Mazel
Katulad nga ng sinabi noong isang lalaking mukhang laging seryoso, umalis na nga sila nang matapos silang kumain.
Inihatid sila ni Jeo palabas. Bago pa man ang lahat ay binulungan ulit ako ni Jelaine kanina. Mag-usap daw kami. Kontakin ko raw siya sa contact card na ibinigay niya sa akin. Kompleto iyon. May email address, may facebook account, may contact number, instagram account at lahat ng contact information niya.
Talagang inulit o ipinaalala pa niya sa aking kontakin ko siya. Tila ay pursigido siyang kaibiganin ako. Ramdam na ramdam ko tuloy ang mainit na pagtanggap niya sa akin. Actually, 'nila'.
Napakaingay man nila kanina at sa sobrang ingay nga ay halos hindi na ako nagsalita o nakapagsalita, pero kahit ganoon ay kami pa rin naman ni Jeo ang topiko nila buong maghapon. Hindi halatang tuwang-tuwa silang malaman na may babae na, na magiging parte ng buhay ni Jeo. Napaka-ambisyosa ko man pakinggan ay tila iyon kasi ang iniisip nila. Buong maghapon nilang inaasar si Jeo at siyempre ay lagi akong damay sa topiko dahil ako ang ginawa nilang instrumento para mainis si Jeo. Pero napansin ko lang na sa isang iglap nitong mga ilang oras bago umalis ang mga kaibigan ni Jeo ay kay laki ng ipinagbago ng ihip ng hangin. Tila ba ay mabilis si Jeo na nakabawi sa kaniyang sarili o natauhan sa isang iglap at talagang hindi na siya nagpapatalo sa asaran kahit gaano pa kalala iyon. Noong bago matapos ang pagkain namin ay marami pa ring beses na sumubok ang mga kaibigan niya para asarin siya pero bigo na ang mga ito. Para bang ang bilis na nakabangon ni Jeo sa sarili mula sa pagkainis na naramdaman mula sa mga ito ng dahil sa pang-aasar tungkol sa akin. Siguro ay napagtanto niya na hindi normal ang ikinikilos niya at hindi siya ganoong klase ng tao na mabilis mainis. Ayon na nga kay Jelaine ay walang makakatalo kay Jeo pagdating sa asaran. Nanibago lang siguro siya ng kaunti nang asarin siya ng mga kaibigan niya tungkol sa akin at mabilis ding nagising o natauhan at napagtanto na ang ikinikilos niya ay hindi ang normal na siya. Kahit ano pa man ang dahilan kung bakit biglang nakabawi sa sarili si Jeo, natutuwa akong makita ang isa sa mga ugali na bumubuo sa pagkatao niya. It feels fulfilling to know him better. It is so nice and satisfying to see his tough sides. So manly.
Sa tingin ko ay lahat naman ng mga kaibigan ni Jeo ay ayos lang sa akin. I mean, they are okay that I am with their friend, Jeo. A simple and normal girl like me who is being with their friend. Siguro nga, iyong iba ay walang imik o minsan lamang magsalita, pero parang nasa personalidad naman na nila kung ano ang ipinapakita nila. Sa tingin ko ay dahil iyon sa pagiging sobrang komportable nila sa isa't-isa kaya naman kung ano sila o kung ano ang natural na pag-uugali nila ay iyon din ang ipinapakita nila sa harapan ng isa't-isa kahit hindi nila sadyain o kahit hindi nila napapansin. Sa tingin ko lang naman iyon dahil masiyado nang natural ang mga galaw nila. Matagal at marami na siguro silang pinagsamahan.
In another side of myself, there is a voice deep down which is telling me to stop this illusion. Telling me that this is not true, that something bad or wrong will surely come along the way one of these days or months. Sooner or later.
I sighed thinking about it.
If I want to be happy even for a little time of my life, I should ignore it and try my best to erase those negative thoughts coming in my mind. I can not do it simply or that easy and that fast, but I will learn to. With all my strength and best. Maybe, I am being influenced by the positivity that's coming from Jeo. It's good to be around him. It is healthy for someone like me to be around those full of positivity kind of people. Like Jeo and his friends.
I will start to try to do it within me. I will start to think about those positives among those negatives. It is surely existing. There are like it, for sure. And I will try my best to supersede the positives among the negatives. If I want to be happy, I should do that.
![](https://img.wattpad.com/cover/174352714-288-k94740.jpg)
BINABASA MO ANG
A Knight in a Cruel, Dark World
Любовные романыIt was stable and she was used to it. She was miserable. A damsel in distress. A damsel whose hope is as tiny as dust. A damsel who's at the lowest level of society who believes that no good things will ever cross her way anymore. A damsel who sold...