Maze
Inilabas ako sa underground market ng lalaking nakabili sa akin at isinakay sa kaniyang mukhang napakamamahaling kotse. Bago lumabas ng kuwarto ro'n sa underground market kanina ay muli niyang isinuot ang maskara sa kaniyang mukha. Nang makalayo kami sa lugar na iyon ay saka pa lamang niya tinanggal ang nakasuot sa kaniya na maskara. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mukha sa likod ng maskara niyang suot. Hindi lang siya guwapo kundi mabait din. Teka. Bakit nga ba ako nagsasalita ng tapos? Masiyado pang maaga para sabihin kong mabait siya. Hindi ko pa naman siya lubusang kilala at hindi ko alam kung totoo nga na gusto niya akong tulungan.
Nagtaka ako nang dalhin niya ako sa isang mall. Hindi na rin ako nag-abalang magtanong dahil baka may bibilhin lang siya.
"Stay there." Aniya bago lumabas ng kotse.
Umikot siya papunta sa kabilang bahagi ng kotse kung nasaan ako at pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Wear my coat. Malamig sa loob." Inilahad niya ang kamay na may hawak na coat. Tinanggap ko na lang iyon at isinuot ng hindi tumitingin sa kaniya.
Sinundan ko lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa department store.
Huminto siya bigla sa paglalakad at nilingon ako sa likod niya.
"Dito ka sa tabi ko, hindi d'yan sa likod ko." Aniya.
Tumango na lang ako at sinunod siya. Huminto siya sa women section at tumingin ulit sa akin.
"I'll buy everything you need. Pumili ka ng mga damit dito, 'yong style mo. Pambahay at panglakad. Shorts, pants, skirts, shirts, blouses and dresses. After that we'll go to the footwear section."
Natigilan ako sa mga narinig ko. Para bang sandaling nangalawang ang utak ko. Hindi ko kasi maintindihan ang nangyayari.
"H-huh?" Naguguluhan kong tanong.
Bakit niya ako ipamimili? Ni hindi niya nga ako kilala o kaano-ano man lang para bigyan ng kung anu-ano.
His face and him is very calm, at the same time very manly.
"You'll live with me and you don't have any things with you. Ano ang gagamitin mo sa araw-araw? I'm definitely not disdaining you, but in your situation, I assume you are not capable of buying yourself something. So, I insist."
Napayuko ako sa sinabi niya. Tama siya. Kung titira ako sa kaniya ay wala akong gagamitin sa pang-araw-araw. Wala akong kahit na anong gamit. Wala akong kahit na anong pag-aari, kahit ang sarili ko o ang damit na suot ko ngayon ay hindi sa akin. Wala rin akong pera, kaya siguradong hindi ko mabibilhan ang sarili ko katulad nga ng sinabi niya.
"I'm not trying to make you feel bad, raise or praise myself in any way, but you need to have things that you need for everyday."
Tumango ako at hindi makatingin sa kaniya ng matagal. Nahihiya ako sa kaniya. Hindi niya kailangang gawin ito, pero ginagawa niya pa rin.
"Naiintindihan ko." Halos pabulong kong sambit.
"At isa pa, kung ako ang bibili mag-isa, hindi ko rin naman alam ang sukat ng katawan at paa mo." Napatingin ako sa kaniya. Ngumiti siya ngayon sa 'kin.
BINABASA MO ANG
A Knight in a Cruel, Dark World
RomanceIt was stable and she was used to it. She was miserable. A damsel in distress. A damsel whose hope is as tiny as dust. A damsel who's at the lowest level of society who believes that no good things will ever cross her way anymore. A damsel who sold...