Kabanata dalawa

78 4 0
                                    

Mazel

Bumalik na ako sa kuwarto matapos naming kumain ng umagahan ni Jeo. Nagpaalam ako sa kaniya siyempre, para hindi bastusan na bigla na lang akong aalis sa harap niya. Naiilang pa rin akong kasama siya. Nakakailang naman kasi talaga ang ganitong sitwasyon. Hindi naman maiiwasang makaramdam no'n.

Hindi ko rin naman alam ang puwede kong gawin sa labas ng kuwarto para manatili ako roon. Magkukulong na lang siguro ako rito sa loob ng kuwarto.

Mas nahiya ako sa ginawa ko kanina at sa mga pinagsasabi ko. Umiyak ulit ako sa harap niya at nagdrama. Siguro nga ay masiyado pang sariwa ang naiwang sugat sa akin kaya humahanap ako ng comfort kahit sa taong hindi ko kilala. Kanino pa nga ba ako maghahanap ng bagay na iyon kung sa mga taong kilala ko ay hindi ko mahahanap iyon? Nakakatawag isipin na sa mga taong hindi ko kilala ako naghahanap no'n at puwede lang makahanap no'n. Sa mga pagkakataong ito ay wala na talaga akong puwedeng mapagsabihang tao.

Itinigil ko na rin iyong nag-iisa kong outlet bukod sa pagsasabi ko sa best friend ko. Oo, mayroon akong best friend. Pero hindi ko na siya puwedeng lapitan ngayon dahil sa sitwasyon. Baka madamay lang siya sa gulo ko.

Maya-maya pa ay narinig kong may kumakatok sa pinto ng kuwarto ko. Alam kong siya iyon.

Pumunta ako sa pinto at pinagbuksan siya.

"Magbihis ka. May pupuntahan tayo." Aniya habang nasa harap ng bukas kong pintuan.

Nagtaka ako. Saan naman kaya kami pupunta? Pero wala naman akong karapatang magtanong kaya tumango na lang ako at umalis naman din siya kaagad.

Nang makapagbihis ay lumabas ako ng kuwarto. Nagulat ako nang makita ko siya sa harapan na naghihintay. Nasa gilid siya ng pinto ng kuwarto ko at nakasandal ang likuran sa dingding.

Napansin niya agad ako kaya lumingon siya sa akin at umayos ng tayo. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"You have a great fashion sense." Usal niya at tipid na ngumiti. Napayuko lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin o ire-react. "Let's go."

Tumango ako at hinintay siyang maglakad para sumunod ako sa kaniya, pero hindi pa rin siya naglalakad.

"Mauna ka." Aniya.

"O-okay." Nakayuko kong sambit habang nasa ilalim ang tingin.

Sumakay kami sa kotse niya at pinaandar niya agad iyon. Iba na namang kotse ang gamit namin ngayon. Ang dami niya kasing kotse sa garahe. Hindi ko alam kung ano ang purpose ng pagiging marami ang kotse.

Huminto ang kotse sa tapat ng isang building. Nang inspeksyunin ko ay nakita kong hospital ito. Ano kayang gagawin namin dito? May bibisitahin ba siya?

Sinundan ko lang siya sa paglalakad at huminto kami sa isang pinto. Pinihit niya ang doorknob pabukas at pumasok kami roon.

"Hi, Mr. Develion!" Bati noong babae na narito sa loob na sa tingin ko ay doctor dahil sa kasuotan niyang puti. Sa tingin ko ay naglalaro ang edad niya mula 35 hanggang 45. "'Yan na ba siya? Maganda siya." Nakangiting bati nito sa akin habang parang sinusuri nito ang itsura ko. "Pero lalo siyang gaganda kapag alaga ko na siya." Dugtong nito.

Ako ba talaga ang sinasabihan niyang maganda? Sa akin siya nakatingin. At isa pa, tatlo lang kami rito.

O baka joke 'yon.

"Ikaw na ang bahala sa kaniya, doc." Ani Jeo at lumabas ng kuwarto.

Bakit niya ako iniwan dito? Ano nang gagawin ko? Lalabas din ba ako?

A Knight in a Cruel, Dark WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon