Mazel
Ubos na agad ang ice cream niya, pero 'yong sa aking baso ay marami pang laman.
Ibinalik niya sa ref kanina 'yong dalawang malaking lalagyan ng ice cream nang makailang subo na siya sa pagkain nito kaya malinis na ang mesa at walang ibang kalat kundi ang mga basong ginagamit namin. 'Yong binili niya kasi kanina para sa akin ay sa katabing upuan ko rito sa mesa inilagay.
"Ang bilis mo kumain." Puna ko sa kaniya.
"Mabagal ka lang kumain. Ang unti mo kasing sumubo." Puna niya rin sa 'kin na parang matatawa pa.
"Kasi nga inaalis ko pa 'yong lamig sa bibig ko para kapag dumating sa lalamunan ko kapag nilunok ko, wala na ang lamig. Baka magkaubo kasi ako, eh." Paliwanag ko.
"Ah.." Nakatango niyang sabi. "Eh, ano pang silbi na kumain ka ng ice cream kung hindi ka malalamigan?"
"Sa tingin mo ba, kailangan ko pang malamigan? Matagal na akong nanlalamig sa mundo, 'no!" Sabi ko at hindi napigilang matawa dahil sa sinabi kong hugot. Biro talaga iyon. Naging makatotohanan nga lang dahil may hugot din ako sa buhay.
Ngumiti siya habang nakatingin sa 'kin, hindi tumawa.
"Alam ko na ang dapat sa'yo." Aniya habang nakatingin lang sa 'kin.
Natigilan ako.
"Ano?" Tanong ko.
"Yakapsul." Aniya habang nakangiti ng nakakaloko.
Kahit na nakakaloko ang sinabi niya ay hindi ko minasama iyon. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil ayokong sirain ang magandang usapan namin at mailang sa sitwasyon ngayon. O siguro dahil naaalala ko ang pakiramdam sa tuwing niyayakap niya ako at hindi ko minamasama ang biro niya dahil nakatulong sa akin ang mga pagyakap niya sa akin. Nakatulong ang mga iyon para gumaan ang pakiramdam ko.
"Totoo namang gamot ang hug." Tumingin ako sa ice cream ko habang sinasabi iyon.
Tunaw na ang ice cream na kinakain ko. Wala na kahit maliit na solid part.
"Kaya pala ang sarap sa pakiramdam kapag niyayakap kita." Napaangat ulit ang tingin ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay pinamulahan ako sa sinabi niya. "H'wag kang mag-alala, lagi kitang yayakapin para gamutin ka. Ang dapat kasi sa'yo ay laging nakakulong sa mga bisig ko para hindi ka masaktan." Sabi niya at kumindat pa.
Ang bilis at lakas ng pintig ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ito sa dibdib ko na para gusto nitong kumawala mula sa dibdib ko.
Itinuon ko na lang ulit ang atensyon sa kinakain ko. Sa pagkakataong ito ay minadali ko na ang pagsubo. Hindi naman na ganoon kalamig dahil tunaw na.
"Gusto mo pa rin bang mag-aral ng art related course?" Tanong niya bigla.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nag-isip. Kumawala ang isang malalim na paghinga sa akin. Tumingin ako sa ibang direksyon, sa kawalan, bago sumagot.
"Hindi na. Nagbago na ang isip ko ngayon. Ewan ko kung bakit. Siguro, binago ng panahon. Pero dati gustung-gusto kong mag-aral ulit dahil hindi ako makontento sa sarili ko dahil nga gusto kong makuha 'yong mga bagay na gustong makita sa akin ng mga tao sa paligid ko. Hindi ako makontento sa sarili ko dahil sa liit ng tingin nila sa 'kin. Hindi ko kasi maiwasang manliit sa sarili ko, dahil pamilya ko mismo ay ganoon ang tingin sa 'kin. Pero ngayon okay na ako. Wala na akong dapat isipin pang mga ganoon dahil technically wala na akong pamilya, 'di ba? Wala naman din akong pakialam sa iniisip sa akin ng ibang tao. At saka, bukod sa nagbago na ang isip ko, simula noong araw na magdesisyon akong iwan na lang ang lahat, tinanggalan ko na ng pangarap ang sarili ko. Tinanggalan ko na ng karapatang mangarap ang sarili ko." Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga pagkatapos kong magsalita at tumingin ulit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
A Knight in a Cruel, Dark World
RomanceIt was stable and she was used to it. She was miserable. A damsel in distress. A damsel whose hope is as tiny as dust. A damsel who's at the lowest level of society who believes that no good things will ever cross her way anymore. A damsel who sold...