Mazel
"Don't just share me the pain. Let me share to every parts of you. Every details. Every little piece of you... Let me be the witness of your distress... Let me be involved... How can I save you if I wouldn't be able to know everything about you?" Kada katagang lumalabas sa bibig niya ay kinikilabutan ako. Parang lahat iyon ay nakatakdang pagaanin ang loob ko. Na parang nakatakda talaga para sa akin iyon o na sabihin niya sa akin iyon. Na nakatakda talaga siya para gawin ito sa 'kin. Na nakatakda talaga siya para sa 'kin.
Bigla akong nagising sa ulirat. Hindi. Nagpapantasiya na naman ako. Nangangarap na naman. Hindi ko na dapat pang gawin ito. Wala ring kabuluhan.
"Hayaan mo na lang sa 'kin ang sakit. Baka madagdagan lang ang bigat na dinadala ko kapag nagkaroon ka rin ng ganitong klaseng sakit na katulad ng sa 'kin nang dahil sa akin. Other than that, you said yourself that you also do have a pain. Madadagdagan ko lang iyon... May sarili kang buhay at iyon lang ang dapat mong intindihin at alalahanin." Sabi ko. Tumitingin ako sa mga mata niya panandalian habang nagsasalita at tumatagal lang ng hanggang isang segundo.
"Nalampasan ko na ang mga pagsubok sa buhay ko. Kaya ko ang lahat. Ngayon alam mo kung bakit kita natagpuan? Kung bakit tayo pinagtagpo? Dahil ikaw naman ang pagsubok na ibinigay sa 'kin ng Diyos."
I tilt my head to look into his eyes. Every words coming from his mouth is being made to melt my heart. Sincerity is always present in his voice and eyes.
I stare at him for long. He smiled to me after a couple of seconds. Somehow, something inside me has sprinkled of lights. I feel like the burden I've been feeling is being lightened. Somehow, I feel at ease because of his presence and his words. Para akong niyayakap ng presensya niya. I feel the warmth. I feel safe. I feel like I wouldn't be able to be hurt again.
Kusang gumalaw ang labi ko para bumuo ng ngiti.
Tapos bigla na namang kumatok ang katotohanan at pinagbuksan ko, kaya parang nagising ako sa mga iniisip ko.
Kumurap ako at tinanggal ang ngiti na nabuo sa labi ko saka nagbaba ng tingin papunta sa ilalim at saka inilihis ang ulo ko ng kaunti papunta sa harap ko.
"Hindi ko alam. Ayokong umasa, ayokong mag-akala at ayoko nang humiling na makuha ko ang mga bagay na inaasam ko. I set my mind in all the impossibility of chances, lights, open doors and every good things to come my way. Inisip ko na imposible ang lahat para sa 'kin dahil ayoko na, sawa na ako sa lahat. Sawa at takot na akong masaktan, umasa, magmukhang tanga, magmukhang mahina, magmukhang kawawa, magmukhang katawa-tawa, magmukhang manika na kung ituring nila ay akala mo'y hindi nasasaktan, akala mo'y walang naririnig at akala mo'y walang sariling buhay. Puro sarili nila ang iniisip nila at puro sila ang iniisip ko, pero walang nakaalala sa 'kin. Walang nagpahalaga at umintindi sa 'kin dahil dito sa mundo, kapag wala kang pera o kayamanan, kawawa ka. Talo ka. Wala silang pakialam sa nararamdaman mo. Hindi sila mag-aaksaya ng panahon sa'yo. Wala kang halaga. Wala kang papel. Wala kang bibig... Sa oras na may mangyari at kasali ka, ikaw na agad ang may sala. Sa 'yo na agad ang sisi. Wala kang kakampi. Walang papanig sa'yo. Walang makikinig sa'yo. Walang tatayo para sa'yo... Kaya sawa na ako."
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.
"Ipapaalala ko lang sa'yo, ah. Hindi ako ang mga taong nanakit sa'yo. Hindi ako isa sa mga taong iyon. At ayokong makabilang sa mga taong iyon. Ilang beses na akong nagpakilala sa'yo, na ako ang taong magliligtas sa'yo at magbabangon sa'yo, pero hindi ko naman hinihiling na maniwala ka. Tutuparin ko ang tungkulin ko para sa'yo. Tutuparin ko ang mga pangako ko at mga salitang binitiwan. Papatunayan ko ang lahat sa'yo, kaya okay lang na hindi ka muna maniwala. Kasi 'di ba, wala pa naman akong napapatunayan?"
BINABASA MO ANG
A Knight in a Cruel, Dark World
RomanceIt was stable and she was used to it. She was miserable. A damsel in distress. A damsel whose hope is as tiny as dust. A damsel who's at the lowest level of society who believes that no good things will ever cross her way anymore. A damsel who sold...