kiss me now.Para matapos na." Ani naman nung lalaki.
Lalong namula si Aira.Nagtawanan ulit kami at the same time kinikilig.
"Dalian mo na Aira,chance mo na 'to." Bulong ko sakanya.
Tinawanan ko naman reaksyon niya.
Mukang naiinip na yung lalaki na nakatayo sa harapan namin.Binigyan naman nang makahulugang tingin ni Lia si Aira.
"U-uh..fine! I-inom nalang ako ng wine." Ani ni Aira.Nagtawanan naman kami..Weak---
What the hell!?
What the Hell!? for the second time
What the Hell!?? Last na
Kitang kita ang panlalaki nang mata ni Aira,
Mukang na-istatwa pa.Pati kami ay nagulat sa nangyari.

YOU ARE READING
The time I said you're mine
عشوائيWhen you get tired of liking someone,will you stop?