Mazel
Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kaniya ng ilang segundo dahil sa sinabi niya. Nakatugon siya sa tingin ko kaya mukha kaming mga sirang nagtititigan rito.
Kinurap-kurap ko ang mga mata ko at umiwas ng tingin. Pero nakapagtataka lang dahil hindi na ako nakakaramdam ng pagkailang sa kaniya.
"Ako naman ang magtatanong." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kaniya.
"Go ahead." Nakikita ko sa gilid ng mata kong nakatingin siya sa akin at nag-aabang sa itatanong ko.
Pinuno ko ng hangin ang dibdib upang palakasin ang loob. Medyo nakakailang kasi ang itatanong ko sa kaniya at baka kung ano rin ang isipin niya.
"M-may.. girlfriend ka na ba?"
Sandali siyang natigilan sa tanong ko at kahit nakaiwas ang tingin ko sa kaniya ay alam kong nasa akin ang tingin niya.
"Hmm... Why? Manliligaw ka ba kung single ako?" Nakakaloko niyang wika.
Tumingin ako sa kaniya. Medyo matalim na tingin. Ngumiwi ako at tinawanan siya ng peke.
"Ha-ha-ha. H'wag ka ngang mahangin." Inirapan ko siya.
"Just kidding. To answer your question honestly, I don't have a girlfriend.....
So, bakit mo natanong?"
Tumango ako sa narinig kong sagot.
Ilag pa rin ang tingin ko nang magsalita ako.
"Baka kasi kung ano ang isipin sa atin ng girlfriend mo kung sakaling mayroon ka. Baka mamaya, magselos at maeskandalo ka pa ng dahil sa 'kin."
Hindi ko narinig na kumibo siya. Pagkatapos ng ilang segundo ay tumingin ako sa kaniya. Tila ay nag-iisip siya habang nasa ilalim ang tingin.
"Well, if I have a girlfriend, I wouldn't be like this to you." Sabi niya at tumingin sa akin.
Bigla na namang kumabog ng malakas at mabilis ang dibdib ko nang magsapul ang tingin namin.
Nag-ilag ulit ako ng tingin. I just can't stand looking at his eyes for a long time.
Napalunok ako. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko ngayon. Parang hindi ako mapakali na ewan.
But I want to know what exactly he meant to say? Pero ayokong magtanong ng tungkol doon sa iniisip ko. Ayokong isiping ganoon nga iyon kung bakit siya ganiyan sa akin. Ayoko ring maisip o malaman niyang ganoon ang iniisip ko.
"Ako ang maghuhugas ng mga hugasin." Sabi ko na halata namang para ibahin ang usapan. Kinuha ko ang plato at kubyertos na ginamit niya saka ipinagpatong-patong sa platong ginamit ko, pero kinuha niya ang lahat mula sa kamay ko.
"Ako na." Aniya.
Parang sumama ang loob ko nang kuhanin niya sa akin ang mga iyon. Kunot-noong tumingin ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
A Knight in a Cruel, Dark World
RomansaIt was stable and she was used to it. She was miserable. A damsel in distress. A damsel whose hope is as tiny as dust. A damsel who's at the lowest level of society who believes that no good things will ever cross her way anymore. A damsel who sold...