Mazel
"Kumain na tayo." Pag-iiba ko ng usapan habang sa pagkain nakatingin.
"Gan'yan ka naman, eh. You're killing the moment. Gusto kong pakiligin ka, pero sinisira mo ang diskarte ko. Iwas ka ng iwas." There's a bit of resentment in his tone.
Lalo tuloy kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niyang iyon. At nadagdagan din ang kakaibang nararamdaman ko.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya para alamin kung galit siya sa akin at para tignan na rin kung seryoso siya sa sinabi niya. Nakatingin siya sa pagkain at naglalagay ng pagkain sa kaniyang plato. Mukha siyang dismayado. Pero kaunti lang. Pero ang guwapo pa rin.
"Bakit mo naman kasi ginagawa 'yon?" Mahina ang boses kong tanong.
Tumingin siya sa akin, sa mga mata ko. Lumambot ang reaksyon niya sa mukha at ang mga mata niya'y kinakausap ang mga mata ko.
"Hindi pa ba obvious na gusto kita? 'Di ba, alam mo naman na?" Seryoso siya at may sinseridad ang boses niya.
Ramdam na ramdam ko ang epekto niya sa akin. Ang malakas na tibok ng puso ko ay ayaw pasupil. Gusto ko mang pigilin ito ay hindi ko magawa. Kusa itong nakakaramdam ng mga bagay-bagay kahit na ayaw ko.
Alam ko na ang ipinahihiwatig niya sa pagtrato sa akin ng ganito at nagkausap na kami tungkol dito, pero iba pa rin talaga kapag sinasabi na talaga niya o lumalabas mismo sa bibig niya. Iba kapag naririnig ko na mismo sa kaniya, bukod sa damang-dama ko na dahil ipinararamdam niya iyon sa'yo. Iba kapag nalilinawan na talaga ako.
Nagbaba ako ng tingin.
"Bakit mo ako nagustuhan? 'Di ba ang sabi ko sa'yo ay h'wag mo akong gustuhin?" Sabi ko.
Narinig ko siyang bumuntong-hininga.
"Hindi naman natuturuan ang puso. Basta na lang sumulpot 'to sa 'kin. Gusto ko mang sundin ang utos mo dahil ayaw mong gustuhin kita, hindi ko rin naman magawa."
Ang mga sinasabi niya ay nagdudulot sa akin ng kakaibang pakiramdam na kahit ayaw kong aminin ay masarap maramdaman. Kada salita na nanggagaling sa bibig niya ay dumadagdag sa pakiramdam na iyon. Pero hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ito.
Lumunok ako bago nag-angat ng tingin sa kaniya at nagsalita.
"Kumain na muna tayo. Mamaya na tayo mag-usap tungkol d'yan."
Ngumiti siya. Ngiting nabuhayan at nabigyan ng pag-asa. Matamis din ito. Malambot ang ekspresyon niya sa mukha at ang tingin niya ay nakakatunaw.
"Masaya akong kakausapin mo ako tungkol dito."
Parang hindi ko na mapigilan ang pagyabong ng damdaming ito. Hindi ko makontrol. Hindi ko maturuan. Hindi ko mapigilan. Sabi nga niya, kusang sumusulpot, kusang nararamdaman o kusang lumilitaw sa damdamin.
Ngumiti ang mga mata ko sa kaniya. Kusa at hindi ko napigilan.
Yumuko ako at itinuon na ang atensyon sa pagkain. Hindi ko na malaman ang nangyayari sa sarili ko. May mga ginagawa akong kusa ko na lang nagagawa at magugulat na lang ako dahil nagawa ko na.
Parang sasabog ang dibdib ko dahil sa lakas at bilis ng tibok ng puso ko. Palihim akong huminga ng malalalim at makailang ulit sa bago nagsimulang kumain.
BINABASA MO ANG
A Knight in a Cruel, Dark World
Roman d'amourIt was stable and she was used to it. She was miserable. A damsel in distress. A damsel whose hope is as tiny as dust. A damsel who's at the lowest level of society who believes that no good things will ever cross her way anymore. A damsel who sold...