Kabanata labing apat

28 2 0
                                    

Mazel

Nang maiparada niya ang kotse ay siya ulit ang nagbukas ng pinto para sa akin. Ayaw niyang ako ang magbukas para sa sarili ko.

"Let's go, Sanchay." Aniya at hinawakan ang kamay ko saka ako inakay papasok ng bahay.

Nangunot ang noo ko sa itinawag niya sa akin.

"Sanchay?" Tanong ko.

Tumango siya pagkatapos ay lumingon sa akin. "Yes. Sanchay."

"Bakit Sanchay?" Nagtataka kong tanong.

"Alam mo ba 'yong palabas na Meteor Garden ng taiwan?" Patuloy kaming naglalakad at diretso ang tingin niya sa daan nang magtanong siya.

Palipat-lipat naman ang tingin ko sa kaniya at sa dinadaanan namin.

Tumango ako. "Oo."

Lumingon siya sa akin.

"Kamukha mo si Sanchay do'n." Natatawa niyang sabi at bumaling na ulit sa daan. "Para kang Sanchay na mala-ulzzang version."

Bumaling na rin ako sa harapan. Hindi siya ang unang nagsabi sa akin na kamukha ko si Sanchay, pero siya ang unang nagsabi na para akong mala-ulzzang version na Sanchay.

"Parang sobra naman yata ang description mo. Parang hindi naman makatotohanan." Pagtutol ko. Pagdating sa pamumuri niya sa akin ay duda talaga ako. Pakiramdam ko ay inuuto niya lang ako at gusto niya lang na tumaas ang tingin ko sa sarili ko o gusto niya lang akong purihin para gumaan ang loob ko.

"That's what I see. Hindi malabo ang mga mata ko." Sabi pa niya.

"Pero hindi pa rin ako naniniwala."

Nakapasok na kami ng bahay. Pero tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad habang nag-uusap.

"Okay lang maging humble. Pero ang ibaba ang sarili mo ay 'wag na 'wag mo nang gagawin. I don't like it." Seryoso ang himig niya.

"Bakit ba kasi kung i-describe mo ako ay akala mo ang ganda-ganda ko. Samantalang alam naman nating dalawa ang totoo. H'wag na nating lokohin ang mga sarili natin. Alam ko naman ang katotohanan kaya hindi mo na kailangan pang purihin ako para i-cheer up ako. Tanggap ko naman kaya h'wag k—"

"I said, stop it!" Hindi kalakasan ang sigaw niya, pero sapat para matigilan ako.

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako nang isigaw niya iyon. Napahinto rin ako at napatingin sa kaniya.

Napalunok ako.

"Please. Stop looking down at your reflection." Aniya ulit.

Hindi ako nakakibo. Itinuon ko sa ilalim ang mga mata ko.

Bakit ba kasi parang sobrang laki ng tingin niya sa akin? Kung ilarawan niya ako ay akala mo nga ay ang ganda-ganda ko. Samantalang, sa totoo lang naman ay hindi naman ako maganda. Kahit kalingkingan nga ng secretary niya ay hindi ko naabot.

"Love yourself. You won't see the beauty of every flaws in you if you don't love yourself. Don't deprive yourself the right to be happy about yourself." Huminga siya ng malalim at ramdam ko ang hangin nagmula sa kaniya. Nasamyo ko rin ito. Ang bango! "It kills me when I hear you hurting your own feelings."

A Knight in a Cruel, Dark WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon