Kabanata anim

37 2 0
                                    

Mazel

Nag-install kaagad ako ng notepad sa phone ko. Mali. Sa phone na ipinahiram pala sa akin. Hilig ko kasi ang pagsusulat. Pangarap ko balang-araw na magkaroon ng published books. Gusto ko ring mai-publish ang poetry manuscript ko.

Maya-maya ay naramdaman kong tumabi sa akin si Jeo sa pagkakaupo sa sofa.

Tapos na ba siya sa ginagawa niya? Ang dami kayang nakalagay na folders sa ibabaw ng desk niya.

Napalingon ako sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa ginagawa ko sa phone.

Inihinto ko ang ginagawa ko. Ini-lock ko ang screen ng phone at ipinahinga ang mga kamay ko sa lap ko saka lumingon ulit sa kaniya.

"Thank you pala rito. H'wag kang mag-alala, hiram lang 'to, isasauli ko rin." Hindi ako nakangiti pero minabuti kong gawing maliwanag ang mukha ko.

He crinkled his nose and rolled his eyes while laughing a little.

"Sinong nagsabing nag-aalala ako? Kahit 'wag mo na ngang isauli, okay lang sa 'kin."

"Pero isasauli ko pa rin." Pag-uulit ko sa sinabi ko at binalewala ang sinabi niya.

"Kahit 'wag na nga." Balewala niya ring sabi at binalewala ang sinabi ko. Tumingin siya sa akin dahil parang biglang mayroon siyang naisip na kung ano. Bahagyang kumipot ang pagkakadilat niya at bahagya ring tumabingi ang ulo habang nakatingin sa akin. "Pero alam mo, may naisip akong mas maganda."

Parang ayokong tanungin kung ano ang naisip niya. Hindi maganda ang kutob ko, kahit pa sinabi niyang maganda ang naisip niya, pero wala naman akong choice. Ayoko namang hindi siya kausapin. Sobrang bait na nga niya sa 'kin at tama na 'yong mga pagmamaldita ko sa kaniya na akala mo ay kung sino ako kapag nagkakausap kami. Masiyado nang pangit ang ugali ko kung hindi ko siya papansinin, at all.

Tinignan ko siya at may pilyo siyang ngiting nakaukit sa mga labi.

"Ano?" Tanong ko. Kahit ayoko talagang magtanong. Ang sama ng loob kong sinabi ko ang tanong na iyon!

"Isauli o ibalik mo sa akin sa ibang paraan." Nanatili siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang magiging reaction o opinyon ko sa sinabi niya.

Parang hindi ko gusto ang ideya niya pero sa isang banda ay puwede rin naman. Para makabawi ako sa kaniya sa lahat-lahat—kahit papaano. Pero mas maganda talaga kung isauli ko na lang. Kung maganda nga ang naisip niya, ang gagawin ko ay isasauli ko pa rin ang laptop at phone at 'yong mga bagay na hindi ko na puwedeng maisauli ay ang kukuhanin ko. Katulad ng mga ibinigay niya sa akin na pang-araw-araw at personal kong ginagamit o ang mga pangbabaeng kagamitan. Hello? Hindi naman niya aanhin ang mga iyon dahil lalaki siya.

"Paano naman?" Tanong ko.

"Sagutin mo lang lahat ng itatanong ko." Mabilis niyang sagot.

Napaisip ako sa sinabi niya. Inalis ko sa kaniya ang atensyon kasabay ng malalim na paghinga. Diretso sa harap ko ang tingin ko.

"Mahirap para sa 'kin na sagutin ang lahat ng itatanong mo at isa pa, parang napakababaw no'n para maging kapalit ng phone at laptop o ng mga bagay na ibinigay mo." Sabi ko sa mababa at seryosong boses.

"Iba na lang pala."

Hindi na muna ako kumibo at alam ko namang mag-iisip siya ng panibago. Hinintay ko na lang siyang makaisip ng iba. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa kaisipang nag-iisip siya, dahil baka kung ano pa ang maisip niya bukod sa kaninang naisip niya.

A Knight in a Cruel, Dark WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon