Kabanata labing siyam

33 2 0
                                    

Mazel

Wala akong marinig kahit ga-segundong katahimikan dahil sa ingay at tawanan ng mga kaibigan ni Jeo. Magulo sila, nag-aasaran at nagku-kuwentuhan. Natutuwa ako habang pinagmamasdan sila. Ramdam ko na masaya silang kasama ang isa't-isa. Parang walang bahid ang kasiyahan na iyon.

Ito pala ang pamilya ni Jeo. Masaya akong makilala sila.

Inaamin kong maingay at magulo sila pero hindi iyong tipong ingay at gulo na ayaw kong marinig.

Inihiwalay nila ako kay Jeo sa upuan. Pinagtulungan talaga nila si Jeo para maihiwalay siya sa akin. Pagkarating namin dito sa kusina, hinila nila bigla palayo si Jeo sa akin. Nagrereklamo siya at pumapalag, pero wala naman siyang magagawa dahil marami ang humahadlang sa kaniya para makalapit sa akin. Tuwang-tuwa ang mga kaibigan niya habang ginagawa iyon. Mukhang gusto nilang pagkatuwaan si Jeo habang narito sila.

Si Jelaine ang katabi ko sa upuan habang kumakain. Nasa tabi ko na siya lagi simula noong nagluto kami. Sa kaliwa ko naman ay 'yong lalaking nag-ngangalang Kobi. Kaya kanina pa masama ang tingin ni Jeo kay Kobi. Madali kong natandaan ang pangalan niya. Paano kong hindi maaalala ang pangalan niya? Siya ang pinaka-mahangin sa kanila at madali lamang naman matandaan ang pangalan niya dahil naaalala ko iyong sitsirya na kinakain ko noong bata ako sa pangalan niya.

Kakaupo pa lamang namin upang kumain, pero parang hindi magtatagal at may matutunaw akong katabi dahil sa sama ng titig noong isa.

Pinangunahan ni Jelaine ang pagdadasal bago kumain. Pagkatapos ng dasal ay magulo ulit sila.

"Pasensya ka na sa mga baliw na 'yan, Maze. Iyong mga sasabihin o sinasabi nilang aagawin ka nila kay Jeo, gusto ka nila at iyong pagtawag nila ng endearments? H'wag mo na lang pansinin. Mga takas kasi sa mental ang mga 'yan." Lumingon ako sa kanan ko at tinignan ang magandang mukha ni Jelaine na siyang nagsalita. "Gan'yan din sila sa akin noong bago pa lang nila akong nakilala. Yaan mo. Masasanay ka rin."

I smiled at her and chuckled a little.

"Hindi ko naman sineseryoso. Kaso, hindi ko alam kung ganoon din ang nararamdaman ni Jeo." Tumingin ako kay Jeo na hindi ko alam na nakatingin din pala sa akin.

I heard Jelaine chuckled while looking at Jeo. He is now looking at Kobi with his eyes like fire. Nakita ko pa si Kobi na nginingisihan siya.

"Honestly, I have never seen him like that other than the only one thing that can piss him off that I did before. Ngayon ko lang siyang nakita na naiinis sa simpleng asaran. Alam mo, kung sa asaran lang, walang tatalo kay Jeo. Maski si Grey nga ay talo niya sa asaran. Hindi rin siya napipikon o madaling maapektuhan. Ngayon lang talaga at sa tingin ko ay dahil sa'yo." Napatingin ako kay Jelaine habang nagsasalita ng mahina. Napansin kong hininaan niya ang boses niya kumpara sa kanina. Para ba hindi marinig ng iba? Ano nga 'yong sinabi niya? Dahil sa akin kaya nagkakaganito si Jeo? Bakit naman niya iniisip na dahil sa akin? "You see, Jeo is trying hard to go beside you, but they are keeping him from doing it. Kaya siguro ganiyan ang itsura niya. Look at him carefully, he is jealous at Kobi."

"Bakit naman siya magseselos sa kaibigan niya? Alam naman niyang binibiro lang siya ng mga ito."

"Doon mo makikita sa isang lalaki kapag ayaw ka na niyang pakawalan o ayaw ka niyang mawala. He is preventing you  from the reach of other guys. Ibabakuran ka hangga't kaya. Po-protektahan ka maging sa kaibigan. Maging kaibigan ay ituturing na kalaban dahil ayaw at takot siyang maagaw ka ng iba o mawala ka sa kaniya." Ngumiti siya na para bang may magandang iniisip. Para bang sumasariwa siya ng isang magandang ala-ala.

I chuckled.

"That is based on your experience, right?" Hindi siya sumagot. Nakakita ako ng pagkagulat sa mukha niya. He blushed. I saw it because she doesn't wear any make up. Hindi niya siguro inaasahang maitatanong ko ang mga na iyon. "Ayiee. Ginawa sa iyo 'yon ni Grey, 'no?"

A Knight in a Cruel, Dark WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon