Kabanata tatlo

49 3 0
                                    

Mazel

Magkasabay kaming pumunta sa kusina ni Jeo. Nakangiti siya habang naglalakad at nakatingin sa akin. Tuwing mapapatingin ako sa kaniya, mas nilalawakan niya ang ngiti. Nakakaloko na 'yong ngiti niya. Parang hindi normal. Abnormal siguro ito?

Siguro natuwa talaga siya na ipagluluto ko siya. Kasi nga 'di ba, mag-isa lang siya rito sa bahay niya at siyempre siya lang din mag-isa ang gumagawa ng lahat para sa sarili niya, pagkatapos magiging iba ngayon.

Pagkarating namin sa kusina ay may napagtanto ako. Nakangiwing napakamot ako sa ulo. Nakagat ko ang labi pagkatapos ay ngumiwi ulit.

Humarap ako sa kaniya at tumingin sa mga mata niya nang may pagka-alanganin, na para bang may nagawa akong kasalanan o mali.

"Uhm.. Ano pala.." Hindi ko alam kung paano sasabihin. "Ano kasi... Hm..."

Nakita kong nagtaka siya sa akin.

"What is it?"

"Ah.. Ang... kaya ko lang kasing lutuin na ulam ay adobo bukod sa.. pirito, 'yon lang kasi 'yong basic. Hindi ko pa nga ma-perfect 'yong piritong itlog. Hindi kasi ako nagluluto talaga." Nahihiya kong paliwanag.

Ang lakas ng loob kong mang-alok na paglutuan siya, pero hindi naman ako maalam sa kusina.

"That's fine with me. If that's the only recipe you can cook, there's no problem with that." Ngiting-ngiti niyang sabi na parang wala siyang narinig na hindi magandang balita.

"Sorry kung nag-alok ako ng hindi nag-iisip." Nakayuko kong panghihingi ng pasensya.

Nakakahiya tuloy. Kasalanan ko ito. Nag-alok ako ng hindi ko man lang pinag-iisipan.

Natawa siya kaya napatingin ako sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at inilapat ang dalawang kamay sa magkabila kong balikat. Tumingin siya sa mga mata ko.

"The fact that you're cooking for me makes it special, the fact that adobo is the only recipe you can cook makes it more special and the fact that you're not really cooking but you're cooking for me makes it so so so special, so I want your adobo." Mas lalo niyang nilawakan ang ngiti sa 'kin.

Sa totoo lang talaga ay ang guwapo niya lalo kapag nakangiti.

Hindi ko alam kung bakit pero napangiti rin ako sa kaniya habang nakatitig ako sa guwapo niyang mukha at sa matamis niyang ngiti na ibinibigay sa 'kin. Siguro ay dahil sa akto niya na parang wala namang problema talaga sa kaniya na hindi ako maalam sa kusina, sa sinabi niya—he used so many words just to cheer me up at sa nakakapag-comfort niyang ngiti.

Unti-unting nawala ang ngiti niya sa labi habang parang natulalang nakatitig sa akin. Umawang pa ang mga labi niya habang nakatitig sa akin. Parang may nakita akong gulat sa mukha niya?

Bakit kaya?

Nawala rin ang ngiti ko sa labi. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko at tinignan siya ng may pagtataka.

"M-may problema ba?"

Parang natauhan naman siya nang magtanong ako kaya nakita kong kumurap-kurap na ang mga mata niya. Nakita ko pa ang adams apple niyang gumalaw na senyales na lumunok siya. Lumikot ang mga mata niya at sandaling umiwas sa tingin ko.

A Knight in a Cruel, Dark WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon