Kabanata labing tatlo

24 2 0
                                    

Mazel

"I will help you reach your dreams and I will start it right now." Tumayo si Jeo mula sa pagkakaupo. Tinignan ko siya na may pagtataka. "Tara, may pupuntahan tayo." Sabi niya. Nakangiti ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang tumatayo rin sa kinauupuan ko.

Kinuha niya ang kaliwang kamay ko ng kanan niyang kamay.

"Let's make your smile more beautiful."

Naintindihan ko kaagad ang sinabi niya. Tahimik akong sumama sa kaniya.

Naglakad kaming patungo sa kuwarto niya. Pumasok kami roon at kumuha ng susi na sa palagay ko ay susi ng kotse na ida-drive niya. Ang daming mga susi na kasama noong kinuha niya. Iyon siguro ang susi ng iba pang mga sasakyan. Diyan niya rin ibinalik ang susi kanina noong kinuha namin 'yong paper bag na may lamang marie stuff toy.

Hindi pa kami naglakad palabas. Hinarap niya ako at hinawakan sa mga balikat.

"Do you want the fastest way to make your smile beautiful or the other way around?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami.

Bahagya akong nag-isip.

"Fastest way na lang." Sagot ko na lang. Alam kong mas mahirap kapag fastest way ang pinili ko, pero mas maganda na iyon. Mas maikli ang panahon na mahihirapan ako.

Nahihiya man ako sa kaniya na gawin niya ito para sa 'kin at pagkagastusan ako sa lahat, pero inaamin kong gusto ko rin naman. Isa ito sa mga bagay na napabayaan sa akin at ko, dahil sa kawalan ng pera o kahirapan. Dahil sa ngipin ko at mukha ay ubos na ang tiwala at paniniwala ko sa sarili. Nahihiya akong ngumiti sa mga tao lalo na kapag ang kausap ko ay magaganda ang ngipin. Nahihiya akong ipakita ang ngipin ko. Hindi naman ganoon kapangit ang ngipin ko, pero dahil hindi naalagaan ay hindi maganda kapag ikinumpara sa mga may ngipin na maganda. Hindi kompleto, hindi pantay at hindi maputi. May kulang na rin akong mga ngipin sa bandang bagang. Bukod sa dahilan na mahina ang ngipin ng pamilya namin ay hindi rin naalagaan ito sa toothbrush ng magulang noong bata pa ako. Wala rin namang pang-alaga sa dentista dahil walang pambayad. Napakamalas ko kasi sa buhay. Kahit anong trabaho ay handa akong apply'an pero walang tumatanggap sa 'kin. Ewan ko ba! Minsan nga kinu-kuwestiyon ko na ang awra ko. Iniisip ko na baka dahil naiinis sila sa awra ko o hindi nila gusto. Hm! Hindi ko alam.

Bago umalis ay may tinawagan pa siya sa phone. Hindi ko alam kung sino. Pero mukhang 'yong dentist or 'yong dental clinic na pupuntahan namin.

Pumunta na nga kami sa isang dental clinic. Sa mall namin iyon tinunton. Sinalubong agad kami ng isang representative sa labas para samahan papasok ng clinic. Naupo kami sa isang mahabang sofa na mukhang waiting area.

"Hey. Mr. Develion! How are you?" Bati ng isang lalaking may kasuotan ng isang dentist.

"I'm good, Doc." Ngumiti ng tipid si Jeo.

Lumipad ang tingin sa akin no'ng doctor.

"So, is she the one you are referring?" Tanong ni Doc habang nakatingin sa akin.

Tumingin si Jeo sa akin. "Yes." Lumipat ulit ang tingin ni Jeo sa Doctor. Inaya niya ito papunta sa isang gilid para mag-usap. Bakit naman kailangan pang lumayo sa akin?

Mahihina ang boses nila kaya wala akong maintindihan. Tumatango 'yong Doctor habang nag-uusap sila.

Maya-maya pa ay sumigaw ang doctor. "Gerald!"

A Knight in a Cruel, Dark WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon