Kabanata labing dalawa

34 3 0
                                    

Mazel

Matagal natahimik ang atmosphere dahil wala nang nagsasalita sa 'ming dalawa. Pawang inaaliw na lang namin ang mga mata sa tanawin ng magandang lugar na ito. Walang halong biro. Maganda talaga ang parte ng bahay niya na ito. Bukod sa pailaw sa pool at sa magandang langit ng gabing ito na maraming bituin kang makikita, dumagdag din sa ganda ang mga halaman sa paligid at mga bulaklak.

"Ikaw lang ang nagdidilig at nag-aalaga n'yang mga halaman?" Tanong ko bigla sa kaniya.

Tumango siya. "Hm. Nagko-consult ako ng kung paano ang gagawin sa doctor ng mga halaman at sa mga expert sa mga halaman kaya nabubuhay ko sila."

Tumango ako habang hindi ko maitago ang pagkamangha. Ang galing kasi. Ang gaganda ng mga halaman. Parang ang hirap alagaan ng mga 'yan.

"Ang galing mo naman. Nabuhay mo sila."

Ngumiti siya sa 'kin.

"They like me." Aniya at nilakipan ng pagtawa.

Natawa rin ako.

"For sure!" Sang-ayon ko habang tumatangu-tango.

Nabawasan ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.

"Puwede kang magkuwento?" Sabi niya.

"Ng ano?" Tanong ko.

"Ng kahit ano. Gusto kong makarinig ng kahit anong tungkol sa'yo." Aniya pa.

Nag-isip ako sandali at ngumiti sa kaniya nang may maisip ako. Ito ang unang pumasok sa isip ko. Medyo nakakatawa kasi ang experience na ito para sa 'kin kaya agad kong naisip.

"Sige."

Ngumiti siya ng kaunti. "I'm listening."

"Simpleng pangyayari lang 'to sa buhay ko, ah."

"It's okay. I told you, anything. Anything about you."

"Okay."

Nag-ipon ako ng hangin sa katawan bilang buwelo at saka nagsimulang magkuwento. Siya naman ay tilay naghihintay sa ikukuwento ko.

"Nangyari 'to no'ng pauwi ako galing sa trabaho. Sumakay ako sa bus no'n at doon ako naupo sa two seats row na bakante sa left side. At my left side was sitting an old man beside the window. Matanda na talaga siya. Parang malapit na sa uugod-ugod. Sobrang kulubot na ang balat niya at makikita mo rin na hindi na siya ganoon kalakas. Nagtanong siya sa 'kin kung anong oras na. Sinabi ko sa kaniya matapos kong tignan sa phone ko 'yong oras. Hindi ko na maalala ang eksaktong nangyari noon dahil na rin siguro pagod na ako sa trabaho para maka-encounter ng ganoong pangyayari. As far as I can remember, our conversation started about the President Marcos. Maka-marcos siya at iniidolo ko naman ang presidente na iyon dahil sa dami ng magagandang nagawa nito sa Pilipinas. Napaka-unlad kasi ng Pilipinas noong siya pa ang namumuno rito. Ikumpara mo na lang sa panahon ngayon na walang ibang nangyari kundi tumaas ang mga bilihin. Hanggang sa napunta sa iba 'yong topic dahil nga si lolo, madaldal at siya ang nagdadala ng usapan sa ibang direksyon. Kinuwento niya sa 'kin ang buhay niya. Sabi niya widower daw siya. Maaga siyang naulila sa asawa dahil namatay yata 'yong asawa niya sa sakit. Parang mga nasa 20's pa lang daw yata siya. Wala rin yata silang naging anak. He told me that he wasn't able to find a woman while he was at a young age dahil yata hindi pa niya nakakalimutan 'yong asawa niya at ayaw niya pang palitan ito. Sinasabi raw sa kaniya ng mga kaibigan niyang mag-asawa siya ulit pero hindi siya naghanap ng babaeng mapapangasawa ulit. Nakuwento niya rin ang mga pangkabuhayan package niya sa 'kin. Mayaman daw siya. May mga lupain daw siya at pangkabuhayan, –mga negosyo. Sabi pa niya, naniniwala siyang 'yong babae ay dadating 'yan ng hindi inaasahan at bigla na lang ibibigay sa'yo o bigla mo na lang makakatagpo kung nakatakda talaga para sa'yo dahil tadhana raw ang gumagawa ng paraan d'yan. Tapos sabi niya ay gusto pa raw niyang mag-asawa at magkaanak."

A Knight in a Cruel, Dark WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon